Kabanata 1
Sa Zimmer Villa sa Niumhi. Nagniningning ang lugar sa mga ilaw.
Iyon ay gabi ng ika-pitong put na kaarawan ni Senyor Zimmer, at puno ng mga bisita ang lugar.
Lahat ng kanyang mga anak at apo ay binigyan siya ng regalo, at sabay-sabay nilang hiniling, “Sana mabiyaan pa si Senyor Zimmer ng malakas na pangangatawan at mahabang buhay.”
Si Senyor Zimmer ay mukhang malakas at masigla nang siya ay umupo at sinabing, “Magaling. Lahat kayo ay masunurin. Masaya ako ngayon, kaya tutuparin ko ang kahilingan ng bawat isa sa inyo. Sabihin niyo lang sa akin ang gusto niyo.”
“Lolo, gusto ko po ng apartment malapit sa dagat. Hindi naman po iyon kamahalan, nasa isang milyong dolyar lamang po.”
“Lolo, gusto ko po Chanel limited edition na bag…”
“Lolo, gusto ko po ng BMW sports car…”
“Lolo, gusto ko po ng Rolex watch…”
“…”
“Sige, aking tutuparin isa-isa ang iyong mga hiling!” Ginawa ni Senyor Zimmer lahat ng kanyang pangako nang walang alinlangan.
Tuwang tuwa ang mga batang humingi ng regalo. Halos lumuhod sila sa sahig bilang pasasalamat.
Habang tinitingnan ang tuwa sa mukha nila, nagagalak din si Senyor Zimmer. Kita ang kasiyahan sa kanya. Sa mga sandalling iyon, ang isa sa mga manugang niya mula sa mga Zimmer – si Harvey York, ay lumapit bigla.
Sabi niya, “Lolo, pwede niyo po ba akong bilhan ng scooter? Mapapadali niyon ang pamimili ko po ng mga gulay…”
Nagulat ang lahat ng mga Zimmer. Halos lahat ay hindi makapaniwala habang nakatingin kay Harvey.
Nasiraan na ba siya ng utak? Anong klaseng hilling yan? Bakit siya humihingi ng ganoon?
Isa pa, wala naman siyang binigay na regalo kay Senyor Zimmer para sa Birthday Party niya. Hindi ba ang kapal ng mukha niyang humingi kay Senyor Zimmer? Tapos ang hinihingi niya pa ay scooter. Sinasadya niya ba to para pahiyain si Senyor Zimmer?
Tatlong taon ang nakakaraan, hindi nila alam kung saan nakita ni Senyora Zimmer ang lalaking pangalan ay Harvey. Pinilit niya ang kanyang pinakamatandang apo na pakasalan siya. Sa mga panahong iyon, mahirap si Harvey at walang pinagkaiba sa isang pulubi.
Ngunit, sa araw ng kanilang kasal, binawian ng buhay si Senyora Zimmer. Mula noon, maliit ang tingin ng mga Zimmer sa kanya. Sa nakalipas na tatlong taon, trinatong alipin ng mga Zimmer si Harvey. Kailangan niyang maghanda ng tubig para hugasan ang paa ng mga ito. Bukod pa diyan, siya din ang naatasang magluto. Tunay ngang nakakaawa ang buhay niya doon.
Ngayon, nagsalita siya at humingi ng scooter.
May nagnakaw ng scooter sa bahay nang umalis siya para bumili ng mga gulay noong isang araw. Isa siyang pobre, at ang kaya niya lamang gawin ay ilabas ang kanyang hiling sa mga sandaling iyon. Dahil masaya si Senyor Zimmer, naisip ni Harvey na baka tuparin ang kanyang hiling dahil maliit na bagay lamang ito.
Ang galak sa mukha ni Senyor Zimmer ay biglang napalitan ng simangot. Binato niya ang hawak niyang baso at nagkalat ang mga bubog nito sa sahig. Galit niyang sinigaw, “B*stardo! Pumunta ka ba sa birthday party ko para makisaya o sirain ito?”
Ang asawa ni Harvey, si Mandy Zimmer, ay dali-daling lumapit at nagpaliwanag, “Lolo, pagpasensiyahan niyo na po si Harvey. Dapat po tayong magsaya sa araw na ito. Huwag po kayong magalit dahil sa kanya.”
