Webfic
Buksan ang Webfix app para sa higit pang kahanga-hangang content

Kabanata 17 Huwag Ibenta sa Kanya

Humakbang paharap si Nell “The Assistant” Jennings at itinaas ang kanyang braso ng may ngisi. “Paano kung gusto kong sukatin?” Napasimangot ang shop assistant. May nakarinig ng komosyong ito at napalakad papunta sa kanila. “Ano bang nangyayari?” Napabulong ang shop assistant sa kanyang kasama, at agad na ngumiti nang peke ang kararating lamang na assistant. “Ms., ang dami na ito ay bahagi ng aming seasonal lineup. Mahal po ito, 88,800 yuan. Sigurado po ba kayong gusto nito itong bilhin?” Napatawa nang malamig si Nell. “Hindi ko pa nga nasusukat pero tinatanong niyo na ako kung bibilhin ko ba. Hindi talaga marunong mag-asikaso ng kostumer ang tindahang ito!” “Pasensya na po, pero sinusubukan rin po naming protektahan ang interes ng aming mga kostumer. Matapos ang lahat, mahal po ang mga damit dito. Kung susukatin siya ng lahat, magiging second-hand na lang po ang mga ito? Hindi po ba?” Nakangiti ang shop assistant, subalit puno ng panghahamak ang kanyang mga mata. Naramdaman ni Nell na tila ba nakalimutan niyang tumingin sa almanac bago siya umalis. Paano naman siya makakilala ng ganitong tanga? Mukhang ang pinakamatandang anak ng pamilya Jennings na tahimik at maayos ang asal ay gusto nang magmura ngayon! Naglabas siya ng isang cheke mula sa kanyang pitaka at agad na sinampal ito sa counter. “Pwede ko na bang sukatin?” Gulat na gulat ang tingin ng shop assistant. Nang hindi tinitignan ang unang numero, ang nakasulat sa cheke ay nasusundan ng maraming zeroes. Hindi na nila kailangan tingnan pa para makitang milyones ito. Agad na nagbago ang tingin nila kay Nell at naglabas ng magagandang ngiti. “Syempre naman po. Sandali lang. Kukunin na po namin para sa iyo.” Napasinghal si Nell. Para sa paborito niyang designer, hindi na niya pinansin ang dalawang assistants at sinukat na lamang ang damit. Nang suot na ito ni Nell, nagulat rin ang mga shop assistants. Kanina, nang simple lang ang suot nito at nakasunod lamang kay Janet Hancock, inakala nilang isa itong assistant. Ngayon, wala nang nangahas na ganoon ang maramdaman. Matapos ang lahat, ang istura man nito o katawan, o ang malamig nitong dating, hindi ito isang bagay na mayroon ang isang assistant. Agad na lumapit ang shop assistant na hinamak siya kanina. Tuwang tuwa ito. “Miss, bagay na bagay sa iyo ito. Marami na akong nakitang nagsuot nito, pero hindi kasingbagay sa iyo!” Sumingit na rin ang iba at sinabi ang parehong mga papuri. Hindi lamang nila ito binobola. Ito ang katotohanan. Napangiti na lang si Nell. Matapos magpalit, nilagay niya ito sa counter. “Pakibalot ito.” Natural na masaya ang shop assistant. Inakala niya na nagalit si Nell at ayaw na nitong bumili dahil sa sinabi niya kanina, subalit masyado lang silang nag-iisip. Gayon din, sa pagkakataong iyon, isang binata at isang babae ang pumasok sa loob. “Oh, andito pala ang matandang anak ng Jennings?” Tumingin pabalik si Nell at agad na nandilim ang kanyang ekspresyon. Hindi talaga maganda ang araw na ito. Napakaraming aso ang tumatahol saan man siya magpunta. Hindi niya sila pinansin at lumingon na siya pabalik sa shop assistant. “Pakibalot nang maayos. Pakisiguro na rin na walang kahit anong problema sa damit.” “Syempre naman po.” Masayang hinawakan ng shop assistant ang damit at agad itong binalot pero napatigil ito bigla. Tinignan ni Hayley Morton ang label ng damit at ngumiti. “Hoy, kakakuha mo lang ng pera sa kapatid ko at hindi ka na agad makapaghintay na gastusin ito? Higit 80,000 yuan ang halaga nito. Nell Jennings, nababagay ba talaga ito s aiyo?’ Nanliit ang mga ni Nell sa lamig. “Kung bagay man sa akin o hindi ay wala ka nang pakialam do’n!” “Tsk tsk, bakit naman nagagalit ka agad? Huwag kang mag-alala, hindi naman ako naririto para manghingi ng pera. Ang iilang milyong yuan ay barya lang naman sa pamilya namin. Isipin mo na lang na iyan ang perang kabayaran para sa ilang gabi at taon na kinasama mo ang kapatid ko.” “Anim na taon pala noh, dalawang libong gabi rin ‘yun. Hindi ka naman ganoon kamahal. Kahit ang isang pokpok sa daan, dalawang libong yuan ang halaga bawat gabi! Hindi ba, Clark?” Tinakpan ni Hayley ang kanyang labi at tumawa. Ang lalaking nasa tabi niya ay si Clark Simmons, isang C-list actor sa Fenghua. Nakatanggap na siya ng iilang mga roles dahil sa aw ani Nell dati, pero ngayon, hindi na ito halos sikat. Kalaunan, hindi na rin siya sinuportahan ng kompanya. Hindi niya rin alam kung paanong kasama nito si Hayley Morton ngayon. Hindi mapakali si Clark. Hindi naman siya payag pero hindi rin siya makatanggi. Napangisi si Nell. “Hayley Morton, balikan mo ang kuya mo at tanungin mo kung may nangyari ba talaga sa amin.” Napataas ang kilay ni Hayley. Hindi na siya bata. Alam niyang maraming nangyayari sa pagitan ng isang lalaki at babae. Sa kanyang mga mata, pagkatapos nilang mag-date ng anim na taon, imposibleng walang nangyari. Matapos ang lahat, anong panahon na ba ngayon? Hindi naman ganoon katradisyunal si Jason. Tumawa si Hayley.”Sige magpanggap ka lang! Hindi naman tanga ang kapatid ko. Kahit nakakainis ka, maayos naman ang itsura mo. Tingin mo ba papakawalan niya ang isang karneng nasa bibig na niya?” Napangiti si Nell at napailing. “Tama ka. Hindi naman tanga ang kapatid mo, at hindi rin naman ako pangit. Kaya… Bakit hindi niya man lang ako hinawakan kahit kailan?” Sunod, inangat niya ang kanyang ulo at tumitig kay Hayley nang may interes. Hindi mapakali si Hayley sa titig ng babae. Hindi niya alam ang dahilan kung bakit ganito ang nararamdaman niya, pero hindi talaga siya mapakali. Tila ba may tinatagong sikreto si Nell na hindi niya nalalaman. Namilipit ang mukha niya. “Anong ibig mong sabihin?” Ngumisi si Nell. “Wala naman. Kahit madali akong magalit, mabuti pa rin naman ako. Ayokong siraan ang iba sa kanilang likod, kung gusto mong malaman, tanungin mo na lang si Jason!” “Matapos ang lahat, siya lang ang nag-iisang anak na lalaki sa pamilya niyo, kapag may nangyari, baka wala kayong maging tagapagmana! Ang isang tradisyunal na gaya ni Uncle Thomas ay malulungkot kapag narinig niya ang balita.” Agad na nagbago ang mukha ni Hayley. “Nell Jennings! Kalokohan iyan! Hindi iyan ang kapatid ko.” Nagkibit balikat lang si Nell. “Isipin mo na lang na nanloloko ako!” Sunod, nilabas niya ang kanyang card para maswipe ito ng shop assistant. Pinigilan ulit siya ni Hayley. “Teka!” Napasimangot si Nell. Naiinis talaga siya sa bahaging ito ni Hayley. Walang pasensya siyang sumagot, “Anong gusto mo ngayon?” Kinuha ni Hayley ang damit mula sa kamay ng shop assistant at agad na sinabing, “Gusto ko ang paldang ito. Huwag niyong ibenta sa kanya!” Halos mapatawa si Nell sa galit. “Hayley Morton, bata ka ba? Sa iyo ba ang mall na ito? Bakit ba walang rason ang mga kilos mo?” Tinaas ni Hayley ang kanyang baba. “Tama iyan. Kami ang may-ari ng mall na ito. Sinasabi kong hindi kami magbebenta sa iyo kaya hindi!” Sunod, lumingon siya sa shop assistant. “Ako anak ng pamilya Morton. Alam mo naman kung sino kami, hindi ba?” Namutla ang assistant at agad na tumango. “Opo. Isa po kayo sa mga shareholders ng mall.” Napataas nang mayabang ang mga kilay ni Hayley kay Nell. Nell. “…” Sa pagkakataong iyon, isang malamig na boses ang nagmula sa labas. “Nasopresa naman ako. Kailan pa nagkaroon ng control sa desisyon ng isang kostumer ang isang maliit na shareholder?” Nagulantang ang lahat at napatingin, nakita nila ang isang binatang naglalakad kasama ang maraming tao. Nanlaki ang mga mata ni Nell.

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.