Kabanata 13
“May lead kaming sinusundan ni Ruochu ngayong hapon. Marami naman dyang iba na hindi okupado, kaya bakit hindi mo na lang sa kanila ibigay?” ang sabi ni Song Anyi, na may galit sa kanyang mga mata.
“Nabigyan ko na sila ng kanilang mga gawain. At ang news na nakatakda dapat sa inyo, isa lang sa inyo ang kailangan kong gumawa nito. Ang engagement ng young master ng Ji Group kay Guo Ruoruo ang pinag uusapan ng lahat ngayon, at ito ang balitang kukuha ng pinakamaraming views. Anuman ang mangyari ay dapat nating sunggaban ang oportunidad na ito,” mayabang na sinabi ni Lu Xiaolin habang ang mga braso niya ay nakahalukipkip.
“Ako nalang ang pupunta!” boluntaryong sabi si Song Anyi.
“Anong ibig mong sabihin Song Anyi? May problema ka ba sa set up na ito?” matalim na sinabi ni Lu Xiaolin nang makita niya kung gaano katigas ang ulo ni Song Anyi.
Dumilim ang ekspresyon ni Song Anyi at mukhang may tangkang sabihin na masama nang si Tang Ruochu, na tahimik habang sila ay naguusap, ay biglang nagsabi na, “Sige, ako na ang pupunta!”
“Ruochu!” ang sigaw ni Song Anyi nang hindi siya makapaniwala sa sinabi ni Tang Ruochu.
“Nawawala ka na ba sa sarili mo?”
“Ayos lang ako, Anyi. Interview lang naman ito, hindi ba? Kaya ko ‘to,” ang sabi ni Tang Ruochu habang nakangiti, pero ang mga mata niya ay puno ng panlalamig habang nakatingin siya kay Lu Xiaolin.
Alam niya na magkalapit si Lu Xiaolin at Gu Ruoruo at sila’y naging matalik na magkaibigan ilang taon na ang nakalilipas.
Naapi na ni Lu Xiaolin si Tang Ruochu sa trabaho sa dalawang taon niyang pagtatrabaho dito at hindi mararating ni Tang Ruochu ang posisyon niya kung hindi dahil sa sarili niyang pagtitiyaga.
Hindi niya inaasahang si Lu Xiaolin ay kasama din sa mga plano ni Gu Ruoruo.
Sigurado siya na si Gu Ruoruo ang may pasimuno sa pagpapahirap ni Lu Xiaolin sa kanya.
“Hmph, mabuti at may katuturan ang pinagsasabi mo.” ngumiti ng payabang si Lu Xiaolin matapos pumayag si Tang Ruochu sa trabaho.
Pagkatapos, siya ay naglakad palayo, at ngumiti na para bang nagtagumpay siya.
“Ang bruhang yon!” Siguradong sinadya niya ang mga ito!” sa sobrang galit ni Song Anyi ay nais niya sanang bugbugin si Lu Xiaolin.
“Kalimutan mo na yon, Anyi,” mabilis at mahinahon na sinabi ni Tang Ruochu.
Palaging mayabang ang pagkilos ni Lu Xiaolin dahil sa mataas niyang posisyon sa opisina.
“Pero… pupunta ka ba talaga? Sigurado namang may pinaplano siyang masama. Natatakot ako na may gawin na naman sila para ipahiya ka kapag dumalo ka!” nagaaalalang sabi ni Song Anyi.
Sumang-ayon si Tang Ruochu sa pagsusuri niya.
Gayunpaman, dahil inutusan siya ni Lu Xiaolin sa ngalan ng trabaho, hindi niya ito kayang tanggihan.
“Wag ka mag alala, kakayanin ko ito,” ang sabi niya.
Nang gabing ‘yon pumunta si Tang Ruochu sa hotel kung saan ginanap ang engagement party ni Ji Yinfeng at Gu Ruoruo.
Tinawagan niya si Lu Shijin bago siya umalis para ipaalam kung saan siya papunta.
Dumating siya sa venue ng 8 p.m. Ang Ji family ay nag-imbita ng humigit kumulang walong mga news station para mag ulat tungkol sa event. Ang ballroom ay maganda at engrande, at ang mga bihis na bihis na bisita ay naglalakad sa paligid ng bulwagan.
Ang lahat ng bisita ay mula sa mataas na lipunan, kaya’t maraming tao ang mula sa mayayamang pamilya na may makapangyarihang background sa pulitika. Ang event ay napaka-engrande talaga.
