Kabanata 2
“Maaari ko bang malaman kung bakit mo siya hinahanap?” maingat na tanong ng assistant ni Lu Shijin habang tumayo siya sa harap nito.
...
Mabilis na naglakad si Tang Ruochu papunta sa dalawang lalaki at tumango habang dumiretso na siya sa kanyang punto. “Narinig ko kay Mr. Lu kanina na naghahanap siya ng babaeng papakasalan, kaya’t naisip ko kung papasa ba ang isang tulad ako?”
“Huh?” pasigaw na sabi ng assistant niya na napanganga sa pagkagulat.
...
Hindi akalain ni Lu Shijin na ang babaeng ito ay may tapang na nakikipag usap sa kanya, kaya’t hindi niya napigilan na tignan siya ng pangalawang beses.
Kakaibang itsura ang nasilayan ng kanyang mga mata nang mapansin niya ang wedding gown at ang walang buhay na mga mata ni Tang Ruochu, na bahagyang ikinagulat niya sa kanyang nakita.
Nakaramdam ng konting kaba si Tang Ruochu nang tinitigan siya ni Lu Shijin.
Nasabi man niya ng matino ang kanyang pakiusap, subalit hindi siya sigurado kung tatanggapin ni Lu Shijin ang kanyang alok.
Kung sabagay, ang isang taong tulad ni Lu Shijin, na maimpluwensya at may kahanga-hangang family background, malamang ay maraming babaeng naghahabol sa pagkakataong pakasalan siya. Sigurado siyang marami pang ibang babae na mas higit pa sa kanya, kaya’t naisipan niya na lamang na magtanong bigla at nagbabakasakali na tanggapin nito ang alok.
Tila huminto ang oras nang sandaling ‘yon at ilang sandali pa ay nagtanong na din sa wakas si Lu Shijin, “Paano naman ang iyong nobyo?”
Malalim at lalaking lalaki ang kanyang boses, kaya’t ang tono niya’y naging lubos na seksi at kaakit-akit.
“Sumama na siya sa ibang babae. Nagkataon lang na narinig kita na naghahanap ka ng babaeng papakasalan, kaya’t kung wala ka pang babaeng pinipili, maaari naman tayong gumawa ng isang partnership? ‘Di mo kailangang mag alala, marunong ako magluto, maglaba, at isang akong matino at maalalahanin na babae. Magiging mabuting akong asawa at iiwasang mapalapit sa ibang lalaki. Iingatan ko ang mga panata ng ating kasal, aalagaan ng mabuti ang asawa ko, at gagawin ko ang mga obligasyon ko.” sinabi niya at sinabayan ng kindat.
Sinabi niya ito ng walang pagaalala na para bang pinaguusapan lang nila ang panahon. Tila bang di siya apektado sa mabigat na presensya ni Lu Shijin.
Nahimasmasan na sa wakas ang pagkagulat ng assistant ni Lu Shijin habang ang kanyang bibig ay kumibot sa sindak.
“Seryoso ba ang babaeng ito sa paggawa ng isang marriage partnership? Sa tingin niya ba ay isa tong misyon para mag pa level-up mula sa pagpatay ng mga halimaw?
“At hindi ba napaka lungkot ng kwento niya?”
“Miss, pasensya ka na pero…” tatanggihan na sana siya ng assistant ni Lu Shijin nang biglang kinawayan siya ni Lu Shijin para pahintuin ang pagsasalita niya.
...
Nanigas sa gulat ang assistant ni Lu Shijin, at bago pa man siya makaimik, ang mga mata ni Lu Shijin ay tumuon at tiningnan niya ng maigi si Tang Ruochu ng ilang saglit. Tumango siya sa wakas at nagulat ang lahat nang sinabi niyang, “Sige, magpakasal tayo.”
“Hmm? Pumayag ba talaga siya sa alok ko?
Hindi makapaniwala si Tang Ruochu sa kanyang narinig.
Nagulat siya na pumayag si Lu Shijin ng walang masyadong pagsisiyasat.
“Uh… hindi ba parang ang bilis niyang pumayag?”
Hindi lang si Tang Ruochu ang nagulat sa reaksyon ni Lu Shijin, pati na ang assistant niya ay nagulat rin.
“Sir, uh… di po ba parang kakaiba ito sa inyo? Hindi natin hustong kilala ang babaeng ito, kaya’t hindi po ba dapat tignan niyo muna ang background niya bago kayo gumawa ng kahit anong pangako?” ang sabi ng assistant niya. Agaran niyang sinubukang hikayatin si Lu Shijin na mag dalawang isip.
...
Napakaraming babae dyan na pera lamang ang habol sa kanya, bukod pa doon, ang babaeng ito ay tinawag agad si Lu Shijin na “Mr. Lu” sa maikling oras na pagkakausap nila, kaya’t siguradong kilala niya si Lu Shijin. Paano nila matutukoy kung mayroon siyang lihim na motibo o wala?
“Hindi na kailangan”, ang sabi ni Lu Shijin ng walang bahala habang nakabaon ang mata niya kay Tang Ruochu. “Hindi ka na maaari pang umatras kapag tayo ay kinasal na, sigurado ka na ba sa desisyon mo?” ang tanong niya.
...
“Oo, hindi ko pagsisisihan ‘to,” ang sabi niya habang tumango ng mataimtim. Klaro sa lahat na sigurado na siya sa kanyang desisyon.
...
“Mayroon ka bang residence booklet na dala?” ang tanong ni Lu Shijin. Hindi na siya nag pasikot-sikot pa at madaling sinimulan ang logistics ng mga bagay.
