Kabanata 9
Tumagal ng lagpas dalawang oras bago nila matapos ang kanilang romantikong wedding dinner.
Maaga silang natapos sa kanilang dinner, kaya matapos makuha ni Lu Shijin ang bill, nagmungkahi siya na manatili muna sa burol para pagmasdan ang tanawin ng bago sila bumalik sa siyudad.
Hindi tumanggi si Tang Ruochu.
Bagamat marriage partnership lamang ito, di niya maitatanggi na nasiyahan siya sa oras na magkasama sila.
Higit pa dito, tila nakaramdam si Tang Ruochu ng pagiging mahinahon at nakakalimutan niya ang mga problema niya kapag kasama niya si Lu Shijin.
Namangha siya na mayroon palang ganoong epekto si Lu Shijin sa kanya.
Magkakilala pa lamang sila ng wala pang isang araw, pero sa kung anong kadahilanan, nararamdaman ni Tang Ruochu ang kapayapaan kapag nandyan siya.
Ang tanawin mula sa burol ay sadyang napakaganda. Mayroong malumanay na hangin at ang mga bituin at buwan ay maaliwalas sa paningin. Pumunta sa obserbatoryo sina Tang Ruochu at Lu Shijin para tumingin sa mga bituin bago sila umakyat sa burol para tumingin pa sa ibang magagandang tanawin.
Nang lumamig ang paligid bandang 10 p.m. ng gabing iyon, nagmungkahi si Lu Shijin na sila ay umalis na.
Bumaba na sila papuntang paanan ng burol at hinatid na ni Lu Shijin si Tang Ruochu pauwi.
Lumabas si Tang Ruochu mula sa kotse at nagpaalam kay Lu Shijin. “Salamat sa paghahanda ng isang napakagandang dinner ngayong gabi. Mag ingat ka sa ang iyong pag uwi.”
Pinatong ni Lu Shijin ang braso niya sa bintana ng kotse at tumingin sa kanya gamit ang madilim niyang mga mata at sinabi ng mahina, “Kailan mo balak maglipat?”
“Magsisimula na akong mag empake pagdating ko sa bahay. Pag naging maayos ang lahat, pwede na ako maglipat sa loob ng dalawang araw,” ang sabi ni Tang Ruochu.
...
Tumango si Lu Shijin. Pagkatapos, nilabas niya ang kanyang kamay at sinabing, “Akin na ang phone mo.”
Nagulat at napahinto si Tang Ruochu bago niya tuluyang binigay ang kanyang phone sa kanya.
Pumindot si Lu Shijin ng ilang mga numero at sinabing, “Ito ang pribadong numero ko. Tawagan mo ako kapag tapos ka na mag-empake at sasabihin ko kay Mu Ling na sunduin ka.”
Pagkatapos, umapak siya sa pedal ng gas at nagmaneho na paalis.
Tumayo lang sa isang pwesto si Tang Ruochu habang pinanood ang pag alis ng kotse ni Lu Shijin patungo sa kadiliman. Tumungo na siya sa kanilang bahay matapos mawala sa paningin niya ang kotse ni Lu Shijin.
Ang lahat ng mga ilaw sa tahanan ng pamilya Tang ay nakabukas parin kahit na malalim na ang gabi.
Ang kanilang kasambahay, si Uncle Zhao, ay bumati sa kanya matapos niya pumasok sa bahay at magalang na sinabing, “Miss, sinabi po ni Old Master na umakyat daw kayo sa kanyang opisina pagdating niyo ng bahay. May gusto daw po siyang sabihin sainyo.”
Nagulat si Tang Ruochu bago siya tumingin sa direksyon ng opisina at sinabi na may kasamang panunuya, “Anong kailangan niyang sabihin sakin?”
“Uh…” nagdalawang isip at tumingin si Uncle Zhao sa kanya at madalamhati na sinabing, “Miss, may tao po na dumating mula sa pamilya Ji. Ang araw po ng kasal nila Miss Ruoruo at Mr. Yinfeng ay napagpasyahan na po at… ito po ay ang araw ng kasal niyo dapat ni Mr. Ji.”
...
“Ano?” ang sabi ni Tang Ruochu sa pagkagulat at tumingin siya kay Uncle Zhao na para bang hindi makapaniwala.
...
“Miss, wag po sana sumama masyado ang loob ninyo,” ang sabi ni Uncle Zhao na may kasamang buntong hininga. Tumingin siya kay Tang Ruochu na may kasamang pag aalala dahil kinatatakutan niya na may gawin siyang padalos dalos.
...
Nanatiling tahimik si Tang Ruochu. Nakaranas siya ng panlalamig sa kanyang dibdib na nag sanhi ng maramdaman niya ang pagkahingal.
Huminga siya ng malalim at tinago ang pagka balisa niya habang siya ay mabagal na naglakad papunta sa opisina.
Ang pintuan sa opisina ay hindi nakasara at nakita niya ang ama niya na umiinom ng tsaa sa sofa mula sa pinto, at naiwan na bahagyang nakabukas.
Tinikom ni Tang Ruochu ang kanyang mga kamay bago niya tinulak ang pinto at pumasok sa opisina.
“Nakauwi ka na pala?” ang tanong ng ama niya.
“Nabanggit ni Uncle Zhao na may gusto kang sabihin sa akin. Ano ang gusto mong pag usapan?” malamig na sinabi ni Tang Ruochu. Nilampasan niya na ang mga pagbati at pumunta na ng diretso sa punto.
