Kabanata 14
Tila inasahan ni Cyrus ang magiging reaksyon ni Cecilia, dahil siya at ang master niya lang ang kayang magsagawa ng operasyong ito.
Tumawa siya at nagsabing, "Basta't tanggapin mo ako bilang mentor, at pwede kitang turuan nang paunti-unti. Bilang isang doktor ng tradisyonal na panggagamot, dapat mong malaman na ang medical skills ay hindi lamang tungkol sa mga lihim na recipe. Nangangailangan ito ng matagal-tagal na cultivation."
Sumabog si Cecilia, "Ikaw? Mentor ko? Alam kong di ka na talaga magbabago. Sinusubukan mo pa akong lokohin ngayon. Tama na ang pag-arte mo sa negosyong to."
"Hindi ako nagsisinungaling sa’yo. Paano kung ganito? Kapag nakatanggap ospital mo ng mga ganung pasyente, gagawin ko ang operasyon, at pwede kang manood. O kung balang araw ay bumalik ang Innerzen Medical Center sa’kin, pwede kang magpadala mga pasyente doon para gamutin," suhestiyon ni Cyrus.
"May kakayahan ka bang bawiin ang Innerzen Medical Center? Tauhan ka lang ni Rachel," sagot ni Cecilia at umalis.
Maging si Zoey na naghuhugas ng pinggan ay umiling nang hindi makapaniwala.
Na nagmula sa mahabang linya ng mga medical practitioner at naging napakahusay na estudyante mismo, imposibleng tanggapin ni Cecilia si Cyrus bilang mentor niya.
Ganun pa rin si Cyrus, ginagamit ang karisma niya at pagmamanipula para lang mapalapit sa kaibigan niya.
"Naalala mo ba ang ginawa mo noon?" malamig na tanong ni Zoey.
Kung wala ang paalala ni Zoey, hindi maaalala ni Cyrus ang mga ginawa ng nakaraang Cyrus, dahil hindi siya ang gumawa nito.
Ngayon, napahawak siya sa mukha niya habang tumakbo ang isang libong kaisipan sa utak niya. Para bang may mga bangin ang mapusok niyang pag-uugali sa bawat isang liko niya.
Nagpadalos-dalos nga siya ngayon.
Noon, may nagawang malaking kahihiyan ang isa pang Cyrus.
Lihim niyang in-add friend si Cecilia, nagpadala ng mga mensahe para guluhin siya, at nagpumilit pang regaluhan siya ng isang Lamborghini. Kumuha ng screenshots si Cecilia at ipinakita ito kay Zoey.
Walang pakialam si Cyrus. Naniniwala siyang kaya niyang makuha ang sinumang babae sa pamamagitan ng pera at sinadya niya ito para ipakita kay Zoey na kapag hindi niya siya hinayaang galawin siya, matutulog siya kasama ng bestfriend niya.
Tumigil lang siya nang maubos ang yaman ng pamilya niya.
"Totoo 'yung surgical process na inilarawan ko kanina. Sabi ko tuturuan ko siya na magtawag ng mas maraming pasyente sa clinic ko. Huwag kang masyadong isipin ng iba," paliwanag ni Cyrus.
"Bahala ka. Sa tingin mo may laban ka kay Rachel? Kapag natalo ka, baka hindi mo na ito mabawi kahit kailan," sabi ni Zoey na hindi itinatago ang pangmamata niya.
"Wag kang mag-alala tungkol sa negosyo. Siguradong magugustuhan nila ang mga mahahalagang herbs kagaya ng Dragon White Herbs," sabi ni Cyrus.
"Gawin mo ang gusto mo," malamig na sagot ni Zoey.
Talagang sumuko na siya kay Cyrus.
Ngunit ang masakit para sa kanya ay nang nakakita siya ng isang kislap ng pag-asa, pinatay naman ito ng isang timba ng malamig na tubig.
Alam ni Cyrus na walang saysay ang mga paliwanag sa puntong ito. Posibleng maging sobrang sensitibo ang puso ng isang babaeng kagaya ni Zoey lalo na't matapos masaktan nang malubha.
Pero hindi siya nagmamadali. Marami pa rin siyang pagkakataon. Walang dudang makakakuha pa siya ng pabor kapag napatayo niyang muli ang tatay niya sa handaan.
"Susunduin ko si Mira sa school."
Pagkatapos sabihin iyon, sumakay siya sa electric bike niya papunta sa kindergarten, nagsaksak ng SIM card sa phone niya, at nagpadala ng isang text message.
