Webfic
Buksan ang Webfix app para sa higit pang kahanga-hangang content

Kabanata 12

”Wala akong pakialam kung anong relasyon mo kay Mr. Stout. Lahat ng nasa sales department ay tumatayo sa sari-sarili nilang mga paa, narinig mo?” Mariing sabi ni Faith sa loob ng elevator. Bakas sa kanyang magandang mukha ang mabagsik at supladang tingin. Naglabas din siya ng malakas at nangingibabaw na aura, na para bang siya ay isang reyna. “Tatlong buwan, Perseus. Bibigyan lang kita ng tatlong buwan. Kung hindi mo pa rin maabot ang KPI mo sa pangatlong buwan, magre-resign ka na agad.” “Sige.” Hindi naman nagalit si Perseus. Sa kabaligtaran, hinangaan niya ang istilo ng pagtratrabaho ni Faith. Hindi ito natatakot sa awtoridad, at desidido ito at alam nito kung anong gusto. Palaging magandang bagay para sa mga kasamahan na maging mabait sa isa’t-isa, ngunit hindi sapat ang mga kagandahang-loob upang panatilihing tumatakbo ang kumpanya. Si Fatih ay parang heneral na sumakop sa iba’t-ibang lupain para sa kanyang kaharian. “Faith, ako na ang magdadala ng pitaka mo.” Kinuha ni Perseus ang pitaka ni Faith. “Pakibigyan naman ako ng briefing sa kung paano ginagawa ang trabahong ito. Kakailanganin ko ring manghingi sa’yo ng ilang mga payo pagdating sa pagbebenta.” “Gusto ko ang ugali mo.” Nagulat si Faith kay Perseus. Ang mga taong nakapasok sa pamamagitan ng mga koneksyon ay napakahirap pamunuan. Hindi masusukat ni Faith ang kakayahan ni Perseus sa pagtatrabaho, ngunit kahit papaano ay meron itong magandang saloobin sa trabaho. Hindi ito katulad ng ibang lalaki na mahilig tumitig sa kanyang dibdib at puwitan. “Dadalo ka sa pang-araw-araw na assembly tuwing umaga sa sales department. Kapag natapos na ang assembly, bibigyan kita ng listahan ng mga pangunahing gawain. Para naman sa mga payo sa kung papaano magbenta, dahan-dahan kong ituturo ang mga iyon sa’yo sa hinaharap.” Itinaas ni Faith ang kanyang pulso para tingnan ang oras na nakalagay sa kanyang Cartier watch. Bumukas ang pinto ng elevator nang mga sandaling iyon, kaya agad siyang lumabas. Mabilis na sinundan siya ni Perseus. Maraming bumabati kay Faith habang papunta sila sa meeting room. Mukhang matatag ang reputasyon ni Faith sa kumpanya. Ang mga taong nakakasalubong nila ay palaging bumabati sa kanya bago humahakbang papalayo sa kanya. Ang sales department ay matatagpuan sa unang palapag ng gusali. Napakalaki ng opisina nito dahil umabot ito ng humigit-kumulang 1,100 square feet na halaga ng espasyo. May dalawang silid na matatagpuan sa magkabilang gilid ng malaking opisina. Ang isa sa kanila ay isang maliit na meeting room para sa sales department, habang ang isa naman ay ang opisina ni Faith. “Magandang umaga sa inyong lahat,” sabi ni Faith habang binubuksan ang pinto ng meeting room. Isang napakatalino at may kumpiyansang ngiti ang nakalagay sa kanyang mga labi sa sandaling iyon. “Magandang umaga, Faith!” “Magandang umaga, Faith.” Nagpalakpakan ang lahat sabay bati kay Faith. “Maupo kayong lahat. Bago ko simulan ang assembly ngayon, gusto kong magpakilala ng bagong kasamahan sa inyong lahat.” Tumawag si Faith sa pinto, “Pasok ka!” Nang pumasok si Perseus sa silid, ipinakilala siya nito sa iba. “Siya si Perseus Caitford, ang bagong salang sa department natin. Sana tulungan at alagaan ninyo ang isa’t-isa sa trabaho. Sa ganoong paraan, magkakasama tayong uunlad at yayaman.” “Tama!” Isang sunod-sunod na palakpakan ang umalingawngaw sa meeting room. Gayunpaman, dalawang tao ang partikular na hindi pareho ang damdamin, kung ihahambing sa kanilang madilim na ekspresyon. Nagtatakang napatingin si Catherine kay Raymond. Hindi ba’t siya na ang nag-ayos ng lahat? Bakit