Kabanata 4
Biglang kumunot ang noo ni Ling Luoyin, at bigla namang dumampi ang malakas na sampal ni Ling Guozhi sa mukha ni Ling Yiran.
“Anong pinagsasabi mo jan! Nagmaneho ka at bumangga ng tao kaya ka nakulong. Nang dahil sayo, napuno ng kahihiyan ang pamilya natin. Wala ka ng mapupuntahan. Gusto mo bang masira na rin ang kinabukasan ng kapatid mo kagaya mo?” Galit nag alit na sambit ni Ling Guohzi.
Pandidiri at pagkasuklam sa anak ang makikita sa mga mata ni Ling Guohzi. Sa tuwing naiisip niya ang mga panahon na sobrang lakas nila sa pamilyang Xiao, at kung gaano siya respetuhin ng mga kamag anak at mga kaibigan niya noong mga panahon nay un, lalo lang siyang nagagalit sa anak niya.
Sobrang sakit ng pisngi ni Ling Yiran nang dahil sa sampal ng tatay niya, pero pinilit niya pa ring magpanggap na kalmado, na para bang walang nangyari.
“Gusto ko lang naman talagang mag alay ng insenso sa nanay ko, pero ngayon, wala na akong dahilan para manatili dito. Hinding hindi niyo na ako makikita sa pamamahay na ito, kahit kalian.”
Pagkatapos magsalita, walang anu-anong tumalikod si Ling Yiran at naglakad papalabas sa lugar, na minsan niyang itinuring na tahanan.
Wala siyang lugar sa “papamahay” na ito.
—
Pagkauwi ni Ling Yiran sakanyang apartment, sobrang dilim ng paligid dahil nakapatay ang lahat ng mga ilaw, at pagkabukas ng mga ilaw, sinalubong siya ng nakakalungkot na katahimikan.
Alam niya na mag-isa nanaman siya.
Umalis na ba si Jin? Dahil dito, lalo siyang nalungkot kasi bandang huli, mag-isa nanaman siya.
Natawa nalang si Ling Yiran sa sarili niya, pero pagkatalikod niya para sana isarado ang pintuan, laking gulat niya nang may nakitang lalaki na dahan-dahang naglalakad papunta sakanya.
Si Jin!
Suot pa rin nito ang sira-sira nitong damit habang may hawak na bag sa isa nitong kamay. Halos matakpan na ng makapal nitong buhok ang buong mukha nito, kaya mahihirapan talaga ang kahit sino na makilala ito sa unang tingin, pero siya, alam na alam niya na sa likod ng makapal nitong buhok ay isang napaka gwapong mukha na makakabihag sa kahit kaninong puso.
Ang taong to… pulubi ba talaga ‘to?
Wala siyang kaide-ideya kung sino ba talaga si “Jin”, at alam niya na dahil sa pabigla-bigla niyang desisyon na patirahin ito sa apartment niya ay pwedeng siyang mapahamak, pero….hindi niya talaga mapigilan ang sarili niya.
Siguro dahil tao lang din siya… na kailangan ng kasama sa buhay.
“Nandito na ako.” Walang emosyong sabi ni “Jin”, pero para sakanya ay isa itong magandang musika.
Bigla siyang napanatag at halos hindi makapag salita dahil sa magkakahalong emosyon na nararamdaman niya. “A… akala ko hindi ka na babalik.”
“May binili lang ako.” Sagot ni “Jin” habang nakatitig sakanyang mga mata.
Dali-daling hinila ni Ling Yiran si “Jiran” papasok at isinarado ang pintuan. Nakita niya na may dalawa itong mainit na siopao.
Kaya bigla siyang ngumiti at sobrang panatag ng pakiramdam niya kumpara sa kanina.
“Sabay na tayong kumain, pero bago yan, hmm… mag-aalay muna ako ng insenso na nanay ko. Ngayon kasi ang death anniversary niya,” masayang sabi ni Ling Yiran. Naglabas siya mula sakanyang bag ng ilang pirasong pulang kandila at insenso na binili niya kanina sa labas, at larawan nan aka frame.
Isa itong black and white na litrato ng isang babae. Base sa itsira nito, siguro nasa 30 years old palang ito, maganda at mukhang maamo.
Sinindihan niya ang mga kandila at insenso. Hinawakan niya ang mga insenso at yumuko ng tatlong beses upang magbigay galang sa litrato.
“Ma, nagsimula na ako ng bagong buhay ngayon. Okay naman ako, Ma. May trabaho ako na sinuswelduhan naman ako ng spat para makakain. Sinisigurado ko sayo na magiging maayos ang buhay ko…”
Habang nakatayo sa isang tabi, hindi napigilang mapangiti ni Yi Jinli habang pinagmamasdan si Ling Yiran. Kitang-kita niya ang lungkot sa mga mata nito .
Maganda ang mga kilay nito, matangos ang ilong, at mala-rosas ang mga labi. Maganda naman Ling Yiran, pero marami ng nakita si Yi Jinli na di hamak na mas maganda dito. Kumpara sa dati niyang fiancé niya na si Hao Meiyu, sobrang ordinaryo lang ng itsura ni Ling Yiran.
