Kabanata 37
“Samuel, ilabas mo na ako rito. Nagmamakaawa ako sa iyo…” Desperadang umiyak si Sophia habang nanginginig nang malakas ang buo niyang katawan.
Hinawakan naman ni Samuel ang mukha ni Sophia para mapatingin ito sa kaniya. “Walang kahit na sino ang mananakit sa iyo ngayong nandito na ako. Wawasakin natin ang lugar na ito kung ayaw mo rito.”
Dito na niya ikinaway ang kaniyang kamay. “Wasakin ninyo ang lahat.”
Hinawakan ni Samuel ang mukha ni Sophia para ipapanood dito ang pagwasak ng excavator sa maliit na bahay sa loob lang ng ilang segundo. Umiyak nang malakas si Sophia nang mapanood niya iyon.
Nagtapos na ang lahat. Tapos na rin ang mga kinatatakutan niyang araw. Ayaw nang bumalik pa ni Sophia sa lugar na ito. Ayaw na niyang magkaroon ng mapapait na araw sa kamay ng mga taong mangaabuso sa kaniya.
“Ilabas mo lang ang lahat hanggang sa makalimutan mo na ito.”
Niyakap ni Samuel si Sophia bago ito bumulong sa tainga nito ng, “Soph, magpakasal na tayo pagkabalik natin a Elderstone!”

Naka-lock na chapters
I-download ang Webfic app upang ma-unlock ang mas naka-e-excite na content
I-on ang camera ng cellphone upang direktang mag-scan, o kopyahin ang link at buksan ito sa iyong mobile browser
I-click upang ma-copy ang link