"Hmph. Wala akong pakialam kung ikaw ang young master ng Woods family. Talagang hindi patas ang desisyon na to para sa ama ko. Nakakadurog ng puso!"
Malamig na suminghal ang babae at tinupi ang kanyang mga braso sa kanyang dibdib. Tinikom niya ang kanyang labi at suminghal ngunit mukha siyang kaaya-ayang tignan.
"Tama. Paano namin magagawa yun?"
Maraming tao ang hindi natuwa para sa kapakanan ni Lancelot.
Lalo na't makakakuha na ng mas maraming martial resources ang kanilang master at komportable na siyang mamumuhay sa wakas. Pero kailangan pang mangyari ang ganitong bagay. Natural lang na magagalit ang mga miyembro ng branch family.
"Anong pinagsasasabi mo, Sally? Humingi ka ng tawad kay Young Master Fane ngayon din! Nakalimutan mo na ba lahat ng pangaral ko sa'yo?"
Nagsalubong ang kilay ni Lancelot at nagpakita ng isang striktong aura habang sinagot niya ang babaeng nasa kanyang harapan.
"Papa!"
Nainis si Sally at pinadyak ang kanyang paa. "Wala akong sinabing mali. B