...
“Hindi ko ito dala,” ang sabi ni Tang Ruochu habang umiling ang kanyang ulo.
Inangat ni Lu Shijin ang kanyang bisig para tignan ang kanyang relo bago sinabing, “Umuwi ka muna at kunin mo ito. Magkita tayo sa Civil Affairs Bureau sa loob ng isang oras. May pagtutol o mga tanong ka pa ba?”
“Wala,” mabilis na sagot ni Tang Ruochu.
“Mabuti kung ganon. Mu Ling, ihatid mo siya pauwi,” ang utos ni Lu Shijin sa kanyang assistant na nakatayo sa kanyang likod.
Hindi makapaniwala si Mu Ling.
...
Natapos ni Tang Ruochu at Lu Shijin ang pormal na pag paparehistro ng kanilang kasal matapos ang humigit-kumulang isang oras.
Pagkatapos niya lumabas ng Civil Affairs Bureau, hawak-hawak na niya ang kanyang bagong print na pulang booklet. Parang hindi kapanipaniwala ang lahat ng mga nangyayari.
Isa na siyang kasal na babae simula sa araw na ‘to, at kahit na ang napili niyang asawa ay hindi ang taong inaasahan niya maging asawa, hindi niya pinagsisisihan ang kanyang desisyon.
“Mr. Lu, may oras ka ba? Pwede ba tayo mag usap?” tawag ni Tang Ruochu kay Lu Shijin, na naglalakad sa harap niya.
...
“Sige,” taas kilay na sabi ni Lu Shijin. Hindi niya tinanggihan ang kanyang hiling.
...
Pumunta sila sa isang malapit na cafe para mag usap at umupo si Tang Ruochu sa tapat ni Lu Shijin.
“Ano ang gusto mong pag-usapan?” tanong ni Lu Shijin pag-upo niya.
“Paumanhin sa pagtatanong pero gusto ko pag-usapan ang mga kondisyon ko at inaasahan kong papayag ka sa mga ito,” alanganing sinabi ni Tang Ruochu.
...
Para bang mali na sabihin niya ang mga kondisyon niya dahil katatapos lamang nila mag parehistro ng kanilang kasal at ang marriage license nila ay bagong bago palang.
“Ituloy mo lang.” Ang mga kilay ni Lu Shijin ay biglang nagbago at hindi mabasa ngunit parang hindi naman niya minasama ang kanyang hiling.
...
Hindi napigilan ni Tang Ruochu ang huminga ng maluwag. Pagkatapos, nag ipon siya ng lakas nang loob at sinabing, “Maaari bang itago muna natin sa ngayon ang balita tungkol sa kasal natin? Marami pa akong mga pribadong usapin na kailangang ayusin at ayaw kitang madamay. Pwede mong ituloy ang kung ano man ang mga ginagawa mo at hindi ako mangingialam.
Tumingin sa kanya ng mahinahon si Lu Shijin, ngunit wala parin mabasang emosyon sa kanyang mga mata.
Napaisip saglit si Lu Shijin bago niya sinabing, “Payag ako sa mga kondisyon mo pero gusto ko rin idagdag ang aking mga kondisyon.”
“Pakiusap sabihin mo ang iyong mga kondisyon!” sinabi ni Tang Ruochu na may kasamang pag tango.
“Una sa lahat, gusto kong tumira ka kasama ako. Ito ang pundasyon sa pagpapanatili ng isang matiwasay na kasal. Ang ikalawa, may sarili akong mga dahilan pero gagawin kong publiko ang balita sa kasal natin kapag kinakailangan at hindi ka pwedeng tumanggi dito,” ang sabi niya.
“Payag ako,” ang sagot ni Tang Ruochu.
Walang dahilan si Tang Ruochu para tanggihan ang kondisyon ni Lu Shijin dahil pumayag ito kondisyon niya.
Hindi rin nagtagal at tinapos na nila ang pag-uusap at umalis na si Tang Ruochu sa cafe.
Pumasok si Mu Ling matapos umalis ni Tang Ruochu sa cafe. Tumingin siya kay Lu Shijin at sinabing, “Sir, sigurado po ba kayo na hindi kailangan gumawa ng background check kay Ms. Tang?”
Kung ibang babae lamang ito ay siguradong ipaguutos ni Lu Shijin na gumawa ng background check para dito, kaya’t nakapagtataka kung bakit hindi niya ito pinagawa kay Mu Ling?
Para bang lubos na wala sa karakter niya na gawin ito!
“Siyempre titignan ko pa din ang background niya. Gusto ko malaman bakit niya piniling magpakasal sa isang taong hindi niya kilala,” ang sabi ni Lu Shijin nang itinikom niya ang kanyang mga labi, at isang mapag isip na tingin ang lumabas sa kanyang mga mata.
...
“Opo, titignan ko rin po ito kaagad. Pero…”
“Hmm?”
“May tanong po ako. Nakilala niyo na po ba si Ms. Tang bago ang lahat ng ito?”
Ano pa bang ibang dahilan kaya’t pumayag siyang pakasalan si Ms. Tang ng walang pagsisiyasat na naganap? Parang hindi siya tulad ng sarili niya!
Hindi pinansin ni Lu Shijin ang tanong ni Mu Ling. Tumingin siya sa direksyon kung saan lumabas si Tang Ruochu at sinabi niya ng may makabuluhang ngiti, “Simula ngayon ang dapat mo nang itawag sa kanya ay ‘Mrs. Lu’!”