Kabanata 65
Sinabi ng lalaki ang kinaroroonan niya bago niya ibinaba ang tawag.
Agad na tinawagan ni Madeline si Jeremy, pero naisip niya na malamang ay blinock ni Jeremy ang number niya.
Pagkatapos, tiningnan niya ang blankong contact list niya. Ang tanging number na pwede niyang tawagan ay ang kay Old Master Whitman.
Subalit, pagkatapos niyang mag-isip-isip, hindi na tinawagan ni Madeline si Old Master Whitman.
Tumatakbo ang oras, at wala na ring ibang pagpipilian si Madeline. Tumawag siya ng taxi at binigay ang address sa driver.
Mukhang mabait ang driver. Noong makita niyang namumutla at may iniindang sakit si Madeline, binalak niyang dalhin sa ospital si Madeline. Pagkatapos siyang pasalamatan at tanggihan ni Madeline, nagpatuloy sila sa kanilang destinasyon.
Pagkalipas ng kalahating oras, nakarating si Madeline sa lokasyon na binigay ng lalaki sa kanya.
Ito ay isang liblib na lugar na pinaliligiran ng mga bundok at anyong tubig. Maraming puno na naninilaw na ang mga dahon sa pa
Naka-lock na chapters
I-download ang Webfic app upang ma-unlock ang mas naka-e-excite na content
I-on ang camera ng cellphone upang direktang mag-scan, o kopyahin ang link at buksan ito sa iyong mobile browser
I-click upang ma-copy ang link