Webfic
Buksan ang Webfix app para sa higit pang kahanga-hangang content

Kabanata 1

Tanghaling tapat at ang nagbabagang araw ay sumisinag mula sa kalangitan. Si Tang Ruochu ay nakatayo sa harap ng bridal studio suot-suot ang kanyang puting wedding dress, at ramdam niyang naubos ang dugo sa kanyang mukha nang makita niya ang magkasintahang madamdam na nagyayakapan sa loob ng isang Porsche. Ito dapat ang araw para sa kanyang gown-fitting appointment at may plano na siyang makipagkita sa kanyang nobyo sa harap ng bridal studio. Nagulat siya sa eksenang ito matapos niyang hintayin ng napakatagal na oras ang kanyang nobyo. Nakatalikod sa kanya ang lalaki at mainit nitong hinalikan ang babaeng yakap niya habang humahalik din ang babae ng may kaparehong sigla. Gayon pa man, nakita ni Tang Ruochu na biglang ngumisi ang babae mula sa bintana ng kotse. Naramdaman niya na para bang tinamaan siya ng kidlat, sapagkat ang ideya na ang nobyo niya ay nakikipaglandian sa kanyang kapatid ay hindi pumasok sa isip niya kahit minsan! Tumulo ang mga luha sa kanyang mga pisngi habang siya’y nanggigil dahil sa kahihiyan at galit. Siya’y naging isang tanga! Nagmadali siyang bumaba sa hagdanan ng walang pag-aalangan ng matanggap niya ang text ni Ji Yinfeng limang minuto ang nakalipas na nagsabing hindi niya mahintay na makita na naka gown si Tang Ruochu. Ang gown na suot niya’y naging isang malaking katatawanan. Napagtanto agad ni Tang Ruochu na si Gu Ruoruo ang nagpadala ng text sa kanya kanina. Halata na gusto niyang ipasaksi ang eksenang ito sa kanya para ikatuwa niya ang pagkalugmok nito. Para bang ‘di pa sapat na inagaw ni Gu Ruoruo at ng kanyang ina ang pagmamahal ng kanyang ama, inagaw niya na rin ang nobyo ni Tang Ruochu. Nadismaya siya kay Ji Yinfeng dahil sa mga nagawa nito. Alam ni Ji Yinfeng kung gaano kinamumuhian ni Tang Ruochu si Gu Ruoruo ganun pa man ay pinagtulungan pa din nilang sirain si Tang Ruochu. Pakiramdam ni Tang Ruochu ay para bang kakagising niya lang sa isang masamang panaginip. Natakot siya na baka may magawa siyang hindi niya pinagiisipan kapag nawalan siya ng kontrol sa kanyang mga emosyon, kaya’t agad siyang lumisan sa eksena bago pa man siya makita ni Ji Yinfeng. Hindi nagtagal at tinawagan siya ni Gu Ruoruo at manuyang sinabi na, “Mahal kong kapatid, nakita mo naman siguro ang lahat kanina, hindi ba? Ako ang mahal ni Ji Yinfeng, kaya’t hindi ka niya pakakasalan at hindi ko hahayaang maganap ang kasalang ito. Sakin na siya, kaya’t kalimutan mo nang magpakasal sa kanya!” Lumipas ang buong hapon na si Tang Ruochu ay naglalakad sa mga kalsada nang naka tulala, manhid sa mga pagtitig na kanyang nakukuha nang dahil sa mukha niyang puno ng pagluha at ang kanyang mahabang wedding gown na kumakaladkad mula sa kanyang hulihan. Pumunta siya sa isang nightclub at umorder ng napakaraming inuming nakalalasing, na kanyang ininom habang iniiyak niya ang lahat ng kanyang damdamin. Ginusto niyang lunorin ang kalungkutan niya sa alak. Si Tang Ruochu ay lubusang nalasing noong gabing iyon at humandusay sa sofa sa loob ng private room ng club. Kinaumagahan, siya ay nagising sa tunog ng phone niya na nagri-ring. Antok niyang sinagot ang tawag at di man lang siya nakapagsalita nang narinig niyang sumigaw ng pagalit si Ji Yinfeng, “Tang Ruochu, nasaang lupalop ka ngayon? Alam mo bang lumipas ang buong maghapon kakahintay ko sayo sa bridal studio kahapon? At dahil mukhang hindi mo sineseryoso itong ating kasalan, wag nalang natin itong ituloy!” Ang mga salita niyang iyon ay biglang nakatanggal ng kalasingan ni Tang Ruochu. Nakita niya ang kabalintunaan sa mga salita ni Ji Yinfeng at nanlamig ang kanyang buong katawan. Siya ay… wala nang balak na magpakasal sa kanya simula pa noong kahapon! Pumunta sa banyo si Tang Ruochu para maglinis ng sarili matapos