Inakala ni Hector na sapat na kung pumayag siya sa mga kagustuhan ni Fane at maiisipan na nitong umalis.
Hindi niya talaga inaasahan na mag-uungkat pa ng isa pang isyu si Fane.
Inobserbahan ni Fane ang mga tao na nakapaligid sa kanya at napansin na ang mga lalake na sumunod kay Brother Luke kahapon ay wala doon. Napagtanto niya na marahil ay nagpunta ito sa ospital para bisitahin ang sugatan nilang kasamahan.
“Anong problema? Huwag mong sabihin na hihingi ka rin ng pera sa bandang huli?” Sabi ni Hector ng may malamig na ngiti.
“Heh. Hihingi talaga ako ng pera!”
Humagikgik si Fane. “May kulang na limampung libong dolyar ang inyong mga tauhan. Hindi nila magawang maglabas ng isang milyon kahapon. Nakakahiya!”
“Ikaw rin ang bumugnog kay Brother Luke?”
Dumilim ang ekspresyon ni Hector. Muntik na siyang himatayin mula sa sobrang galit. Naisip niya na talagang minalas siya ngayong araw na to, para makakita ng isang malakas at walang takot na mandirigma. Plinano pa naman