Kabanata 1287
Kinuha ni Jeremy ang papel at nakita ang isang linya ng salita dito. Ang gulo ng sulat sa puntong halos imposibleng mabasa ito.
Natagalan si Jeremy bago niya mabasa nang bahagya ang sulat. ‘Wag kang magpadalos-dalos.’
Tinignan ng doktor ang sulat sa kamay ni Jeremy. “Ang taong nagdala sa’yo sa ospital ay malamang sa ring doktor. Isang doktor lang ang makakapagsagawa ng ganitong first aid. Ang sulat din, kaming mga doktor lang ang ganyan magsulat.”
“Doktor?”
Natahimik si Jeremy.
Naalala niyang may nakita siyang isang pamilyar na taong tumakbo patungo sa kanya nang tuliro. Tinawag din ng lalaki ang pangalan niya.
Ngunit di maalala ni Jeremy na may nakilala siyang doktor dito sa Y Country.
…
Makalipas ang ilang araw, gumaling na si Madeline.
Naligo siya at bumaba ng kama. Pumunta si Eloise para iabot ang isang mainit na mangkok ng herbal soup. “Ako mismo ang gumawa nito. Para sa’yo oh.”
Nabigla si Madeline nang makita niya si Eloise na nakatingin sa kanya nang mukhan
Naka-lock na chapters
I-download ang Webfic app upang ma-unlock ang mas naka-e-excite na content
I-on ang camera ng cellphone upang direktang mag-scan, o kopyahin ang link at buksan ito sa iyong mobile browser
I-click upang ma-copy ang link