Kabanata 452
Hindi siya minahal ni Jeremy. Kahit kaunti.
Kapag nabuking siya sa pagpapanggap niya bilang ang batang babae noon, balewala na siya kay Jeremy. Parang di man lang siya kilala nito kahit na may anak silang dalawa.
"Mukhang alam mong may mangyayari," Walang pakeng sinabi ni Jeremy. Lumapit ang matangkad na katawan nito sa kanya nang matakot siya sa malakas na aura nito.
Inosenteng umiling si Meredith. "Jeremy, di ko alam kung anong sinasabi mo."
Pinilit niyang maluha para magmumukha siyang naaagrabyado.
"Jeremy, para sa kapakanan ng relasyon natin at para na din kay Jack, pwede mo ba akong ilabas dito? Talagang napagbintangan lang ako-"
"Heh."
Bago pa matapos si Meredith, naudlot siya ni Jeremy.
"Alam mo ba kung bakit buhay ka pa ngayon?" Biglang tanong niya.
Nagtatakang tumingin si Meredith sa lalaking lalong nagiging nakakatakot habang tumatagal.
"Kasi hinihintay ko pa ang sagot ni Maddie."
"..." Nanlaki ang mata ni Meredith sa gulat nang bumilis ang tibok ng puso
Naka-lock na chapters
I-download ang Webfic app upang ma-unlock ang mas naka-e-excite na content
I-on ang camera ng cellphone upang direktang mag-scan, o kopyahin ang link at buksan ito sa iyong mobile browser
I-click upang ma-copy ang link