Kabanata 66
Humupa ang komosyon nagn makarating si Shirley sa manor ng mga Blackwood. Nakaramdam siya ng kakaiba nang humakbang siya papasok dito. Mukhang nagulat na gulat ang lahat kaya agad siyang naapektuhan ng tensyon sa paligid.
Nang makapasok siya sa sala, nakita ni Shirley si Benjamin nang nakatalikod sa kaniya. Makikita ang mga basag na piraso ng ceramic sa gilid ng paa nito pero walang kahit na sino ang nagtangkang maglinis sa kalat na iyon.
“Benjamin, nasaan si Damian?” Hindi nakita ni Shirley si Damian doon kaya agad niyang nilapitan si Benjamin. Pagkatapos ng nangyari kagabi, nakaramdam siya ng malalim na takot dito.
Wala namang pakialam ang mga mata ni Benjamin. Walang naging kakaiba rito pero nakaramdam pa rin ng takot si Shirley.
Tiningnan siya ni Benjamin bago nito direktang sinabi na, “Masyado siyang maingay kaya pinatulog ko muna siya.”
Pinatulog niya ba talaga si Damian? Hindi nakasiguro si Shirley sa sinabing ito ni Benjamin pero naramdaman niya na sinisi ni Benjamin ang

Naka-lock na chapters
I-download ang Webfic app upang ma-unlock ang mas naka-e-excite na content
I-on ang camera ng cellphone upang direktang mag-scan, o kopyahin ang link at buksan ito sa iyong mobile browser
I-click upang ma-copy ang link