Kabanata 3
Yuyuko ang dating Cyrus sa mga banta ni Benedict noon at magmakaawa. Ngunit ang kasalukuyang Cyrus, hindi siya namomroblema sa mga basurang ito.
Gusto niyang magkaroon ng pagkakataong kumita kaagad ng pera para kay Zoey.
“Mr. Wright, wala nang mawawala sa'kin. Sa tingin mo ba talaga takot akong mamatay?”
Inobserbahan siya ni Rachel, na kilalang-kilala si Cyrus. Nakaramdam siya ng pagbabago sa kanya ngayong araw.
Nagsalin siya ng isang tasa ng tsaa para sa kanya at nagbabala, “Hindi ka na magkakaroon ng pangalawang pagakakataon dito kung di ka tutupad sa sinabi mo. Hindi ka papapasukin ng Innerzen Medical Center, at baka patayin ka talaga nina Mr. Wright at Mr. Wood.”
“Kapag nanalo ako, matitiyak mo rin ba yun?” ngumiti si Cyrus.
“Syempre, ang tagumpay o kabiguan ay nakadepende sa kakayahan ng isang tao. Gusto ko kapag may kakayahan ang isang lalaki,” sagot ni Rachel.
Habang hinarap si Benedict, pumusta si Cyrus, “Ngayon, pumusta tayo ng isang milyong dolyar.”
Natawa si Benedict at hinampas ang debt acknowledgment sa mesa, “Wala ka na ngang isandaang libo. Bakit ako makikipagsugal sa'yo? Bayaran mo muna ang sampung libong to.”
“Sapat na ba ang isugal ang isa sa mga kamay ko?” Komento ni Cyrus.
“Sinong may pakialam sa kamay mo? Walang kwenta yan, lalo na sa isang basurang kagaya mo,” sagot ni Mr. Wright.
Nagkainteres na naman si Rachel pagkatapos makitang lumaban ni Cyrus.
Kapag biglang tinubuan ng buto ang isang talunan, isa lang ang ibig sabihin nito. Sumuko na sila at nagsilang magpadalos-dalos, handa silang gamitin ang buhay nila bilang collateral para sa sugal.
Naisip ni Rachel na kumilos nang ganito si Cyrus dahil pinatikim niya siya kahapon. Naisip niya sigurong gamit nito, magkakaroon pa siya ng isang pagkakataon sa kanya kapag nagtagumpay siyang gawin ito.
Ang hindi alam ni Rachel ay kung gaano kahalaga ang kamay ng isang grand medical saint.
Nagtangka si Cyrus na isugal ang kamay niya dahil pagdating sa medical skills, madali niyang matatalo ang mga basurang to kahit nakapikit pa siya.
Tumayo si Rachel at umalis sa kwarto.
Nang wala pang dalawang minuto, bumalik siya dala ang isang maliit na pakete ng gamot at itinulak ito kay Cyrus, sabay nagsabing, “Gustong makuha ni Mr. Wright ang asawa mo. Kapag nanalo ka, sa'yo na ang isang milyon. Kapag nanalo ka, ipainom mo ang gamot na'to kay Zoey mamayang gabi. Pwede munang manatili sa bahay ko ang anak mo. Ano sa tingin mo?”
Kuminang sa sabik ang mga mata ni Benedict.
Mabilis siyang pumayag, “Walang problema sa'kin. Ito ang huling pagakakataon mo para mabaliktad ang lahat, basura.”
Sa umpisa, naisip ni Benedict na masyadong malaki ang isang milyon, pero pagkatapos niyang naisip ang natatanging kagandahan ni Zoey, hindi niya napigilang matukso. Kuntento ang mukha niya na para bang nakikita na niyang mananalo siya sa sugal na ito.
Inisip ng lahat na papayag si Cyrus lalo nasa nakaraan niya bilang isang sugarol.
