Webfic
Buksan ang Webfix app para sa higit pang kahanga-hangang content

Kabanata 19 Alagaan Siya

"Gising ka na?" Sinara ni Mark Tremont ang laptop niya at tumingin siya kay Arianne. "Mm…" Gusto sanang tumayo ni Arianne, pero sumakit ang sugat sa kanan niyang braso kapag gumagalaw siya. Doon niya lang natandaan kung anong nangyari. Lumapit sa kanya si Mark Tremont para tingnan ang sugat niya. "Teka, 'wag kang gumalaw." Sumunod si Arianne sa kanya. Sa isang iglap, biglang naramdaman ni Arianne na kailangan niyang pumunta sa kubeta. Gusto niyang pumunta sa kubeta pero si Mark Tremont lang ang nandoon at hirap pa siyang gumalaw… sumasakit ang sugat niya tuwing gumagalaw siya. Napansin ni Mark Tremont na hindi mapakali si Arianne kaya tinanong niya ang dalaga, "Gusto mo bang pumunta sa kubeta?" "Oo…" namula ang mga pisngi ni Arianne. Tahimik lang si Mark Tremont habang tinutulungan niyang tumayo si Arianne, kakaiba ang pagka-maingat ng lalaking ito kumpara sa normal niyang ugali. Pinagpapawisan pa rin si Arianne sa sobrang sakit, kahit na tinulungan na siyang tumayo. Makikita na nabasa ng dugo ang bandage mula sa kanyang sugat. Nakaakbay ang isang braso ni Arianne kay Mark Tremont hanggang sa makarating sila sa banyo. Hinawakan ng lalaki ang pambaba ni Arianne, kaya bigla niyang sinabi, "Ako na!" Tinitigan ni Mark Tremont si Arianne dahil pinigilan siya nito, kaya biglang kinabahan si Arianne. "Pwede bang… lumayo ka ng konti?" Ang 'lumayo ka' para kay Mark Tremont ay 'tumalikod ka.' Dahil alam ni Arianne na hindi aalis ang lalaking ito, nainis siya ng saglit at ginamit niya ang maayos niyang kamay para tulungan ang kanyang sarili. Naramdaman niya ang sakit sa kanang braso sa bawat galaw niya, lalo na noong sinubukan niyang umupo. Kahit ang maliit na bagay ay hindi niya kayang gawin. Nabasa ng dugo mula sa kanyang sugat ang patient gown na suot niya. Napansin ni Mark Tremont na walang kahit anong tunog mula sa loob ng kubeta. Tumayo siya at sumimangot nang makita niya ang duguang damit ni Arianne. Binaba niya ang pambaba ni Arianne at tumalikod ulit siya. Nahihiya si Arianne habang nakaupo sa toilet, hindi siya maka ihi ng mapayapa kahit na ihing-ihi na siya. Kung may butas lang sa lapag, papasok siya sa loob nito dahil sobrang kahihiyan ang nararamdaman niya… Pagkalipas ng twenty minutes, nawala na ng tuluyan ang kahihiyan na naramdaman ni Arianne kanina. Bumalik siya sa higaan at nagtago siya sa loob ng kumot. Tinawag ni Mark Tremont ang doktor para linisin ang sugat niya na parang walang nangyari kanina. Seven na ng gabi, pumunta ang dalawang bodyguard para ibigay ang pagkain nila. Dinala ni Mark Tremont ang lugaw sa higaan at tinulungan niyang kumain si Arianne. Sinigurado niyang nakaupo ng maayos si Arianne bago niya kunin ang lugaw para pakainin ang dalaga. Hindi na tumanggi si Arianne at dahan-dahan siyang kumain. Nangibabaw ang lasa ng tonic sa lugaw kaya malayo na ito sa normal nitong lasa, pero hindi naman masama ang lasa. Napansin niya na rin na si Mary ang nagluto nito. Hindi mapakali si Arianne dahil hindi siya sanay na biglang naging maalaga si Mark Tremont. "Kahit… kahit ako na lang, gusto mo?" Tiningnan siya ng masama ni Mark Tremont. Tumingin sa baba at nanahimik si Arianne, makikita ang anino ng kanyang mahabang mga pilikmata sa kanyang mukha. Hindi umalis si Mark Tremont sa tabi ni Arianne Wynn habang nagpapagaling ang dalaga sa ospital. Sinigurado niya na hindi siya aalis habang inaalagaan niya si Arianne. Strikto at masama pa rin siya pero kahit papano, naramdaman ni Arianne na parang may nagbago sa kanya... Guminhawa ang pakiramdam ni Arianne nang makabalik na sila sa Tremont Estate. Kahit papano, hindi na siya kailangang pakainin o dalhin sa kubeta ni Mark Tremont... Grounded si Arianne para makapag pahinga pa siya. Hindi siya pwedeng pumunta sa school, nag-apply na siya para sa deferred exam dahil hindi makakapag mid-term exam. Nakauwi na ng maaga si Mark Tremont bago pa ang bagong taon. May hawak na payong ang mga bodyguards para protektahan si Mark Tremont sa nahuhulog na snow. Amoy malamig na hangin at frost si Mark Tremont, pagkapasok niya sa loob. Unti-unti itong natunaw dahil sa heater ng bahay. Bumababa sa hagdan si Arianne nang magkatinginan silang dalawa, mabilis rin nilang nilayo ang tingin nila sa isa't-isa. Nakahanda na sa hapag kainan ang pagkain nila, habang pababa ng hagdan ang bagong ligo na si Mark Tremont. Maraming mga bagay ang bumubulabog sa isip ni Arianne habang nakaupo siya sa harap ng lamesa. Ilang araw na silang hindi nagbabangayan ni Mark Tremont at pinapanatili rin ni Arianne ang katahimikan sa kanilang dalawa, maingat siya sa kanyang bawat galaw. Natandaan ni Arianne ang huling away nila ni Mark Tremont, bago ang campus function. Nagpapasalamat siya dahil nangyari ito sa kanya. Kung hindi, siguro mas malala ang mangyayari sa kanya sa kamay ni Mark Tremont. Makikita ang mga gamot na tonic sa lamesa. Nagsasawa na si Arianne sa lasa ng tonic, pero makikita na lalong umayos ang itsura niya dahil dito. Masigla na rin ang itsura niya, dahil hindi siya babad sa malakas na hangin o sa sikat ng araw. May kulay rin ang mga pisngi niya, kaya lalo siyang nagmukhang fresh at glowing. Hindi napansin ni Arianne na tinititigan siyang kumain ni Mark Tremont. Napansin niya na mas nagmukhang babae si Arianne, kumpara sa nangangayayat niyang itsura noon, kaya napangiti si Mark Tremont. Tapos nang kumain si Mark Tremont at agad siyang tumayo, naghahandang umakyat sa hagdan papunta sa kanyang kwarto. "Pagkatapos mo diyan, pumunta ka sa kwarto ko."

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.