"Mayroon akong kaibigan na nagngangalang Cyrus, na nagnenegosyo sa herbal market sa Jorsproburgh. Magpadala ka sa kanya ng dalawang Dragon White Herb sa pamamagitan ng air freight. Makipagnegosyo sa kanya, at mag-supply ayon sa mga pamantayan ng dati nating pagtutulungan."
"Grand Doctor, buhay ka pa?" Agad na tanong ng kabilang linya.
Nakakagulat para sa kahit na sino na makatanggap ng ganitong mensahe mula sa Grand Doctor.
“Hindi ako pwedeng magsabi ng impormasyon sa ngayon. Gawin mo lang ang sinabi ko."
"Sige, ipapadala ko to sa loob ng tatlong araw!"
Dinala ni Dana si Mira sa gate ng kindergarten nang nakangiti at nagpakita ng hindi kapani-paniwalang positibong pag-uugali.
"Mira, nagugutom ka na ba? May mga prutas na inihanda ang guro para sa iyo."
Nang matapos magsalita si Dana, lumapit ang class teacher ni Mira na may dalang pinggan ng prutas at yumuko para pakainin siya.
Hindi pa nakaranas ng ganitong pagtrato si Mira noon at nahiya siya.
“Wow, hindi ako makapaniwala,” gulat na sabi ng isang magulang.
Sa gitna ng pagtataka ng mga magulang, naroon din ang inggit. Sino ba naman ang hindi maghahangad na makatanggap ng ganitong pangangalaga ang anak nila?
Paano nagkaroon ng ganitong prestihiyo ang isang tao mula sa pamilyang Johnson, na kilala sa pagiging mapag-aksaya?
Sinampal niya ang pamangkin ng principal na naging dahilan ng pag-iyak nito, pero hindi siya pinalayas, sa halip ay nakatanggap pa siya ng ganitong karangalan.
Alam ng lahat na napakayaman ni Dana at hindi siya natinag kahit na sa kasagsagan ng Johnson family. Nang dumating si Cyrus, nakatingin sa kanya ang lahat nang puno ng inggit at selos.
Gayunpaman, lumapit si Dana na may malaking ngiti at bumulong, "Mr. Johnson, nasisiyahan ka ba?"
"Ayos lang ‘yan. Mahina ang katawan ng anak ko. Kailangan niya ng ganitong pag-aalaga," sagot ni Cyrus.
"Syempre, makakaasa ka. Sa hinaharap, wala nang maglalakas loob na mang-api kay Mira sa school."
"Mabuti, hindi mo na kailangang isara ang kindergarten mo kung gayon."
"Salamat, salamat. Wag kayong mahiya."
Yumuko ulit si Dana at pinanood siyang umalis.
Nakaramdam ng kakaibang saya si Mira, habang nagkukwento. Ang saya niya ay hindi nagmula sa mga hiwa ng melon sa bibig niya kundi sa tatay niyang sinundo siya mula sa paaralan sa unang pagkakataon.
Si Mira lang ang walang hinanakit kay Cyrus.
Kahit gaano siya kalamig at kalupit noon, minahal niya nang walang kondisyon ang tatay niya, at umasang masusuklian nito ang pagmamahal niya.
Sa kasamaang palad, hindi napagtanto ng dating Cyrus ang halaga niya at itinuring pa nga siyang pabigat.
Nang makitang mas masigla at masayahin ang anak niya, bahagyang gumaan ang kalooban ni Zoey. Basta't bigyan ni Cyrus ng lambing ang anak nila, nagpapasalamat siya.
Nagsagawa muli ng acupuncture si Cyrus kay Mira sa gabi, na sinundan ng kalahating oras na masahe. Kahit na nakatulog siya, nanatili ang maliit niyang kamay sa malaking kamay niya, at ayaw bumitaw.
"Sasamahan mo ba si Mira mamayang gabi? Sa outdoor lounge chair ako matutulog," sabi ni Zoey.
Nangangahulugan ito na ayaw na niyang makasama sa kama ni Cyrus, lalo na't nandito ang anak nila.
"Malamig sa labas; pupunta ako mamaya. Noong sinaunang panahon, ang leukemia ay kilala rin bilang 'sakit sa dugo.' Kapag inihanda gamit ng isang kakaibang paraan, malaki ang maitutulong sa kondisyon niya ng Dragon White Herb na tumutubo sa malalamig na rehiyon," paliwanag ni Cyrus.