May mga utang siya at palagi niyang iniisip na makakabawi siya nang parang isang talunan.
Kahit na katamtaman lang ang galing niya sa medisina, mayabang niyang itinuring ang sarili niya bilang isang henyo.
Sa mga mata ng isang sugarol, wala lang ang isang asawa. Mas mahalaga ang pera.
May hindi natutuwang ekspresyon si Cyrus, pero para makuha niya ang target, kailangan niyang pigilan ang galit niya pansamantala.
Seryoso siyang sumagot, “Hindi.”
Kahit na hindi siya maituturing na tapat na asawa para kay Zoey sa ngayon, hindi niya kayang pumayag sa ginagawa nila.
Kahit na tiyak ang pagkapanalo niya, bilang isang grand medical saint, hindi siya gagamit ng ganitong paraan.
Nagulat ang lahat. Talagang hindi inasahan ang sagot ni Cyrus.
Nang nakita ni Benedict na mawawala sa kanya ang pagkakataong makasama si Zoey, nainis siya at galit na nagsabing, “Habangbuhay lang magiging walang kwenta. Kung di mo babayaran ang pera ngayon, babaliin ko ang mga binti mo.”
Galit din si Rachel, pero mabilis siyang bumalik sa makarismang anyo niya.
Lumapit siya kay Cyrus at pinakiusapan siya, “Hindi ka rin naman niya hahayaang mahawakan mo siya. Balang-araw din ay mapupunta siya sa iba. Bakit di mo na lang siya gamiting pampusta? Hindi ka na magkakaroon ng isa pang pagkakataong makakuha ng isandaang libong dolyar sa buong buhay mo.”
Ngumisi si Cyrus, “Isandaang libong dolyar lang? Hangga't buhay ako, walang ibang pwedeng humawak sa asawa ko.”
Nang marinig ang sinabi niya, natawa sina Rachel at Benedict.
Sabi ni Benedict, “Hindi mo nga kayang protektahan ang sarili mo ngayon. Paano mo mapoprotektahan ang asawa mo? Baka nga di mo lang alam may iba nang nakahawak sa kanya.”
Alam ni Cyrus na isang malaking hamon ang mapapayag ang isang taong makipagsugal sa kanya nang walang kapital.
Wala nang natirang kredibilidad sa reputasyon niya.
Nangako siyang mag-uuwi siya ng pera, at tumitindi na ang sitwasyon ni Zoey; para bang ito ang pinakamabilis na lugar para makakuha ng pera.
Ang totoo, hindi siya kulang sa pera. May ilang bilyong dolyar ang account ng master niya, na ginagamit lang para tumulong sa mga kapos palad.
Alam ni Cyrus ang password sa bank card, at dahil siya naman ang kumita sa karamihan ng perang iyon, hindi madalas tinatanong ng master niya ang paggastos niya.
Ang problema ngayon ay hindi siya hahayaang magwithdraw ng kahit isang sentimo ng kasalukuyan niyang pagkatao. Hindi lang iyon, kapag nagkamali siya, hindi siya mananatiling nakatago sa mga kalaban niya.
Tumingin siya kay Rachel at nagtanong, “Paano kung ipusta ko ang cornea at bato ko?”
“Pwede mo lang gamitin ang asawa mo bilang pampusta.”
Umiling si Cyrus, sabay sagot, “Kung ganun, kalimutan mo na yan. Sa susunod na lang tayo maglaro.”
Tumayo siya para umalis, pero bago siya nakarating sa pinto, sumigaw si Rachel, “Sandali!”
Kakaiba para sa kanya na biglang naging matapat ang lalaking ito sa asawa niya at handa pa siyang ipusta and buhay niya para sa kanya.
Mas mahalaga ba si Zoey kay Cyrus kumpara sa buhay niya?
Nagsimulang magliyab ang inggit sa puso ni Rachel.
