Kabanata 11
Paputol putol ang kanyang pagsasalita at ang boses niya ay napabanayad pero narinig ito lahat ni Lu Shijin.
May kakaibang kinang sa mga mata niya at tinanong, “Sigurado ka ba dito?”
“Oo,” tumango at sinabi niya.
Mapula ang mga pisngi niya at ang nakakamanghang hugis ng katawan niya ay napakaganda na kahit isang pintor ay hindi ito kayang gayahin. Napakaganda at kaakit akit siya nang pagkakataong iyon.
Bumilis ang tibok ng puso ni Lu Shijin at ang kanyang mga labi ay nagsabing, “Magalang kong tinatanggap ang hiling mo.”
Bumigay siya sa kanyang init, nilapag ang baso ng wine, at pinulupot ang mga braso niya sa baywang ni Tang Ruochu, at niyakap siya. Pagkatapos, ay yumuko siya at hinalikan si Tang Ruochu sa labi.
“Boom—”
Naramdaman ni Tang Ruochu na para bang may sumabog sa loob niya at ang isip niya ay biglang nablanko.
Mababaw lang ang halik niya at nalasahan ni Tang Ruochu ang wine mula sa kanyang mga labi at tila nakuha niya si Tang Ruochu gamit isang napakalakas na gayuma. Agresibong naglaro ang kanyang mga labi sa mga labi ni Tang Ruochu nang paulit ulit, nakaw nakaw ang lahat nang isip niya.
Nanginig ang ulo ni Tang Ruochu nang tumingin siya nang wala na sa ulirat sa lalaking ito. Hindi niya mawari ang nararamdaman niya.
Hindi niya alam kung gaano katagal ang lumipas na oras simula nang sila ay nag halikan, pero pinakawalan din ito ni Lu Shijin nang maramdaman ni Tang Ruochu na para bang naubos na ang hangin sa loob ng kanyang mga baga.
May apoy na nagbabaga sa mga mata ni Lu Shijin pero napigil niya at hindi na nagpatuloy para kay Tang Ruochu.
Sumandal siya sa dibdib ni Lu Shijin habang hinihingal. Pagkatapos bumalik sa normal ang kanyang paghinga, sinabi niya na, “Salamat.”
Nagpapasalamat siya na tumigil siya sa tamang oras.
Pinigilan na ni Lu Shijin ang mga damdaming dumadaloy sa kanyang katawan at pasimpleng sinabi na, “‘Wag ka mag alala. Ang magagandang bagay ay masarap magmula sa isang tikim pa lamang. Ano man ang susunod… ay dapat muna maghintay sa ngayon.”
Tumawa siya ng mahina at sinabing, “Napagtanto ko na medyo iba ka sa una kong pananaw sayo.”
“Oh? Ano ba ang pananaw mo sa akin?” mausisa niyang tinanong habang tumaas ang kanyang kilay.
“Para kang isang lalaki na may misteryosong aura na laging may tinatago. Ang akala ko ay malamig at walang kang aw. Isa kang lalaki na nagpaparamdam ng lakas at awtoridad at tila hindi ko maabot,” ang sabi ni Tang Ruochu.
“Paano naman ngayon?”
“Parang hindi ka naman ganun ka suplado sa iniisip ko.”
Binigyan siya ni Lu Shijin ng makabuluhang tingin bago sinabing, “Ikaw lamang ang taong pakikitaan ko ng tunay kong sarili. Pinapakita ko lang ang malamig kong itsura sa publiko.”
Walang masabi si Tang Ruochu sa kanyang mga salita.
Natuwa siya na ang lalaking ito ay nagbigay sa kanya ng buo nitong tiwala.
Paano niya lolokohin si Lu Shijin kung bukas ang kalooban niyo sa kanya.
“Ipapakita ko rin sayo ang tunay kong pagkatao,” ang pangako niya.
...