Hinila niya si Harvey sa tabi.
Sa puntong din iyon, ang pinsan ni Mandy, si Quinn Zimmer ay nangutya. “Mandy, tingan mo iyang walang kwenta mong asawa! Ngayon ay ika-pitong put na kaarawan ni lolo. Wala siyang dalang regalo. Ang kapal ng mukha niyang humingi kay lolo! Kailan pa siya nagkaroon ng lakas ng loob?”
“Totoo yan. Wala siyang modo. Sino ba siya para humingi ng bagay-bagay? Hindi ba niya nakita maraming bisita ngayon? Nakakahiya talaga!” Ani ng pinakamamahal na apo ni Senyor Zimmer – si Zack Zimmer. Hindi niya kailanman nakasundo si Mandy. Ngayon ay nahanap niya ang pagkakataon na bugyain siya.
“Isang walang kwentang b*stardo! Anong karapatan ang meron siya sa pamilya natin?”
“Oo, pinahiya niya tayo!”
“Naiintindihan ko na. Sinadya niya ito para inisin tayo! Gusto niyang sirain ang kasiyahan ni lolo!”
“Wala siyang silbi! Andami na nating katulong sa pamilyang ito. Kailangan niya pa ba talagang umalis para bumiling mga gulay?”
“Hindi ka naman nagtatrabaho nang husto para rito. Nakakahiya! Sa tingin mo ba may halaga ka sa amin?”
“Lumayas ka na ngayon! Bubugbugin kita kung lalo mo pa kaming papahiyain!”
“…”
Habang nakikinig sa mga pangungutya at akusasyon ng mga Zimmer, walang magawa si Harvey kundi yumuko.
Tatlong taon ang nakararaan, baka ikinamatay ni Zimmer ang pang-aalipusta sa kanya kung hindi siya kinupkop ni Lola Zimmer. Ito rin ang dahilan kung bakit hindi siya nag-reklamo sa lahat ng uri ng trabaho para sa mga Zimmer sa nakalipas na tatlong taon.
“Lolo, ang manager ng York Enterprise – si Don Xander, ay pumunta para batiin ka sa iyo pong kaarawan!” Sabi ng isang nasa pintuan.
Maya-maya, isang matangkad at gwapong lalaki ang pumasok sa bulwagan nang may ngiti.
Ang York Enterprise ay isang negosyong pag-aari ng pinakama-impluwensiyang pamilya – ang mga York ng South Light.
Bukod dito, si Don ay isa sa mga project managers na nagta-trabaho para sa York Enterprise. Galing siya sa isang kilalang pamilya, at may hawak sa isang imporante at prestihiyosong posisyon sa kumpanya. Maraming pamilya sa Niumhi ang nais mapalapit sa kanya, pero wala silang makitang magandang pagkatataon. Sa sorpresa ng ilan, pumunta siya para batiin si Senyor Zimmer sa kanyang kaarawan.
“Senyor Zimmer, may regalo po ako para sa’yo.”
Sabi ni Don habang ngumiti. Nang binuksan niya ang regalo, marami ang nagulat.
Sa loob ng regalo ay isang tseke, na may walong daan at walong put libong dolyar.
Sa Niumhi, ang ganoong halaga ng salapi ay ginagamit sa isang marriage proposal.
“Senyor Zimmer, pumunta po ako dito para sa isang marriage proposal. Matagal na panahon ko na pong gusto si Mandy. Ako po ay umaasang tanggapin niya ako at pakasalan ako!”
Ang lahat ay nagulat sa mga pangyayari.
Si Mandy ay asawa ni Harvey. Wala bang pakialam doon si Don? Hindi siya nagpakita ng kahit anong respeto kay Harvey.
Ngunit pagkatapos ng labis na pagsasaalang-alang, si Harvey ay isang inutil na manugang na inampon. Bakit siya kailangang respetuhin ni Don? Hindi nga natatakot si Don na baka ma-offend niya si Harvey.
“Alam kong biglaan ang mga nasabi ko, ngunit hindi ko katang makita ang mahal kong si Mandy na kasama ang isang inutil na lalaki. Senyor Zimmer, umaasa po akong tanggapin niyo ang aking alok.” Sabi ni Don habang ngumiti. Tumalikod siya at nginitian si Mandy habang paalis.
