Kabanata 4
“Mahirap magsalita sa ngayon. Kung suswertihin tayo, siguro nasa tatlo hanggang apat na buwan. Pero kung hindi, baka talagang wala ng pag-asa,” sabi ng doktor.
Natigilan ng ilang sandali ang doktor at nang makita niya ang reaksyon ng dalawa, nagmamadali siyang nagpatuloy, “Bata ka pa naman, Avery. Sigurado ako na magiging smooth ang lahat.”
Mabilis na lumipas ang panahon. Hindi nila namalayan na maguumpisa na ang tag lagas sa Avonsville.
Pagkatapos maligo ni Avery, umupo siya sa vanity at inilabas ang bagong face cream na kabibili niya lang kanina at maingat itong pinahid sakanyang mukha.
“Elliot, gusto mo bang lagyan kita nito? Sobrang dry ng panahon,” Sabi ni Avery habang naglalakad papunta kay Elliot.
Umupo siya sa gilid ng kama kung nasaan ito at maingat na pinahiran ang mukha ni Elliot.
Nang sandaling dumampi ang ang mga daliri ni Avery sa mukha ni Elliot, gulat na gulat itong dumilat, at sumalubong sakanya ang sobrang ganda nitong mga mata.
Maging si Avery ay nagulat din kaya napahinga siya ng malalim.
Hindi na bago sakanya na makitang dumidilat si Elliot, pero sa tuwing nangyayari yun ay sobrang nagugulat pa rin siya.
“Masyado bang madiin ang pagkaka’pahid ko? Kailangan kong bawasan ang pressure? Oo, tama. Sige sige.” Sabi ni Avery habang patuloy na minamasahe ang mukha ni Elliot.
“Alam mo ba? May mga nabasa ako sa internet na kaya ka raw hindi nagkaka girlfriend noon ay dahil jan sa katawan mo…Pero sa tingin ko okay naman ang katawan mo! Ang ganda nga ng braso mo oh… at itong legs mo…”
Pagkatapos lagyan ng cream ang mukha ni Elliot, pabirong tinapik ni Avery ang braso at hita nito.
Sobrang hina lang ng pagkakatapik niya, na kahit siguro may malay na tao ay hindi ito mararamdaman.
Pero biglang nanlaki ang kanyang mga mata dahil sa naging reaksyon ni Elliot..
Nakarinig siya ng boses ng lalaki…
“Elliot? Ikaw ba yun? Nagsalita ka ba?” Gulat na gulat na sabi ni Avery. Halos lumuwa ang mga mata ni Avery sa sobrang pagkagulat.
Nakatitig lang din si Elliot sakanya.
May kakaiba sa titig ni Elliot ngayon. Oo, araw-araw itong dumidilat pero noon halatang walang buhay ang mga mata nito. Pero ngayon, ramdam na ramdam na may emosyon ang titig nito kay Avery… para bang galit, naiirita, nagdududa?
“Mrs. Cooper!” Sigaw ni Avery habang tumatakbo pababa, na para bang isang pusang natapakan ang buntot” “Mrs. Cooper, gising na si Elliot! Nagsalita siya! Gising na talaga siya!”
Sobrang pula ng pisngi niya at halos hindi mahabol sa bilis ang tibok ng kanyang puso - pakiramdam niya ay malalaglag ito mula sa kanyang dibdib.
Gising na si Elliot.
Sigurado si Avery na talagang gising na si Elliot… Hindi lang ito basta-bastang dumilat, nagsalita pa ito!
Kahit na mabagal at mahina, sobrang nakakatakot ang boses nito.
Tinanong ni Elliot kung sino siya.
At nang sandaling marinig niya yun ay para bang nablangko ang isipan niya.
Lahat ng taong makausap niya ay sinasabing mamatay na si Elliot, kaya ni minsan hindi na rin siya umasa na talagang gigising ito.
Agad-agad na dumating si Mrs. Cooper, ang doktor at ang body guard nang sandaling marnih ng mga ito ang sigaw ni Avery.
Halos kalahating oras pa lang ang lumilipas ay napuno na ang mansyon sa sobrang daming tao.
Gulat na gulat ang lahat dahil wala ni isa sakanila ang umasang gigising pa si Elliot.
“Alam kong gigising ka, Elliot!” Mangiyak-ngiyak na sabi ni Rosalie sa sobrang saya.
“Buti naman at gising ka na , Elliot,” Sabi ni Henry. “Hindi mo alam kung gaano mo kami pinag’alala, lalo na si Mama. Tignan mo sa sobrang stress niya sayo, nagsiputian na ang mga buhok niya.”
Pagkatapos tignan ng mga doktor ang kundisyon ni Elliot, hindi makapaniwalang lumapit ito kay Rosalie at sinabi, “Milagro talaga ito! Noong huling beses ko siyang tinignan, wala ni isang senyales na bumubuti ang lagay niya. Nagyon na nakakapag salita na ulit si Mr. Foster, pwede na nating umpisahan ang therapy niya at hindi magtatagal ay kakayanin na niyang bumalik sa normal niyang buhay.
Sa sobrang saya ni Rosalie, hindi niya kinaya at hinimatay siya.
Buti nalang at nasaloi siya ni Henry at maingat siyang binuhat nito palabas ng kwarto.
Naiwanan sa loob ang doktor, si Mrs. Cooper at ang body guard. Samantalang si Avery naman ay nakatayo lang sa pintuan dahil natatakot siyang lumapit.
Hindi pa man din tuluyang nakakarecover si Elliot, kinikilabutan na siya sa awra nito.
Dahan-dahang umupo si Elliot at walang emosyon na tumingin kay Avery.
“Sino yan?” Tanong ni Elliot, na may sobrang nakakatakot na boses.
Hindi makapag salita ang doktor sa sobrang takot.
Kaya agad-agad na yumuko si Mrs. Cooper at magalang na nagpaliwanag. “Master Elliot, siya po ang asawa niyo. Noong panahong wala po kayong malay, inarrange marriage po kayo ni Madam Rosalie at ang pangalan niya po ay–”
Hindi pa man din tapos magsalita si Mrs. Cooper nang walang emosyong nagsalita si Elliot, “Paalisin niyo yan dito.”