Nabuksan na ni Tang Ruochu at Lu Shijin ang unang hakbang upang sa pagiging tunay na mag asawa mula sa kanilang ikalawang gabi matapos nila ikasal... ang matulog ng magkasama sa iisang higaan.
Trinato nila ang isa’t isa ng may respeto at nagkasundo sila na hindi lumagpas sa mga pangako nila!
Nakatulog ng mahimbing si Tang Ruochu nang gabing iyon, at paggising niya, hindi niya makita si Lu Shijin sa kwarto.
Inakala niyang umalis na siya para magtrabaho, pero nang bumaba siya sa hagdan, nakita niya na naghihintay siya para sabay sila kumain ng agahan.
Maraming putahe ang nakalatag sa hapag kainan at mayroon ding Chinese at Western na pagpipilian. Karamihan sa mga pagkain ay naaangkop sa panlasa ni Tang Ruochu.
Umupo siya sa tapat ni Lu Shijin, at kumuha ng isang mangkok ng congee, at kinain ito ng tahimik. Gayunpaman, ang mapayapang agahan niya ay nagambala nang tumawag si Gu Ruoruo.
Kumunot ang kilay niya at ang mukha ng pagkainis ay makikita sa kanya.
“Anong problema?” ang tanong ni Lu Shijin nang mapansin niyang nagbago ang mood ni Tang Ruochu.
“May tumatawag sakin na ayaw kong sagutin,” sinabi niya ng naiinis.
Alam niya na kung tumawag si Gu Ruoruo sa kanya sa ganitong oras, ay wala siyang magandang sasabihin.
Pero kahit na ayaw niyang ito, siya ay napilitan at sinagot na din ang tawag. Agad niyang narining ang boses ni Gu Ruoruo. “Ruochu, narinig ko kay papa na naglipat ka daw. Ang engagement party namin ni Yinfeng ay gaganapin bukas ng gabi. Kailangan mo dumalo para dito!” ang mayabang na pagsabi ni Gu Ruoruo, at mayroong konting pag hahamon sa boses niya.
Ginusto ni Tang Ruochu na bigyan siya ng mahaba habang panglalait pero pinigilan niya ang kanyang sarili at sinabi na may malamig na pagtawa, “Gu Ruoruo, ikaw siguro ang kauna unahang tao na ipinagmamalaki na makapulot ng basura ng iba.”
Pagkatapos, agad niyang pinatay ang tawag ng hindi man lang naghihintay ng sagot ni Gu Ruoruo.
Tinaas ni Lu Shijin ang kanyang kilay at tinignan si Tang Ruochu. Kumunot ang mga labi niya at sinabing, “Nabigla ako at nakapagsalita ka ng ganyan katapang.”
“Hindi naman masyado! Nagsisimula pa lang ako,” ang sabi niya.
Tinabi niya ang kanyang phone at nagpatuloy na kumain ng congee.
Pinag aralan ng maigi ni Lu Shijin ang ekspresyon ni Tang Ruochu, biglang niyang naisip na ang asawa niya ay may nakakawiling pagkatao.
“Anong balak mong gawin na paghihiganti matapos ang mga nagawa niya sayo?” bigla niyang tanong matapos ang katahimikan.
...
Ang impormasyon na nakuha ni Mu Ling ay talagang mabusisi, kaya’t alam na alam niya ang lahat ng nangyari sa kanya.
Alam ni Tang Ruochu ang ginawa niya pero hindi na siya naligalig sa kanyang mga kilos. Hindi niya rin naman balak itago ito kay Lu Shijin.
Hindi niya mapigilang makain nang kanyang galit sa lahat ng mga nagawa ni Gu Ruoruo at Ji Yinfeng sa kanya. “Hindi ko pa masyado napag isipan, pero balak kong pagsisihan nila ang lahat nang ginawa nila!”
Hindi sumagot si Lu Shijin pero kitang mas nawili siya kat Tang Ruochu at sa mga binabalak nito.