Webfic
Open the Webfic App to read more wonderful content

Kabanata 6

Umiling si Alex at ngumisi, “Chloe, hindi ka karapat-dapat para halikan ang mga daliri ko sa paa. Umuwi na lang kayo ng matabang lalaking kasama mo. Siguro, kapag napasaya mo siya, bibilhan ka niya ng walang kwentang kwintas na nagkakahalagang dalawang libo.” “Ikaw…” Sobrang tindi ng galit ni Chloe, na para siyang bombang sasabog anumang oras. Hinabol ng matabang lalaki si Chloe, aakitin niya na sana ito para maiuwi siya’t maikama, nang kinutya siya ni Alex. Sinabi ng matabang lalaki, “Ikaw ‘tong dukha, tingan mo nga ‘yang sarili mo, sa tingin mo ba kaya mong bilhin itong kwintas na nagkakahalagang tatlumpung milyon? Tingin mo ba tatlong libo lang ‘yan?” “Paano kung kaya ko ngang bilhin ‘yan? Kaya mo ba? Makakabili ka rin ba?” tanong ni Alex. Napagpasiyahan ni Alex na bilhin ang nasabing kwintas. Masyadong marami na ang kanyang pagkukulang sa nakaraang sampung buwan. Maaring masiyahan si Lady Dorothy kapag binigyan siya ng kwintas ng nagkakahalagang tatlumpung milyon, at makuha ang kanyang tiwala sa kakayahan niyang protektahan siya. Galit na sinabi ng matabang lalaki, “Saan nanggaling ‘tong gagong ‘to, kung anu-ano ang pinagsasabi, Chloe, paano mo ba ‘yan nakilala? Sumasakit ulo ko kapag kinakausap ko siya.” Ngumisi si Alex, “Sabihin mo na lang kung wala kang pera, hindi mo na kailangang magdahilan. Hindi na kita papahirapan pa. Pagkatapos ng lahat, meron lamang iisang ‘Love in a Fallen City, at nararapat ito para sa aking asawa, hindi ‘yan bagay sa girlfriend mo. Mas mainam siguro kung ang bilhin mo na lang ay ‘yong katabi nito, na nagkakahalagang tatlong milyong dolyar, kaya mo ba?” “Aba, sino ka sa tingin mo para pagbantaan ako? Sige! Pero paano kung ikaw ang walang pambili?” sigaw ng matabang lalaki. Wala pang pagkakataong magsalita si Alex. Sinabi ni Chloe, “Kung wala kang perang pambili, lumuhod ka sa harap ko at tawagin mo ako bilang iyong ina nang tatlong beses!” Malamig siyang tinitigan ni Alex, “Sige ba!” Tinawag nila ang pinakamalapit na assistant. At napagalamanan nilang kinailangang pumunta sa ikatlong palapag kung gusto nilang bilhin ang kwintas na ‘Love in a Fallen City’. Agad silang nakaakyat sa ikatlong palapag, natagpuan ang counter, at nakitang ang taong namamahala ay kakilala ni Alex. Siya ang matalik na kaibigan ni Lady Dorothy, si Cassandra.  “Ano? Gusto mong bilhin ang kwintas na ‘Love in a Fallen City’? Nasisiraan ka na ba sa ulo?” Matapos marinig ni Cassandra, tumingin siya kay Alex at nakaramdam ng labis na galit. “Alex, hindi ko maintindihan, anong karapatan ang meron ka para kumapit kay Dorothy, magpakalalaki ka, hiwalayan mo na si Lady Dorothy agad, huwag ka nang maging pabigat sa kanya! Hindi mo ba alam, pinuntahan ako ni Dorothy nito lang para ibenta ang kanyang wedding ring kapalit ng kalahating milyong dolyar para lang mapagamot ang iyong ina. Tapos ngayon sasabihin mong gusto mong bilhin ang kwintas na ‘Love in a Fallen City’ na nagkakahalagang tatlumpung milyong dolyar, sa tingin mo