May mas malakas na kakayahan sa pakikipaglaban ang elder kumpara sa assistant commander at isa siyang head commander sa mga bodyguard ng Quinton family.
"Sabay-sabay kayong umatake!" Hindi nagpaligoy-ligoy ang head commander nang malaman niya kung gaano kalakas si Lana. Binigyan niya ang lahat ng mga guard ng senyas––ang umatake nang sabay-sabay.
"Haha! Mababawasan ang problema ko kapag sabay-sabay kayong umatake!" Tumawa si Lana nang nakita niya ang mga lalaking pasugod sa kanya at sinalubong niya sila sa gitna.
Bang! Slam! Pow!
Nakakatakot at nakakapangilabot na ingay ang narinig habang lumipad ang ilan sa mga bodyguard ng Quinton family at ilang saglit lang ay nasa lapag na silang lahat. Tanging sina Young Master Quinton at ang tatlong mayayamang young master––na nasa iisang mesa kasama niya at nakainuman niya noon––ay nakatulalang nakatayo roon.
Maraming tao ang tumingin kay Lana nang may paghanga at respeto. "Paanong nangyari yun? Paanong… Paanong ang lakas-lakas niya?"