Webfic
Open the Webfic App to read more wonderful content

Kabanata 7

Natigilan si Cassandra. Sa kasamaang palad, hindi makikita ang balanse ng kard sa makina. “Hindi ito kapani-paniwala, bakit siya labis na nirerespeto ni Mr. Jefferson, sinasabing siya ang supreme VIP, sa palagay ko walang nagtataglay ng supreme card ng L.G. Balfour?” puno ng katanungan ang kanyang isip. Tila hindi niya maintindihan ang dahilan. Nakikitira lang si Alex sa tahanan ng pamilyang Assex at nagsisilbi bilang katulong nila. Bakit ang laki ng pinagkaiba? Sa nakaraan, binuhusan pa nga ni Alex ng tubig ang kanyang mga paa para hugasan ang mga ito! Sumigaw si Chloe, “Imposible, imposible, napakaimposible. Sira siguro ang makina. Paano nagawa ng dukhang ‘to na makakuha ng tatlumpung milyong dolyar? Ni tatlong libong dolyar nga ay hindi niya kayang i-withdraw! Kayo, pakitingnan nga ulit ang transaksiyon! Bilisan ninyo!” Sumulyap si Jefferson kay Chloe. “Bale, pinagdududahan mo ba ang Thousand Miles Conglomerate? Ang lakas naman ng loob mong pagsabihan si Master Alex? Hinukay mo ang sarili mong libingan! Mga gard, sampalin ninyo siya!” Ang Thousand Miles Conglomerate ay ang may pinakamalawak na impluwensya sa underworld sa California. Siyempre, ang kanilang sekyu ay katangi-tangi. Pagkatapos mismong matanggap ang mga utos, si Chloe itinulak sa countertop at nasampal ng dosenang beses. Namumula ang kanyang mukha at maihahalintulad ito sa ulo ng baboy. Ang matabang lalaking nakatayo sa tabi niya ay hindi naglakas-loob na gumawa ng tunog. “Taba, huwag mong kakalimutan ang alahas na may presyong tatlong milyong dolyar!” paalala ni Alex. Malapit nang umiyak ang matabang lalaki. Para sa kanya, hindi maliit na halaga ang tatlong milyong dolyar. Gayunpaman, hindi niya magawang tumanggi dahil nasa harap siya ng Thousand Miles Conglomerate. Kaagad siyang sumagot, “Sige, sige, bibilhin ko na agad.” Nang marinig ito ni Chloe, nangningning ang mga mata niya sa tuwa. Matapos mamili dito sa loob ng kalahating araw, bumili lamang sila ng pulseras na nagkakahalagang dalawang libong dolyar. Gusto niyang bumili ng jade bracelet, ngunit tumanggi ang matabang lalaki, sinasabing bibilhan siya pagkalipas mamayang gabi… Ngayong bibili na siya ng alahas na nagkakahalagang tatlong milyong dolyar, dapat niyang pasalamatan si Alex! Nang aabutin niya na sana ang alahas, itinulak siya palayo ng matabang lalaki. “Umalis ka nga, sino nagsabing para sa’yo ‘to?” Sumigaw si Chloe, “Kung hindi ito para sa’kin, kanino mo ibibigay ‘yan?” Sumagot ang matabang lalaki, “Bibilhin ko ito para sa aking ina. Simula ngayon, ito na ang magiging pamana ng aking pamilya. Hindi ka karapat-dapat para maging asawa ko. Pokpok ka lang, tigilan mong mangarap!” Nagalit si Chloe. Itinulak niya ang kanyang sarili sa matabang lalaaki at sinimulang makipag-away sa kanya. Sa wakas, nag-utos na si Jefferson na kaladkarin sila palabas. Tumingin si Cassandra kay Alex na may halu-halong mga emosyon, at sa huli, hindi niya mapigilan ang sarili na magtanong, “Hindi ko maintindihan, kaswal kang nakabili ng alahas na nagkakahalagang tatlumpung milyong dolyar, pero hinayaan mong ibenta ni Lady Dorothy ang kanyang wedding ring para lang sa pagpapagamot ng iyong ina? Nagsisinungaling ka ba sa