Webfic
Buksan ang Webfix app para sa higit pang kahanga-hangang content

Kabanata 12

Sinabi ni Wilbur, "Panahon na upang bigyan sila ng isang malaking regalo. Alam mo na kung ano ang gagawin mo." "Opo, Boss. Siguradong magbabayad sila," sagot ni Faye. Ngumiti si Wilbur. "Magpahinga ka na. Huwag mo na akong problemahin bukas. Mag-isa akong pupunta." "Opo, Boss." Tumayo si Wilbur at bumalik sa kanyang silid. Tumingin si Faye habang umaalis si Wilbur at nagbuntong-hininga. Kung siya ay napahiya at inapi ng ganoon, tiyak na ibabalik niya ito ng sampung beses. Napakabait ng kanyang boss. Gayunpaman, hindi ganun kabait si Faye. Hindi siya kailanman naging mabait sa kanyang mga kaaway. Kinabukasan. Gumising si Wilbur ng alas-diyes ng umaga. Lumabas siya ng bahay at nagmaneho patungo sa Southlake Resort Island. Oras na upang tapusin ito. Kasabay nito, isang SUV na may military badge ang huminto sa harap ng house number one. Isang middle-aged na lalaki, matangkad, at may malapad na balikat ang lumabas ng sasakyan. Bagaman nakasuot ng karaniwang damit, maramdaman mo agad na isa siyang sundalo base sa kanyang presensya. Nag-doorbell ang lalaki. Binuksan ni Susie ang pinto at masayang bumati, "Dad! Narito na po kayo!" "Oo. Nasaan ang grandpa mo?" Tanong ng lalaki. Kumunot ang noo ni Susie. "Nasa kwarto po siya buong araw at misteryoso ang kanyang kilos. Talagang naapektuhan siya ng scammer na iyon." "Kumusta ang kalagayan niya?" Tanong muli ng lalaki. Agad na sinagot ni Susie, "Umiinom na po si Lolo ng gamot na dinala ng Seechertown medical team, at ngayon po ay mas mabuti na ang kalagayan niya. Nagpatingin po siya, at positibo ang lahat ng resulta." "Mabuti naman. Hayaan mong turuan ko ang sinungaling na iyon ng leksyon. Walang sinuman ang pwedeng abusuhin ang pangalan ng pamilya Grayson," malamig na sambit ng lalaki. Tumango ng isang beses si Susie. "Opo, at dapat niyo po talagang turuan siya, dahil kung hindi, baka isipin ng iba na pwede silang maging malapit kay Grandpa sa susunod." Pagkatapos, tumalikod ang lalaki at sinabihan ang driver, "Tumawag ka sa scammer at sabihin mo na gusto kong makipagkita sa kanya." "Opo." Agad na tumawag ang driver. Makalipas ang ilang sandali, bumalik siya at nag-ulat, "Sinabi niya pong naroon siya sa isang kasal sa Southlake Resort Island at dapat po ninyo siyang hanapin kung gusto niyo siyang makita." "Ang kapal ng mukha niya." Malamig ang pahayag ng lalaki. "Walanghiya siyang magpanggap na mataas ang katayuan niya sa harap ko! Tayo na sa Southlake Resort Island ngayon!" Sumakay si Gordon sa sasakyan, at mabilis na umalis ang driver. Huminga ng malalim si Susie. "Walang hiya na sinungaling ka, magbabayad ka. Hintay ka lang." Pagkatapos sabihin iyon, bumalik siya sa loob at lumakad patungo sa kwarto ng kanyang lolo. Huminto siya saglit at tinawag, "Grandpa, oras na para mag-ehersisyo ka. Hindi pa po kayo lumalabas buong araw ngayon." Tahimik ang kwarto, kaya't paulit-ulit na tinawag ni Susie ang kanyang lolo. Kahit na mas naging mabuti ang kondisyon ng lolo niya, kailangan pa rin nito mag exercise. Sa wakas, binuksan ni Benjamin ang pinto makalipas ang kalahating oras at tumingin siya ng naiinis kay Susie. “Tapos ka na? Wala na ba akong kalayaan?” “Para po ito sa kapakanan niyo, Grandpa. Wag po kayong pasaway,” Ang sabi ni Susie. Ngumisi ng malamig si Benjamin. “Alam ko kung ano ang kondisyon ng katawan ko. Tumigil ka na sa pagrereklamo mo. Ginagawa mo ba ang lahat ng ito para magalit ako?” “Ano po ang sinasabi niyo, Grandpa? Kung hindi po dahil sa pangangalaga namin at ng Seechertown medical team, hindi po sana mabuti ang kondisyon niyo,” Ang sabi ni Susie ng may masamang loob. Nangutya si Benjamin, “Sa tingin mo ba talaga ay kayo ang rason ng lahat ng ito?” Nagalit si Susie. “Hindi po ba? Alam niyo dapat na ang katawan niyo ay nasa masamang kondisyon, at umaasa po kayo sa gamot upang mabuhay. Kung hindi po sa gamot at sa pag alis ko sa med school para alagaan kayo, buhay pa po ba kayo? Hindi po ba