niya patayan ng phone si Ji Yinfeng at tuluyan nang lumabas ng private room para bayaran ang kanyang bill. Isang matangkad na lalaki ang naglakad papunta sa direksyon niya habang siya ay naglalakad sa koridor. Hindi siya masyado nagbigay pansin sa lalaking iyon hanggang sa marespetong sinabi ng assistant ng lalaki na, “Sir, ayon po kay Chairman, ang pangunahing gawain niyo ngayong araw ay ang kolektahin ang marriage license niyo ni Ms. Xu at mag-dinner kasama siya para ipagdiwang ang inyong kasal.” “Wala akong oras.” Ang mga salitang ito ay lumabas mula sa maninipis na labi ng lalaki gamit ang kanyang napakalamig na boses. “Pero… sinabi po ni Chairman na kailangan niyong ikasal. Kung hindi nakuha ni Ms. Xu ang inyong pagtingin, maaaring pong patuloy na magpadala si Chairman ng mga babae sa inyo hanggang makapili kayo ng babaeng pakakasalan.” Sabi nang kanyang assistant na kabadong ipinaparating ang mga salita ng Chairman para sa kanya. ... “Hmph, di ako makapaniwala na hindi pa rin siya sumusuko sa ideyang ito! Sige na at pumili ka ng kung sinong tanyag. Wala akong pakialam kung sino ang piliin mo basta’t hindi galing sa mga pinapadala ng Chairman. Gusto ko na itong tapusin bago pa ito lumaki.” ang sinabi ng lalaki habang nagmamadaling umalis upang gumawa ng kanyang mahusay na plano. ... Ang assistant niya ay napanganga sa gulat at sinabing, “Sir… Nagbibiro po kayo, di po ba? Binigyan siya ng lalaki ng isang malamig na titig. “Mukha ba akong nagbibiro sa’yo?” Hindi siya nagbibiro! Kung sabagay… ang kasal ay isang mahalagang parte sa buhay ng isang tao. Hindi ba’t parang tinatrato ito ng boss niya na parang wala lamang? Ang kanyang assistant ay nagsimulang magsalita bago siya huminto. Gusto niyang hikayatin ang kanyang boss na magdalawang isip ngunit nang makita niya ang walang tinag na ekspresyon sa mukha ng kanyang boss, madali niyang itinigil ang kanyang pagsasalita. Hindi napigilan ni Tang Ruochu na tumingin sa lalaki habang naririnig niya ang usapan ng dalawa. Siya ay isang napakagandang lalaki na mukhang isang buhay na estatwa na inukit ng mga diyos. Ang kanyang pagmumukha ay katangi tangi. Mayroon siyang manipis na mga labi, matangos na ilong, makakapal na mga kilay na nagdadagdag sa kanyang pagkasuplado, at mga matang misteryoso. Ang kasuotan niya ay pinasadya upang maging sakto sa pigura niya, dahil dito, nagmukha siyang mas gwapo. Siya ay naglalabas ng malamig at maharlikang aura na para bang isa siyang hari na hindi pumapayag sa mga pamimihasa sa kanya. May kakaiba siyang presensya na nagpapahirap sa kahit sino na mapalapit sa kanya at ang kahanga-hanga niyang asal na likas na nakakakuha ng respeto sa iba. Si Tang Ruochu ay namukhaan siya bilang si Lu Shijin mula sa Thunderbolt Entertainment Group, na siyang kilala bilang isa sa mga tanyag na tao sa loob ng grupo sa entertainment. Siya ay kadalasang hindi nakikita sa publiko ngunit minsan na siyang nakita ni Tang Ruochu noong siya ay isa pa lamang journalist assistant. Siya ay nagulat na makasalubong si Lu Shijin dito sa loob ng club! Siya ay biglang nakaisip ng isang ideya pag lagpas ni Lu Shijin sa kanya. Si Lu Shijin ay naghahanap ng babaeng papakasalan at si Tang Ruochu ay kakatapos lang pagtaksilan ng kanyan nobyo, kaya’t pareho silang walang pinapangakuan at nababagay sila maging marriage partners para sa isa’t isa. At ang mas mahalaga pa, gusto niyang malaman ni Gu Ruoruo na mayroon na siyang nahanap na mas higit kay Ji Yinfeng. Gusto niyang pagsisihan ni Ji Yinfeng ang desisyon niya! Nagmadali siyang pigilan si Lu Shijin matapos niyang isipin ang ideya na ito. “Sandali lang, Mr. Lu.” Si Lu Shijin at ang kanyang assistant ay bahagyang nagulat sa biglaang pagtawag sa kanya at siya’y tumalikod upang tingnan si Tang Ruochu.

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.