Si Zoey, ang mapagmataas na babaeng iyon, ay dapat na madalas niyang aapak-apakan para hindi na makabangon pang muli.
Hindi mahalaga ang halaga ng pera. Hindi rin naman mananalo si Cyrus laban kay Benedict. Teritoryo niya ito.
Kung ganun, isa itong larong imposible siyang matalo.
Mas maganda pa nga kung hahayaan niyang magpatong-patong pa ang utang niya.
“Cyrus, hindi ito isang biro. Kapag marami ka, pipirmahan mo ang donation agreement na'to,” paalala ni Rachel sa kanya.
“Syempre, pipirma ako kaagad kapag natalo ako,” nakangiting sagot ni Cyrus.
Mas lalong nabagabag si Rachel nang nakita niya ang kawalan niya nang takot.
“Isang fixed price, limandaang libong dolyar. Walang labis, walang kulang,” sagot ni Rachel.
Naisip ni Cyrus na napakabangis talaga ng babaeng ito at tumawad pa siya kahit sa sitwasyong ito.
Kumpara sa kabutihan ni Zoey, ibang kwento si Rachel.
Hindi niya talaga naintindihan ang dating Cyrus, na sobrang humaling sa mga babae, na sumira sa sarili niyang pamilya.
Kahit na ganun, dahil malaki ring halaga iyon, diretsong pumayag si Cyrus, “Sige, limandaang libo. Ikaw ba ang kalaro ko?”
“Hindi ako interesado sa ganito kaliit na halaga. Makipaglaro ka kay Mr. Wright. Kahit na anong mangyari, kahit mamatay ka pa, mauuwi pa rin naman sa kanya and asawa mo,” nakatawang sabi ni Rachel.
Kinuha ni Benedict ang pagakakataon ay kaagad na nagdeklara, “Sayang ka lang sa resources at buhay ka pa. Bibigyan kita ng one-way ticket. Maglalaro ba tayo ng pulse-checking game ngayon?”
Mayroon rin siyang reputasyon bilang isang traditional medicine practitioner, kung kaya't kampante siyang matatalo niya si Cyrus.
“Sige, maglaro tayo ng pulse-checking game,” pumayag si Cyrus.
Ang pulse-checking ay ang pinakamabilis at pinakamadaling paraan. Ito rin ang pinakamahirap mahulaan.
Magiging doktor ang mga manlalaro mula sa Innerzen Medical Center at pipili ng pasyente para sa consultation.
Pagkatapos kunin ng dalawang manlalaro ang pulso nila, ibabahagi nila ang impormasyong nakuha nila.
Ang may mas wastong impormasyon ang mananalo.
Ang kahit na anong pagkakamali, kahit isang salita lang, ay maituturing na pagkatalo.
Hindi nagtagal, inutusan ni Rachel ang mga nars na magbahagi ng larawan ng 28 passenger para pagpipilian nilang dalawa.
Para maiwasan ang pandaraya, kailangang pumayag ng dalawang partido.
Ngumiti si Benedict at nagsabing, “Ikaw ang pumili.”
Tumingin lang si Cyrus sa mga pasyente at tinuro ang isang dalaga, sabay nagsabing, “Namamaga ang mga paa niya. Malamang ay buntis siya. Gagamitin natin ang kadalasang patakaran. Aalamin muna natin kung lalaki o babae ang bata. Kung tama tayong dalawa, titignan natin kung sino ang may mas tamang detalye sa diagnosis natin.”
Tinginan ni Benedict ang impormasyon ng buntis at medyo namroblema siya.
Tatlong buwang buntis pa lang ang babaeng ito at kakabuo pa lang ng bata, kaya masyado pang mahina ang pulso ng bata.
Isang hamong matukoy ang kasarian ng bata gamit lang ng pulso kaya napakahirap ng larong ito.
Pero kung wala siyang kumpiyansa, mas malabong manalo ang isang talunang kagaya ni Cyrus sa sugal na ito.