ba hangal ako para paniwalaan kita?” Alam ni Alex na may mangyayaring masama kapag nagkita sila, dahil lagi siyang kinukutya nito. Napatawa nang malakas sina Chloe at ang kasama niyang matabang lalaki. Sabi ni Chloe, “Alex, narinig mo bang ibinenta ng iyong asawa ang kanyang wedding ring, at nandito ka pa rin, nagpapanggap na mayaman? Aminin mo na lang na wala kang pera. Lumuhod ka, halikan mo ang aking mga paa, at tawagin mo ako bilang iyong ina nang tatlong beses!” Mismong pagkatapos niyang magsalita, hinubad niya ang kanyang sapatos at iniunat ang kanyang mga paa. Hindi man lang nag-abala si Alex na tingnan siya, at sinabi niya kay Cassandra, “Paano kung kaya kong bilhin?” Galit na sumagot si Cassandra, “Kung kaya mong bilhin, luluhod ako sa harap mo at tatawagin kita bilang aking ama!” Sa isang iglap! Inilabas ni Alex ang kanyang credit card. “I-swipe mo ang kard!”  Kinuha ni Cassandra ang credit kard, ibinato pabalik kay Alex, at naiinis na sinabi, “Tigilan mo na nga ‘yan, pwede ba? Iniistorbo mo lang ang trabaho ko. Alex, kilala kita! Kalimutan mo na ‘yang kwintas na nagkakahalagang tatlumpung milyon, hindi mo nga kayang bumili ng kwintas na may presyong tatlong libo!” “Kung hindi ka kusang aalis, tatawag na ako ng mga gwadiya.” Sumimangot si Alex, “Nandito ako para mamili, bakit mo ako papaalisin? Cassandra, gusto mo bang mawalan ng trabaho?” Kumaway si Cassandra, at ang dalawang gwardiyang nakapansin na sa nangyari kanina ay nagmadaling lumapit. Sabi ng gwadiya, “Cassandra, anong problema?” Sabi ni Cassandra, “Ang lalaking ito ay nagdudulot ng gulo, paalis ninyo siya.” Malamig na sinabi ni Alex, “Cassandra, huwag ka naman mawalan ng kahihiyan. Nandito nga ako para mamili, hindi para magdulot ng gulo. Kapag nalaman ng boss mo kung paano mo itinatrato ang mga mamimili, sa tingin mo ba maipapagpatuloy mo ang pagtratrabaho rito? HIndi ka ba natatakot na magrereklamo ako sa boss mo?” Sinamaan siya ng tingin ni Cassandra, “Aba, kung gusto mong bilhin ang kwintas na ‘Love in a Fallen City, kinakailangan mo ng VIP membership card ng L.G. Balfour o ang star membership card ng Thousand Miles Conglomerate. Kung itinataglay mo ang isa sa mga ito, maari kong ibenta sa’yo.” “Thousand Miles Conglomerate?” Panandaliang nanigas si Alex. Sinabi ng isa sa mga gwardiya, “Oo, ang L.G. Balfour ay subsidiary ng Thousand Miles Conglomerate. Isipin mo na lang ang mga kahihinatnan kapag sinbukan mong magdulot ng gulo rito.” Sumimangot si Alex, wala siyang tinataglay na membership card. Nang-asar si Chloe, “Nagulat ka ba? Tanggapin mo na ang iyong pagkatalo. Lumuhod ka na kaya at halikan mo na ang aking mga paa? Ang lugar na ito ay pagmamay-ari ng Thousand Miles Conglomerate. Kung susubukan mong mandaya, tinatangka mong bastusin si Lord Lex Gunther. Tanggapin mo na.” Sabi ni Alex, “Bigyan mo ako ng ilang minuto.” Inilabas niya ang kanyang phone, tinawagan si Lord Lex Gunther, at sinabing, “Nasa L.G. Balfour ako at gusto kong bilhin ang kwintas na ‘Love in a Fallen City, pero wala akong membership card, kaya