Pinakuha niya lahat ng impormasyon patungkol kay Ling Yiran kaya alam niya na ngayong araw ang death anniversary ng nanay nito. Kalalabas lang nito sa kulungan at pagwawalis lang ng kalsada ang hanap buhay nito, pero bakit sinasabi nito ngayon sa harap ng litrato ng yumao nitong nanay na mabuti ang lagay nito?
“Isa pa, may kasama din ako ngayon,” pabulong na pagpapatuloy ni Ling Yiran. Lumingon siya kay “Jin” at tinignan ito ng diretso sa mga mata nito. Tahimik at seryoso si Ling Yiran habang ginagawa ang ritwal, pero ramdam ang say anito.
Para bang sapat na ang presensya ni “Jin” para kumalma at sumaya siya. Hindi nagtagal, muli siyang tumingin sa babaeng nasa litrato at nagpatuloy, “Kaya okay lang, Ma. Makakapagpahinga ka na ng mapayapa.”
Matapos niya itong sabihin, muli siyang yumuko ng tatlong beses, at pagkatapos, itinusok niya ang mga insenso sa kahon. Pagkatayo niya, ilang sandali pa siyang nanatili na nakatitig lang sa litrato.
Makalipas ng halos labinlimang minute, naubos na ang mga insenso. Hinipan ni Ling Yiran ang mga kandila at sinabi kay Yi Jinli, “Okay. Liligpitin ko lang ‘to at gagawa ako ng sabaw. Kakain na tayo.”
“Sige.” Sagot ni ‘Jin’.
Masaya niyang inayos ang mga gagamitin niya at naglabas ng itlog at kamatis mula sa kanyang refrigerator para magluto ng egg and tomato soup. Pagkaluto, sabay nilang kinain ang niluto niya at ang siopao na binili ni ‘Jin’.
“Jin, ano palang trabaho mo dati?” Tanong ni Ling Yiran habang kumakain.
“Marami. Kahit ano basta kapag may pwede akong gawin, ginagawa ko. At kung wala naman, naghahanap lang ako ng lugar na pwede kong pagpahingahan,” sagot ni ‘Jin’.
Pahinga? Iniisip ni Ling Yiran kung ang pahinga ba na tinutukoy ni ‘Jin’ ay kagaya ng ginawa nito kahapon na nakaupo sa gilid ng kalsada. Siguro ang dami rin nitong pinagdaanang masasakit sa buhay… kasi kung hindi, paano nito matitiis na umupo sa gilid ng kalsada na sobrang lamig?
“Ilang taon ka na?” Muling tanong ni Ling Yiran.
“Twenty-seven,” sagot ni ‘Jin’.
“Magka-edad pala tayo,” gulat na gulat na sagot ni Ling Yiran. “Anong buwan ka pinanganak?”
"November."
Ako naman July. Kung ganon, mas matanda pala ako sayo ng ilang buwan,” masayang pagpapatuloy ni Ling Yiran. “Wala ka ng pamilya diba? Ako din eh. Bakit hindi mo nalang akong ituring na parang ate mom ula ngayon? Ituturing din kita bilang nakababata kong kapatid.”
“Ate?” Natatawang tanong ni “Jinli”. Sa buong buhay niya, wala pa ni-isang tao na naglakas loob na tanungin siya na maging kapatid ng mga ito, samantalang ang babaeng nasa harapan niya ngayon ay walang pagdadalawang isip na inaalok siyang maging kapatid nito.
Kung alam lang nito kung sino talaga siya, ganito pa rin kaya kalakas ang loob nito na tanungin siya ng ganitong bagay?
Pero, ito nga ang gusto niya… yung walang kalam-alam si Ling Yiran kung sino ba talaga siya.
“Ayaw mo?” Tanong ni Ling Yiran na biglang kumunot ang noo.
Tatlong taong gulang palang siya noong mamatay ang nanay niya. Ang alam niya lang namatay ito dahil nakunan ito. Ayon sa mga narinig niyang kwento ng mga nakakatanda niyang kamag-anak, anim na buwan na raw ang kapatid niya. Lalaki raw sana ito pero sa kasamaang palad, sampung minuto lang itong nabuhay matapos nitong maipanganak.
Kung nabuhay sana yung sanggol, mayroon na siyang nakababatang kapatid, at siguro hindi siya ganito kalungkot ngayon!
“Sigurado ka ba na gusto mong maging ate ko?” Sagot ni ‘Jin’.
Masayang iniangat ni Ling Yiran ang kanyang ulo at tumingin sa magandang mga mat ani ‘Jin’, na natatakpan ng buhok nito. Walang emosyon ang mga mat anito, pero para kay Ling Yiran, halos maiyak siya sa sobrang saya.
“Mm,” sagot niya.
“Pero wala akong permanenteng bahay at matinong trabaho. Hindi ko kayang buhayin ang sarili ko. Bakit gusto mom aging ate ko?”