Tinignan ni Tang Ruochu ang eksenang ito nang may magkasalungat na tingin sa kanyang mga mata at nangutya nang makita niya ang malalaking mga wedding poster.
Nagbago ang lahat sa loob lamang ng ilang araw. Ito dapat ang araw ng kasal niya pero ito ay naging araw ng engagement party ni Gu Ruoruo.
Nakaramdam ng labis na kahihiyan si Tang Ruochu!
“Tandaan mo ito, Tang Ruochu, nandito ka para sa trabaho. Wag kang magsimula ng gulo dito,” ang babala sa kanya ni Lu Xiaolin nang lumapit siya kay Tang Ruochu suot ang isang low-cut gown. Nangangamba siyang baka magsimula si Tang Ruochu ng isang eksena.
“Wag kang mag alala, gagawin ko ang trabaho ko ng mabuti, at sinisigurado ko na ang mga litrato na kukunan ko kasama ng mga headline bukas ay napakaganda at walang laban ang mga kakumpitensya natin dito,” mahinahon na sinabi ni Tang Ruochu, na tila masaya siya.
Nalito bigla si Lu Xiaolin at sinubukang maghanap ng bakas ng hapdi sa mukha niya.
Nadismaya siya, hindi siya nakahanap ng kahit anong bakas ng pagkabigo sa mukha ni Tang Ruochu.
“Hmph, siguraduhin mo lang,” ang sabi ni Lu Xiaolin at nagdabog na umalis.
Ang mukha ni Tang Ruochu ay biglang dumilim at napuno ng panunuya matapos maglakad palayo ni Lu Xiaolin.
Masyadong halata ang mga ginagawa ni Lu Xiaolin, akala niya ba ay malilinlang niya si Tang Ruochu ng basta basta?
Hinihintay ba nila na magmukhang tanga ang sarili niya? Kailangan muna nila dumaan sa kanya!
Lumayo siya ng tingin at naghanap ng pwesto na hindi gaano malapit sa entablado pero nasa kalagitnaan banda, pagkatapos ay nagsimula na siyang manguha ng mga litrato.
Nakita niya ang mga magulang ni Ji Yinfeng, si Tang Song, at si Zhao Xiaowan habang mainit nilang binabati ang mga bisita.
Siya ay nakalimutan na nilang lahat!
Nanggigil si Tang Ruochu pero sinubukan niyang pigilan ang galit niya.
Umakyat ng entablado ang MC, binati ang madla, at nag anunsyo na nagsimula na ang event.
“Ngayon, tayo’y magbigay nang masigabong palakpakan sa pagdating ng mga ipinagdiriwang natin ngayong gabi, si Mr. Ji Yinfeng at si Miss Gu Ruoruo…” masiglang sinabi ng MC.
Tumayo ang mga bisita at nag palakpakan ng malakas matapos iahayag nang MC ang anunsyo at tuluyang pumasok sina Gu Ruoruo at Ji Yinfeng sa ballroom.
Si Gu Ruoruo ay nakasuot ng puting low-cut na gown, may deep-v sa neckline at ang palda niya ay puno ng pagbuburda at makikinang na kristal. Mas nagmukha siyang maganda matapos niya mapulbuhan sa mukha. Tila nagmukha siyang isang mayaman at sosyal na babae na kabilang sa mataas na lipunan.
Napakagwapo ng itsura ni Ji Yinfeng. Ang puti niyang suit, hugis ng katawan at ang maginoong aura niya ay nakatulong sa pagiging kaakit akit niya. Mukha na siyang isang tunay na marangal na young master.
Nakakawit ang braso ni Gu Ruoruo kay Ji Yinfeng habang sila ay pumapasok. Mukha talaga silang magkasintahan na para sa isa’t isa.
Huminga ng malalim si Tang Ruochu.
Pinilit niya ang sarili niyang huminahon at nagsabi sa sarili niya na hambog na magkasintahan lamang sila na hindi dapat pagbigyan pansin.
Sa kabila ng lahat, hindi niya parin mapigilang sumama ang kanyang loob nang makita niyang malambing na nakatitig si Ji Yinfeng kay Gu Ruoruo.
Kumikilos siya na para bang lubos ang pagmamahal niya kay Gu Ruoruo!
Sa sobrang galing ng pagganap niya ay pwede na siya manalo ng award.