Ngumiti si Nash. “Noon pa man pinagbabayad na namin sila ng 50 percent. Pero tinaasan namin ito ng 10 percent nitong nakaraang mga taon para sa pagpapayaman ng main family, kya nagbibigay sila ng 60 percent. Pero wala nang ibang paraan. Kailangang magsakripisyo ng mga nasa branch family para mas lumakas kami.”
Napuno ng tuwa ang mukha ni Nash. “Magagaling ang mga miyembro ng branch family. Sinabi ito mismo ng Third Elder—nauunawaan talaga nila kami at nakikisama sila sa amin nang lubos. Binibigay pa nila sa amin ang pinakamaganda nilang spirited grass. Pinag-iisipan kong ibalik sa 50 percent ang buwis kapag mas maayos na ang main family.”
Tulad ito ng inaakala ni Fane. Noon pa nagsisinungaling ang Third Elder at si Lily sa lahat sa pamamagitan ng pagkuha ng mga kasangkapan para sa pagpapalakas ng martial status nila.
“Hindi mo pala tinaasan ang pagbubuwis pagkatapos itong itaas sa 60 percent? Kahit isang beses?”
Nagtanong ulit si Fane para makasiguro.
“Hindi!”
Di nagdalawang-