Hanggang sa mga sandaling iyon, hindi kailanman tiningnan ni Don si Harvey. Wala siyang pakialam kay Harvey. Pagkatapos niyang umalis, ang lahat ay nagsimula ng mainit na usapan.
“Si G. Xander ay isang department manager sa York Enterprise. Mataas ang pwesto niya. Narinig kong isang desisyon niya ay pwedeng bumago sa kapalaran ng isang maliit na negosyo, pwedeng ikasira o ikayong nito.”
“Ang swerte ni Mandy! Kung pakakasalan niya si G. Xander, mas makakabuti sa kanya kaysa sa walang kwentang si Harvey!”
“Kung matutuloy ang kasalan, makikinabang din ang pamilya natin.”
Ang nakababatang kapatid ni Mandy, si Xynthia Xander, umabante siya at nagsabing, “Harvey, hindi ba gusto mo ng scooter? Kung willing kang makipag-hiwalayan sa ate ko, ako na mismo ang bibili ng scooter para sa’yo bukas. Gusto mo?”
“Ayos! Maganda ang sinabi ni Xynthia!”
“Hindi ba gusto ng hampaslupang ito ng scooter? Ibibigay natin ito sa kanya! Hayaan siyang sumang-ayon sa hiwalayan!”
Kumislap ang mga mat ani Senyor Zimmer. Tumingin siya kay Harvey at sinabing, “Harvey, kung willing kang makipaghiwalayan kay Mandy, tiyak na mabibigyan kita ng higit pa sa isang scooter. Paano kung bigyan kitang isang milyon dolyar?”
Kalaunan, yumuko si Harvey. Ngunit ngayon, sinulyapan niya si Mandy na nasa tabi niya. Umiling siya saka sinabi, “Lolo, hindi ko po hihiwalayan si Mandy.”
Lalong nagalit si Senyor Zimmer. Dinuro niya si Harvey at pinagalitan, “B*stardo! Hindi mo tatanggihan ang magandang alok! Lumayas ka! Lumayas ka agad! Ayokong may hangal na dumalo sa birthday party ko!”
Hindi naka-inik si Harvey. Hindi niya sukat akalain ang sobrang hindi magiliw na trato ni Senyor Zimmer sa kanya, tungkol sa kanyang nararamdaman. Sa sandaling iyon, umiling-iling lamang siya at umalis.
“Harvey…” tila nag-aalangan si Mandy. Hindi niya alam kung dapat ba niyang sundan.
Nang makita iyon, sinabi ni Senyor Zimmer, “Mandy kung maglalakas-loob kang umalis kasama niya ngayon, itatakwil kita at hindi na kikilanin bilang apo ko!”
Hindi nagtagal ay tumigil sa paglalakad si Mandy. Hindi niya isahan ang papaging malupit ng kanyang lolo.
Sinabi agad ni Harvey, “Manatili ka. Huwag mo akong alalahanin.”
Kumaripas ng alis si Harvey bago pa makapa-imik si Mandy.
Humalhak si Zack. “Aking bayaw, paano mo balak umuwi? Huwag mong sabihins lalakarin ko pauwi. Halika, may isang dolyar ako dito. Hayaan mong maging galante at ibigay sa iyon ito para may pambayad ka ng pamasahe mo sa bus. Huwag kang mahiyang kunin ito!”
Pagkatapos, naglabas sita ng isang dolyar at itinapon kay Harvey.
Ang mga Zimmer ay nagsipagtawanan.
Bahagya na ngumisi si Harvey, ngunit nanatili siyang walang imik. Pagkatapos nito, tuluyan na niyang nilisan ang Villa Zimmer.
Sa sandaling iyon, biglang tumunog ang kanyang telepono.
Kinuha niya ang kanyang lumang telepono at sinilip ito. May tumatawag sa kanyang numerong nagtapos sa anim na walo.
Bahagyang nakasimangot si Harvey. Pagkatapos ay binuksan niya ang mensahe at sinulyapan ito.
"Sir, may malaking problema ang York Enterprise. Umuwi na po kayo at harapin ito. ”