Kaagad na nanumbalik ang tapang ni Kellan Ruiz pagkatapos makita ang suporta niya.
Natural na mga talentadong personalidad ang mga taong iyon mula sa organisasyon na madalas lumalaban para palawakin ang teritoryo nila.
Kumaway si Kellan hindi nagsasalita. Isa itong mabangis na eksena.
“Sugod! Lumpuhin niyo ang h*yop na'to!” malamig niyang sigaw habang nakaturo kay Harvey York.
“Ako ang aako ng responsibilidad kapag namatay siya!”
Hindi nagsayang ng oras ang isandaang tao na kaladkarin ang mga bakal na tubo sa lapag habang sumugod sila kay Harvey.
Bumuntong-hininga si Harvey. Tinawagan na niya sana sina Rachel Hardy o si Trey Bierstadt para tumulong kung alam niya lang na mangyayari ito.
Lalo na't baduy para sa kanya na iligpit ang ilang mahihinang nilalang.
Nagpakita ng pagkaawa si Harvey nang humakbang siya paharap bago inihampas ang likod ng kamay niya.
Pak!
Tumilapon si Kellan bago bumangga sa ilang dosenang tao sa likuran niya. Hindi nagtagal, sumigaw siya ulit sa