Webfic
Buksan ang Webfix app para sa higit pang kahanga-hangang content

Kabanata 2 Sampung Milyong Dolyar ang Nawala

“Verian Mont! Bakit andito ka?” Biglang narinig sa loob ng kwarto ang malamig na boses ng isang may katandaang babae. Tumalikod si Verian at nakita ang kanyang stepmother na si Queena Sheen na naglalakad papasok. Napasilip naman sa baba ang walang-hiyang magnobyo na nasa itaas nang marinig ang kaguluhan. May bakas ng pagkalito sa ma mata ni Jensen. “Verian, ikaw…bakit ka bumalik?” Inirapan ni Verian Mont si Jensen at tinitigan ito. “Bahay ko ‘to, bakit naman ‘di ako babalik?” Umangat naman ang isang sulok ng pulang labi ni Wanelle Sheen na siyang yakap pa rin ni Jensen, “Bahay mo? ‘Di na pagmamay-ari ng Mont Family ang villa na ‘to.” May kunot sa noo ni Verian Mont, “Anong ibig mong sabihin?” Suot ang miniskirt at high heels, bumaba ng hagdan si Wanelle Sheen. “Sampung buwan na ang nakalipas nang nagpakamatay ang tatay mong si Grayson Mont sa pamamagitan ng pagtalon mula sa isang building. May iniwan pa siyang napakalaking utang. Muntik nang maisangla ang villa na ‘to kung hindi lang dahil sa Mama ko! Kaya naman, ‘di na ito pagmamay-ari ng Mont Family. Property na ito ng Sheen Family!” ‘Tumalon mula sa building…nagpakamatay? Pa’no nangyari ‘yun!’ Hinila ni Verian Mont sa kwelyo ni Wanelle Sheen. Namumutla na ang mukha nito sa galit, “Kalokohan! Pa’no nangyaring tumalon mula sa isang gusali ang Papa ko at nagpakamatay! Linawin mo!” “Makipag-usap ka nang maayos at alisin mo ‘yang kamay mo sa’kin! Verian Mont, bitiwan mo ‘ko!” Boom! Itinulak nang malakas ni Jensen si Verian sa sahig. Matinding sakit ang naramdaman ng katawan ng dalaga! Tinignan nang masama ng namumulang mata ni Verian sina Jensen at Wanelle Sheen. “Ibalik niyo ang Papa ko! Nagsabwatan ba kayo para patayin ang tatay ko?!” “Tama na! Ang kapal ng mukha mong magtanong tungkol sa tatay mo? Nasaan ka ba nang magkaproblema ang Papa mo! Naglaho ka na parang bula sa loob ng sampung buwan, at ngayon naisip mo bigla ang Papa mo? Hah! Matagal nang naitulak sa pagsusuicide ang Papa mo dahil sa mga naniningil sa kanya!” “Imposible! Nagdeposito ako ng sampung milyon sa account niya! Imposibleng magsuicide siya nang dahil sa pagkadesperado!” “Sampung milyon? Hah, wag kang mangarap! Saan ka naman kukuha ng sampung milyon?” Sumakit ang ulo ni Verian Mont. Isang nakakapangilabot na posibilidad ang naisip ng dalaga habang nakatingin sa masasamang mga mata ni Wanelle Sheen. Si Queena Sheen, ang pangalawang asawa ng tatay niya at stepmother rin niya, ay itinago ang sampung milyong kinita niya sa pamamagitan ng pagsasakripisyo ng dignidad at pagiging inosente niya. Para sa pagliligtas sa Papa niya ang sampung milyon! Nanginginig sa galit si Verian Mont. Nanginginig ang boses niya, “Ibinulsa mo ang sampung milyon, ano? Kayo ang pumatay sa Papa ko, ‘di ba?! Ibalik niyo ang tatay ko! Ibalik niyo dapat ang Papa ko…!” Bumangon si Verian. Mabilis niyang inabot ang fruit knife na nasa mesa at winasiwas ang kutsilyo kina Queena Sheen at Wanelle Sheen! “Ahhh! Nasisiraan na siya ng ulo! Jensen! Pigilan mo yang baliw na ‘yan!” Kinapitan ni Jensen ang pulso sa kamay ni Verian. Nadali ng kutsilyo ang kamay ng dalaga at nahulog ang hawak nito sa sahig na siyang sinipa ni Jensen. Para makadepensa, tinitigan lang ni Queena Sheen ang babae at pagalit na sumigaw, “Wanelle! Kunin mo ang mga abo ng tatay niya at ibalik mo sa kanya!” Nakanganga sa gulat si Verian nang titigan niya ang urn na may abo. ‘Ito ang urn ni Papa…nasa loob ba talaga siya?’ Kinuha ni Queena Sheen ang lalagyan ng abo at ibinigay ito kay Verian Mont. “Mahal ang mga sementeryo ngayon! Malas rin ang iwan pa ito sa bahay! Kunin mo na! ‘Wag mong sasabihin sa kahit sino na kilala mo kami kung magkita pa man tayo sa susunod!” Mahigpit na niyakap ni Verian Mont ang lalagyan ng abo habang tumutulo ang mga luha sa pisngi niya. “Papa…bakit ka nagpakamatay…’Di ko man lang nakita ulit ang mukha mo kahit isang saglit pa. Pa’no mo ko nagawang iwan…sabi mo hihintayin mo akong makabalik…nangako ka…” “Lumayas ka na rito at isama mo yang abo ng tatay mo! Jensen! Palayasin mo yan!” Hinila ni Jensen and sugatang braso ni Verian at itinulak ito palabas ng pintuan. Nagawa niya pang mag-“magandang loob” at nagbato siya ng isang daang dolyar sa babae. “Verian Mont, malapit nang umulan nang malakas. Magtaxi ka na at umalis, ngayon na! ‘Wag na ‘wag ka na ring babalik pa dito!” Mahigpit na kinapitan ng babae ang salaping papel. “Ano ‘to, tingin mo ba nagpapalayas ka ng pulubi?” Sa ilang segundo lang ay pinunit punit niya ang isang daang dolyar at ibinato ito sa mukha ng dating nobyo. “Jensen, isinusumpa ko na magbabayad kayo ng mga Sheen sa ginawa niyo sa’kin. Magbabayad kayo at sisingilin ko kayo ng sanlibong higit pa!” Nawalan na ng pasensya si Jensen at malakas niyang ibinagsak ang pagsasara ng pinto. Isang malamig na ihip ng hangin ang dumaan sa maputlang mukha ni Verian nang isara ang pinto. Napakalamig na hangin. Yakap-yakap ang abo ng kanyang ama, pinilit ni Verian Mont na maglakad sa kabila ng malakas na pag-ulan. Tila mahaba at nag-iisa ang anino niya sa dilim. “Papa, iuuwi kita.” Pagkatapos maglakad nang ilang saglit, bumigay na ang mga tuhod ni Verian Mont. Napaluhod siya sa kabila ng nagyeyelong pag-ulan. Maingat niyang niyakap ang lagayan ng abo at pinrotektahan ito gamit ang katawan niya. Ang maliit at maputla niyang mukha ay yumuko at napangiwi. “Papa, ‘di na kayang maglakad ni Verian. Nawala ang bahay natin…pero isang araw, iuuwi rin kita sa bahay natin…!” Matindng liwanag ang biglang sumilaw sa kanya sa ilalim ng maulang gabi. Isang magara at limited edition na itim na Maybach ang biglang pumreno at kaagad na napatigil. Sumilip mula sa bintana ang nagmamaneho at nakita niya ang mahinang katawang nawalan ng malay sa tapat nila. Kinakabahan ang driver na nagsabing, “President Fudd, may problema ho tayo. Nakasagasa po tayo ng babae.” ‘Di madaling mawari ang emosyon ng lalaki dahil mapanlamig ito at nakatago rin sa dilim. Sumagot ang lalaki nang tila walang emosyon, “Buhatin mo siya at dalhin natin sa ospital.”

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.