...
Tila nasanay na si Tang Song sa pagasta sa kanya ni Tang Ruochu. Hindi niya na inabala ang pag-uugali ni Tang Ruochu at mabagal na inilapag ang tasa ng tsaa na hawak niya bago sinabing, “Gusto kong malaman mo na ang kasal ng kapatid mo kay Ji Yinfeng ay hindi na magbabago.”
Malinaw ang mga mata ni Tang Ruochu at ang boses niya ay tila pinalibutan ng yelo habang malamig niyang sinabi, “Alam ko na ang tungkol dito.”
“Alam mo na?” ang sabi ni Tang Song at napahinto ng saglit, na para bang nagulat siya ng kaunti.
...
“Oo. Hindi ko pa malalaman na ang “mabuting ama” ko ay pagtataksilan ako kung hindi pa sinabi ni Uncle Zhao sa akin kanina,” ang sabi ni Tang Ruochu habang napuno ang mga mata niya ng galit.
...
“Anong ang ibig mong sabihin?” ang sabi ni Tang Song habang nagdilim ang mukha niya.
Masama ang loob niya sa mga sinabi ni Tang Ruochu at sa mga mata niyang puno ng galit.
“Mali ba ako? Si Ji Yinfeng ang nobyo ko mula pa noon. Pinagtaksilan niya ako at sumama sa hayop na si Gu Ruoruo. Hindi ko inaasahan na pagbawalan mo silang magpakasal pero hindi ko matanggap na papayag ka talaga dito! Sa tingin mo, paano ako lulugar, ang tunay mong anak?” hindi na mapigilan ni Tang Ruochu ang kanyang galit at ang mga mata niyang nanggagalaiti.
...
Kaya ni Tang Ruochu na balewalain ang pagtataksil ni Ji Yinfeng at ang pagpapahirap na ginawa ni Gu Ruoruo sa kanya, pero naramdaman niya ang pait ng pagkadismaya sa pagpayag ni Tang Song sa kasalan nila at kung paano pa pinili ang eksaktong araw kung kailan dapat sila ikakasal ni Ji Yinfeng.
Pakiramdam ni Tang Song na may tumusok na konsensya sa kanya at nilayo ang tingin niya kay Tang Ruochu matapos siyang akusahan nito. Humina ang tono niya at sinabing, “Ruochu, alam kong masama ang loob mo pero wala nang ibang paraan para maayos ang isyu sa pagitan ng kapatid mo at ni Ji Yinfeng, kaya pumayag ako sa kasal nila. Ang engagement party ni Ruoruo ay magaganap paglipas ng tatlong araw at ikakasal na sila pagkatapos ng dalawang buwan. Kailangan mong magpakita sa parehong araw na ‘yon dahil parte ka ng pamilya, kaya’t wag mo sana masamain ang imbitasyon namin.”
Hindi makapaniwala si Tang Ruochu sa kanyang narinig.
“Ano… ang sinabi mo? Pwede bang pakiulit ang sinabi mo?” na para bang hindi narinig ng tama ni Tang Ruochu.
...
Talaga bang… pinapapunta siya sa engagement party ng mga walang hiyang iyon?
“Hahaha…”
Lumaki ang mga mata ni Tang Ruochu dahil hindi siya makapaniwala sa sinabi ni Tang Song at ang lahat ng dugo niya sa katawan ay umakyat sa kanyang ulo dahil sa galit habang patawa niyang sinabi na, “Ang galing mo talagang ama! Inagaw ni Gu Ruoruo ang nobyo ko at sa halip na ipagtanggol mo ako, gusto mong pumunta ako sa engagement party nila? Hahaha, may bago akong natutunan ngayong araw. Tinatrato mo ang sarili mong anak na parang basura habang tinatrato mo ang anak ng kabit mo na parang isang brilyante.”
“Gusto ko malaman kung tunay ba talaga kitang ama. Ipaalam mo agad sa akin kung hindi mo ako kadugo dahil labis na nalulungkot ako sa katotohanan na anak mo ako!”
Labis na nasaktan siya sa mga sinabi ni Tang Song kaya’t nagwala si Tang Ruochu sa kanya na para bang nawala na siya sa kanyang sarili.
“Wala kang respeto!” ang sigaw ni Tang Song sa galit niya. “Aaminin ko na nagkamali si Ruoruo pero buntis na siya kay Ji Yinfeng. Hindi mo na mababago ang katotohanang ‘yon. Sa tingin mo ba ay pagbabawalan ko pa sila na magpakasal ngayon at buntis siya? Hindi ko siya pinagalitan dahil iniisip ko ang damdamin ni Xiaowan. Naiintindihan mo ba?”
…
“Ang ibig sabihin ba nun ay pwede niyo na akong tapak tapakan?” ang sabi ni Tang Ruochu habang naglabas ng malamig na pagtawa.
Huminga siya ng malalim at pinilit na alisin ang pagkadismaya at pait na nararamdaman niya bago sabihin ng mahinahon, “Hindi ka papasa bilang isang ama para sakin. Hindi ako pababayaan ni nanay na magdusa kung sakaling nabubuhay pa siya.”
Pagkatapos, tumalikod siya at umalis ng walang pagdadalawang isip.
Huminto siya bago lumagpas sa pinto at idinagdag, “Maglilipat na ako sa loob ng ilang araw. Hindi ako dadalo sa engagement party ni Gu Ruoruo, kaya’t sumuko ka na sa ideyang iyon.”