"Kung ganun, sinasabi mong hindi na natin ipagpapatuloy ang chemotherapy ng anak natin, tapos ikaw na ang gagamot sa kanya?" tanong ni Zoey.
"Oo, hindi na siya kayang gamutin ng chemotherapy. Masyadong matagal nang delayed ang treatment niya. Araw-araw ko siyang gagamutin. Siguro sa loob ng tatlong taon, gagaling na siya," sabi ni Cyrus.
"Pwede siyang gumaling?" Napanganga ang maliit ni bibig ni Zoey sa gulat.
Paanong gagaling ang ganitong nakamamatay na sakit?
"Oo, huwag kang mag-alala. Hindi ko sasaktan si Mira," tiniyak ni Cyrus.
Kinukuwestiyon na ni Zoey ang mga desisyon niya sa buhay dahil sa kanya. Pagkatapos niyang matulala, sinabi niya, "Kung mapagaling mo si Mira, ibibigay ko sa'yo ang virginity ko. Pero pagkatapos nito, gusto ko ng divorce. Sana lang ay alagaan mo siya nang mabuti pagkatapos nating mag-divorce."
"Kung ibibigay mo yun sa ganitong dahilan, wag na lang.” Naghanda si Cyrus na lumabas para matulog, hawak ang kumot niya.
Nagulat na naman si Zoey sa pag-uugali niya.
Tatanggihan ba talaga ni Cyrus ang alok niyang intimasya kung siya mismo ang nag-alok?
"Pupunta ka ba talaga sa 60th birthday celebration ng tatay ko?" Pansamantalang tanong niya nang may tahimik na tono.
"60th birthday? Paanong hindi ako pupunta, bilang isang dakilang son-in-law? Bukas, ako na ang bahala sa shop. Dapat ibili mo ang sarili mo ng magandang damit. Wag mong ipahiya ang sarili mo sa harap ng stepmother at mga kapatid mo. Magugulat ang lahat ng mga kamag-anak at kaibigan mo sa malaking regalo ko sa tatay mo at makakabawi ka sa sama ng loob at kahihiyang tiniis mo noon.”
Nakahiga si Zoey sa kama nang hindi makatulog buong gabi.
Simula nang maparalisa ang papa niya, isang beses lang niya siyang nakita.
Hindi siya pinayagan ng stepmother niya na bumisita pa. Nag-uusap lang sila nang ilang sandali gamit ng video call.
Sa ngayon, isa na lang ang kamag-anak niyang may pakialam sa kanya; kung sasabihin niyang wala siyang pakialam, isa itong malaking kasinungalingan.
Kinabukasan, nang babangon na si Zoey, mayroon siyang naamoy na masarap.
Paglabas niya, natuklasan niyang nagluto pala si Cyrus ng egg spaghetti para sa kanila ni Mira.
Hindi lang siya nagulat, pinagdudahan niya pa mismo ang buhay.
Habang pinapakain si Mira ng spaghetti, bumulong siya, "Sa tingin mo, magkano ang gagastusin ko para sa damit?"
Si Cyrus ang kumita ng perang ito, kaya kailangan niyang humingi ng permiso sa kanya para hindi siya magalit at iuntog ang ulo niya sa pader.
"Isang engrandeng okasyon ang 60th birthday celebration ng tatay mo, lalo na't iaanunsyo nila ang tagapagmana ng negosyo ng pamilya niyo. Kaya ubusin mo na lang ang natitirang 190 thousand dollars. Kumuha ka na rin ng magandang damit para kay Mira. Hindi natin hahayaang mapahiya kang muli."
"Gastusin ang buong 190 thousand dollars?" sambit ni Zoey at inisip niyang baka nagkamali lang siya ng narinig.
May bakas ng pangamba sa mga bilugan at magagandang mata niya.
Nitong katapusan ng linggo noong nakaraan, sinampal siya ni Cyrus sa harap ni Mira nang dahil lang sa 1200 dolyar, na naging sanhi ng pagbagsak niya sa lapag.
Noong una ay binalak niyang gumastos lang ng dalawang libo sa mga damit para lang maiwasang mapaluhiya at makaiwas sa pamilya ng madrasta niya.
Naisipan pa niyang humingi ng permiso kay Cyrus na gumastos ng mahigit 10 thousand para mabilhan ang tatay niya ng imported na smart wheelchair bilang regalo.
Ngunit kahit na para lang doon, nag-aalala siyang hindi pumayag si Cyrus at magalit.
Hindi niya akalaing magiging ganito siya kagalante.