kinuha pa rin si Perseus? At saka, bakit siya nasa parehong department? Nalilito rin si Raymond. Walang magawa siyang nagkibit-balikat. Hindi nakaligtas sa atensyon ni Perseus ang tahimik na pag-uusap nina Catherine at Raymond. Wala siyang pakialam kung ano ang iniisip ng mga ito sa kanya. Kaya naman, nagpakilala siya na may neutral na tono. Pagkatapos noon, gumugol si Faith ng ilang mahalagang minuto sa pagpapakilala sa bawat empleyado ng sales department kay Perseus. Walang masyadong tao na nagtatrabaho sa departamento. Sa katunayan, meron lamang kabuuang walong tao, kasama si Perseus. Si Pete Manson, na may edad bandang 40, ay napakahusay sa kanyang trabaho. Palagi niyang natatamo ang kanyang KPI at malalampasan ito, kahit na siya ay pangalawa lamang kay Faith, ang manager. Si Pete ang pinuno ng unang grupo. Isa lang ang miyembro ng grupo niya—si Alicia Brown, na nasa edad bandang 30. Ang pinuno ng pangalawang grupo ay si Catherine, kasama si Raymond bilang kanyang miyembro ng grupo. Sa wakas, ang ikatlong grupo ay pinamunuan ng matandang nasa edad 50 na nagngangalang Gary Lloyd. Ang kanyang bentahan ay matumal, kaya palagi niyang nakukuha ang huling ranggo. Dahil baguhan si Perseus, nakatakda siyang sumali sa ikatlong grupo. Gayunpaman, si Faith ang gaganap bilang kanyang mentor sa unang tatlong buwan. Kapag nakapasa siya sa probasyon, opisyal na siyang magiging bahagi ng ikatlong grupo. Nagsimula ang assembly pagkatapos ng maikling pagpapakilala. Wala naman masyadong sinabi si Faith. Sinenyasan niya si Perseus na iabot ang kanyang pitaka. Pagkatapos noon, naglabas siya ng pitong kumpol ng berdeng dolyares na papel. Ang isang kumpol ay tila nagkakahalaga ng 10,000 dolyar sa unang tingin. “Bawat isa ay makakatanggap nito. Gastusin ninyo nang tama, okay?” “Yey!” “Ayos, Faith!” Lalong lumawak ang ngiti ng lahat nang makita ang mga salapi. “Perseus, ngayong araw ka tinanggap sa department, pero biglaan ang enlistment mo. Inihanda ko ang pera kahapon, kaya ipapadala ko na lang ang bahagi mo sa bank account mo.” Hindi napansin ni Faith ang anumang bakas ng sama ng loob sa mga mata ni Perseus. Kahit wala pang isang oras na pumasok siya sa sales department, pinilit pa rin nitong ibigay sa kanya ang kanyang bonus dahil isa na siya sa mga kasamahan nito. “Sa tingin ko ay hindi magandang ideya ‘yan, Faith. Kakapasok ko lang sa department, pero bibigyan mo na ako ng bahagi ng bonus. Hindi ko kayang tanggapin. Makokonsensya ako kapag ginawa ko iyon,” sagot ni Perseus, na halatang nabigla sa pagtrato. Sabay kinaway niya ang kanyang mga kamay. “Lalaki ka, Perseus. Huwag na huwag mong sasabihin ang mga salitang ‘Hindi ko kaya,” sagot ni Faith na nakataas na ang isang kilay. Tinapunan niya ng matalim na tingin si Perseus bago nagpatuloy, “Lalong-lalo na sa akin.” “Um...” “Ibigay mo sa akin ang bank account number at phone number mo. Siguraduhing i-add mo ako sa WhatsApp.” Dahil hindi kayang tanggihan ni Perseus ang bonus ni Faith, maaari lamang niyang tanggapin ang 10,000 dolyares habang bahagyang nakaawang ang bibig. “Mag-out ka ng isang oras na mas maaga mamayang hapon. Bilhan mo ng damit ang sarili mo. Bilang mga sales executive, kailangan nating ipakita ang ating mga sarili bilang desidido at presentableng mga tao.” Itinabi na ni Faith ang phone niya pagkatapos noon. “Empleyado ka ng sales department. Makatuwiran lang na kwalipikado ka rin para sa bonus. “Ayoko nang paliguy-ligoy. Lahat ay nagtratrabaho para sa pera. Efficiency lang ang gusto ko, kaya wala akong pakialam kung anong gagawin mo basta maabot mo ang KPI. “Simulan na natin ang assembly para sa araw na ‘to.” Hindi binigyan ni Faith ng pagkakataon si