mahalaga ang mga ito sa inyo?” Umagos ang luha ni Susie habang sinasabi ang mga ito. Pakiramdam niya ay wala na talaga sa tamang pag iisip ang lolo niya. Walang utang na loob ang lolo niya sa pangangalaga niya dito ng maraming taon, ngunit ang scammer ay inuto ang lolo niya ng ilang salita lamang, at ngayon ay nakakulong ng buong araw ang lolo niya at ginagawa ang kalokohan na cultivation. Napuno lang siya ng lungkot habang iniisip ito, umiyak siya ng mas malakas sa bawat lumipas na segundo. Napabuntong hininga si Benjamin nang makita na ganito ang apo niya. Pumasok siya sa kwarto niya, nilabas niya ang gamot mula sa shoe cabinet niya, at pinakita niya ito kay Susie. Nilagay niya ang gamot sa harap ni Susie, sinabi ni Benjamin, “Tingnan mo ito. Ito ang nagawa ng gamot mo para sa akin.” Pinunasan ni Susie ang mga luha niya, tumitig siya ng tulala sa lolo niya. Tahimik si Benjamin at tumayo lang siya sa lugar. Mabagal na kinuha ni Susie ang box at binuksan niya ito. Maayos ang posisyon ng mga gamot, walang nagalaw sa kahit ano dito. “Grandpa, ano ito?” Ang tanong ni Susie ng hindi siya makapaniwala. Nagbuntong hininga si Benjamin. “Nagsawa na ako sa lahat ng mga gamot. Hindi ko ininom ang kahit isa sa mga ito.” Nalito si Susie. “P-Pero, ang kalusugan niyo po?” Tumingin si Benjamin kay Susie at kumunot ang noo niya. “Hindi mo ba nakikita? Ano ba ang sabi ng report ko?” Mabagal na sinabi ni Susie, “S-sabi po nila na mas naging m-mabuti na po ang k-kondisyon niyo, at gumagaling na rin po pati ang fibrotic lungs niyo.” “Ngayon, sa tingin mo pa rin ba ay ang gamot ang rason ng lahat ng ito?” Ang tanong ni Benjamin. Bumagsak sa sahig ang gamot na hawak ni Susie. Nakanganga ang bibig ni Susie at hindi siya makapaniwala. Umiling si Benjamin. "Kayong mga bata talaga, akala niyo matalino kayo at alam niyo na ang lahat. Sasabihin ko sa iyo na meron talagang mga himala. Sa katotohanan, ang Dasha ay puno ng mga mahusay na tao na tulad ni Wilbur Penn. Kailan ka ba titigil sa pananaw mo sa mundo ng may panghuhusga?" Nabigla si Susie. Pagkatapos, nagsalita siya, "Grandpa, hindi posible ito. Ang cultivation method na tinuro ng lalaking iyon ay gumana at nagpapaganda ng kalusugan niyo?" "Ano sa tingin mo?" ang tanong ni Benjamin. Walang maisagot si Susie. Hindi siya makapaniwala na totoo ito. Gayunpaman, totoo na ang lolo niya ay hindi uminom ng gamot ngunit gumaling pa rin ng parang isang himala. Sa katotohanan, walang paraan para patunayan na hindi ito ang nangyari. Ito ang pinakamalaking krisis sa buhay niya ngayon. Pagkatapos, lumingon siya at sinabi niya ng mahina, "Grandpa, umuwi na po si Dad." "Ano? Ano ang ginagawa niya dito, sa halip na binabantayan ang kampo niya?" ang sabi ni Benjamin, halata na hindi masaya. Tahimik si Susie, ngunit hindi niya rin maitago ang katotohanan. Sinabi niya ng mahina, "Umalis po siya para turuan ng leksyon si Wilbur Penn." Sumigaw ng galit si Benjamin, "Ano?! Sino ang nagsabi sa iyo na gawin 'yun?" Agad na nabalisa si Susie. "Grandpa, hayaan niyo po akong magpaliwanag. Akala ko po ay isang scammer si Wilbur na sinubukang gamitin ang pangalan ng pamilya natin para sa personal na kapakanan niya. Ito ang rason kung bakit pinauwi ko po si Dad." Galit ng sobra si Benjamin, "Mga walang alam! Tawagin mo ang tatay mo dito! Hihingi kayo ng tawad kay Wilbur, at huwag kayong bumalik hanggang hindi kayo pinagbigyan! Ang bahay ng mga Grayson ay walang lugar para sa mga taong walang utang na loob!" Sa sobrang sama ng loob niya ay umuubo na siya habang nagsasalita. Sobrang takot si Susie at lumapit siya para himasin ang likod ni Benjamin. "Aalis na po ako, Grandpa. Pakiusap, wag na po kayong magalit." "Sige na, umalis ka na!" ang sigaw ni Benjamin. Tumahimik na si Susie. Tinawag niya ang mga katulong upang bantayan ang tatay niya bago siya nag-drive papunta sa Southlake Resort Island. Agad siyang tumawag sa tatay niya habang nasa loob ng kotse, ngunit walang sumasagot.

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.