hindi ko ito mabili.” Mabilis na sinabi ni Lord Lex Gunther, “Master, bigyan ninyo po ako ng dalawang minuto. Aasikasuhin ko na ito agad.” Ibinaba ni Alex ang phone at tiningnan ang lahat, “Bigyan ninyo ako ng dalawang minuto.” Ngumisi si Cassandra, “Sige, bibigyan kita ng dalawang minuto para makita kung anong kalokohan ‘yang pinaggagawa mo. Kung sinasadya mong magdulot ng gulo, ako na mismo ang bubugbog sa’yo!” Sa wakas, sa loob ng dalawang minuto. May dumating na medyo may edad na lalaki. Nakita ni Cassandra at ng dalawang gwardiya ang naturang lalaki at agad na magalang itong binati. Binulalas nila, “Hello, Mr. Jefferson!” Lumalabas na siya pala ang general manager ng L.G. Balfour, si Jefferson. Akala ni Cassandraa ay dumating si Jefferson upang suriin kung anong nangyari matapos marinig ang ingay. Mabilis niyang itinuro si Alex at sinabing, “Mr. Jefferson, dumating ang lalaking ito para manggulo. Wala siyang membership card pero nagpupumilit na gusto niyang bilhin ang pinakamahal nating kwintas, ang ‘Love in a Fallen City’. Papalabasin na siya ngayon ng ating mga gwardiya.” Nang walang salita, sinampal siya ni Jefferson. “Wala kang galang!” “Siya ang Supreme VIP ng L.G. Balfour!” “Ano?” Lahat ay hindi makapaniwala at hindi makasalita. Samantala, si Cassandra, na tinatakpan ang kanyang mukha, ay natigilan. Naglakad si Jefferson palapit kay Alex at magalang na sinabi, “Master Alex, paumanhin po kung nahuli ako ng dating.” Tiningnan siya ni Alex, “Bale, mabibili ko na ba itong kwintas na ‘Love in a Fallen City’ ngayon?” Yumuko si Jefferson at sinabi, “Opo, siyempre po, maari ninyong bilhin. Ay saglit, maaring sa inyo na lang po ito, hindi ninyo na pong kailangang bayaran.” “Ano?” Hindi makasalita si Chloe. Pabalik-balik siya ng tingin kay Alex at sa kwintas, at makikita ang inggit sa kanyang mga mata. Gano’n lang ibinigay ang tatlumpung milyong dolyar na kwintas. Bakit? Hindi ba basura lang si Alex? Paano niya nagawang ipagkalooban siya ng L.G. Balfour ng ganitong kamahal na regalo? “Hindi, babayaran ko ito!” Inilabas ni Alex ang kanyang itim na credit card at ibinato ito kay Cassandra. “Paki-swipe ang kard!” “Tandaan mo ang sinabi mo kanina lang. Ako ang magiging ama mo pagkabili ko sa kwintas!” Kinuha ni Cassandra ang credit card at namutla ang kanyang mukha. Tinuro ni Alex sina Chloe at ang matabang lalaki, at sinabi kay Jefferson, “Nga pala, itong dalawang narito, nakipagpustahan sila sa’kin na kapag binili ko ang kwintas na ‘Love in a Fallen City’, bibilhin nila and kwintas na may presyong tatlong milyong dolyar sa billboard. Pumusta ka, magbayad ka, o hindi ka nagbibigay respeto kay Lord Lex.” Agad na hinarangan ng sekyu ang dalawang tao, alintana kung sinasadya o hindi. Isang minuto ang lumipas. Bip... Matagumpay na nabayaran. Nang iniabot ni Cassandra ang credit card pabalik kay Alex, medyo nanginginig ang mga kamay niya. Tatlumpung milyong dolyar na matagumpay na nabayaran. Magkano ang nilalaman ng credit card na ito?

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.