Webfic
Buksan ang Webfix app para sa higit pang kahanga-hangang content

Kabanata 1195

Nang maharap si Madeline sa mga pagdududa ni Jeremy, ang tanging nagawa lang niya ay itikom ng mahigpit ang kanyang kamao. Naramdaman niya na unti unting bumabaon ang mga kuko niya sa kanyang palad bago dahan dahang sinabi, “Jeremy, merong mga bagay na hindi ko pa pwedeng sabihin sayo ngayon, pero pakiusap magtiwala ka sa akin. Hindi ako gagawa ng bagay na ikakasakit ng loob mo.” “Kung hindi ako naniniwala sayo, hindi sana ako nakatayo ngayon dito.” Hinawakan ni Jeremy ang kamay ni Madeline at ibinaba ang kanyang ulo para makalapit dito. “Linnie, asawa mo ako. Pwede mo akong pagkatiwalaan at asahan anumang oras.” Nang marinig niya ang malumanay an boses na puno ng pagpapasensya at kalinga, nakaramdam n g kirot si Madeline sa kanyang dibdib. Tinitigan niya ang nag-aabang na mga mata nito pero wala siya masabi. “Jeremy, ako—” “Mr. and Mrs. Whitman.” Isang lalake ang lumapit sa kanila at binati sila. Hinawakan ni Madeline ang kamay ni Jeremy at magalang na nginitian ang bisita.

Naka-lock na chapters

I-download ang Webfic app upang ma-unlock ang mas naka-e-excite na content

I-on ang camera ng cellphone upang direktang mag-scan, o kopyahin ang link at buksan ito sa iyong mobile browser

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.