Perseus na magsalita. Sinimulan niya kaagad ang asambly sa pamamagitan ng pagbubuod ng trabaho noong nakaraang linggo. Pagkatapos noon, nagtakda siya para sa mga gawain sa trabaho sa kasalukuyang linggo. “Kayon lahat, gawin ninyo ang inyong makakaya. Gagantimpalaan ko ang mananalong grupo ngayong buwan ng 20,000 dolyar mula mismo sa bulsa ko.” “Ang galing mo, Faith!” “Mahal na mahal ka namin, Faith!” Sa sandaling tumigil si Faith sa pagsasalita, lahat ay naghiyawan kaagad. Tahimik lang na nakaupo si Perseus sa isang sulok. Ang kanyang paghanga kay Faith ay lalong lumaki, dahil alam na niya ngayon na ang babaeng ito ay sapat na karismatiko upang mag-udyok sa kanyang mga tauhan sa kabila ng dominanteng personalidad nito. Ang katotohanan na ang Quantum Innovations ay may napakagandang asset sa panig nito ay malaking pagpapala para sa Perseus at sa kumpanya mismo. “Sige, tama na! Tigilan ninyo na ang pagiging sipsip! Magsipagtrabaho na, kayong lahat! Gusto kong makakita ng mga bagong customer, ora mismo! Sige na!” Umalis ang lahat ilang sandali lang. Sina Perseus at Faith na lang ang nasa meeting room. “Maraming bakanteng mesa, kaya pumili ka na lang ng isa sa mga iyon bilang workstation mo. Isa pa, narito ang mga file ng kumpanya. Gusto kong tapusin mo ang lahat bago ka umalis sa trabaho. Siguraduhing bilugan ang mga mahahalagang bahagi.” Matapos ilagay ni Faith ang patong-patong na mga file sa harap ni Perseus, pumalakpak siya habang nagpapatuloy, “Depende sa kakayahan mo kung mananatili ka o hindi bilang isang empleyado. Simula bukas, sasama ka sa’kin para makipagkita sa mga kliyente. “At saka, kung hindi mo matatapos ang pagbabasa ng mga file sa oras na umalis ka sa trabaho, dapat mong ipagpatuloy ang pagbabasa niyan mamayang gabi. Wala akong pakialam kung hindi ka makatulog mamayang gabi basta tapusin mo ang mga ito. Iyon na ang lahat para sa araw na ito.” Hindi man lang binigyan ni Faith ng pagkakataon si Perseus na magsalita. Kinuha niya ang kanyang pitaka at nagmamadaling lumabas ng meeting room pagkatapos noon. “Sabi ko na nga ba may kapalit ang 10,000-dollar na bonus,” ungol ni Perseus habang nakatitig sa patong-patong na mga file, na mas mataas sa kanya. Umiling siya, halatang hindi nakaimik sa binigay na gawain sa kanya. Gayunpaman, nagpasya siyang seryosohin ang lahat ng mga file. Nadama ni Perseus na imposibleng maabot ang kanyang KPI sa pamamagitan lamang ng pagbabasa ng mga file, ngunit maaari pa rin siyang matuto nang higit pa tungkol sa Quantum Innovations sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga ito. Bigla siyang bumahing nang mga sandaling iyon. “Sino kayang tsumitsimis sa’kin?” ungol niya. … Isang Mercedes Benz ang lumayo sa Quantum Innovations. Nagsalubong ang mga kilay ni Catherine sa malalim na pagsimangot, ang kanyang ekspresyon ay hindi maipinta. “What the hell? Akala ko inayos mo na! Bakit tinanggap ang dating preso na iyon? Ang masaklap, sa sales department pa siya inilagay!” “Hindi ko alam!” Putol ni Raymond, ang kanyang ekspresyon ay parehong dumadagundong. “Teka lang, tatawagan ko si Dean.” Hininto niya ang sasakyan sa gilid ng kalsada bago pinindot ang numero ni Dean. “Hoy, Dean! Anong nangyari nung ini-interview mo yung dating preso, ha? Diba napagkasunduan nating—” “Fuck you, Raymond Miller! Bahala ka sa buhay mo!” Galit na sinimulan ni Dean ang pagmumura kay Raymond bago matapos ang kanyang mga pangungusap. Napakalakas ng boses niya na nagsimulang sumakit ang tenga ni Raymond. Kahit si Catherine ay naririnig ang boses ni Dean na nagmumula sa speaker ng phone ni Raymond. “Hah?” Naguguluhan si Raymond.

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.