kanya para lokohin siya?” Sumagot si Alex, “Wala ka nang pakialam, hindi mo naman maiintindihan.” Tapos sinabi niya, “Ilabas mo ang wedding ring!” Sinabi ni Jefferson, “Bilisan mo! Ang lakas din ng loob mo, ‘no! Dapat mong ilabas ito agad kapag hiniling ng master. Kung hindi man, pagbabayaran mo ang presyo nito.” Hindi nagtangkang mag-atubili si Cassandra, dali-dali niyang inilabas ang singsing, at sinabi, “Ayon sa panununtunan ng kumpanya, nagbayad kami ng kalahating milyong dolyar para sa diyamanteng singsing na ito. Kung nais mo itong bilhin ulit, dapat idoble ang presyo nito, kaya kailangan mong magbayad ng isang milyong dolyar para dito.” Sinampal ulit ni Jefferson si Cassandra at pinagsabihan siya, “Doble? Nasisiraan ka na ba? Hindi mo ba alam ang pagkakilanlan ni Master Alex? Siya ang may-ari ng Thousand Miles Conglomerate. Kailangan niya pa bang magbayad para sa singsing na ganito?” Masyadong malupit ang lalaki at mukhang hindi siya ang general manager. Malamang siya ay nagmula sa underworld. Nanlaki ang mga mata ni Cassandra, pinagdududahan ang kanyang mga tenga. Sinabi ni Mr. Jefferson na pagmamay-ari ni Alex ang buong Thousand Miles Conglomerate. Paano naging posible ito? Hindi siya talunan. Siya pala ang sikretong boss pagkatapos ng lahat. Sinabi ni Alex, “Tama na ‘yan, Mr. Jefferson. Hindi na kailangang isapubliko ito, magdudulot lamang ito ng hindi kanais-nais na tsismis.” Mabilis na sinampal ni Jefferson ang kanyang sarili. “Paumanhin, Master. Kasalanan ko po ito. Gawin po ninyo ang gusto ninyong gawin sa’kin.” Hindi nakaimik si Alex. Pagkatapos no’n, tumingin siya kay Cassandra. “Anong ipinangako mo?”Natigilan si Cassandra. Pagkatapos no’n, yumuko siya at sinabi na puno ng kahihiyan, “Daddy!” Sinabi ni Alex, “Tandaan mo, hindi ko gustong may makakaalam sa aking pagkakilanlan, kasama na dito si Lady Dorothy. Siguraduhin mong ililihim mo ito, kung hindi man, haharapin mo ang mga kinahihinatnan.” Alam ni Cassandra kung gaano kalakas ng kapangyarihan ng Thousand Miles Conglomerate. Mabilis siyang tumango nang marinig ang kanyang mga salita. Sinabi ni Jefferson, “Master, dapat po ba nating…” Gamit ang kanyang hinlalaki, gumuhit siya ng hindi makikitang linya sa kanyang leeg. Nang nakita at naitindihan ito ni Cassandra, sobrang natakot siya na parang tumigil ang tibok ng puso niya! Sinabi ni Alex, “Hindi na kailangan, siya ang asawa ng aking matalik na kaibigan. At isa pa, anak ko na siya ngayon. Bigyan mo siya ng pagkakataon. Hayaan mo siyang magtrabaho rito at mangyaring alagaan mo siya nang mabuti.” “Sige po. I-promote po natin siya bilang manager dito sa ikatlong palapag, ano po sa tingin ninyo?” tanong ni Jefferson. “Gawin mo ang iyong ninanais,” sagot ni Alex. Binitbit ni Alex ang alahas na milyun-milyon ang halaga sa kanyang mga kamay. Habang sinamahan siya nina Cassandra at Jefferson, lumabas na siya ng L.G. Balfour. Natulala si Cassandra. Matapos ang lahat, nabiyayaan pa siya sa kanyang promosyon bilang manager. Nagbago ag tingin niya kay Alex. Sa mismong sandaling iyon, may Rolls-Royce Phantom ang lumitaw sa harap nila. Ang taong nasa loob ng sasakyan ay si Lord Lex Gunther. Nakita ni Cassandra si Lord Lex na hinatid si Alex papasok sa kotse bago ito nagmanehong palayo. Sinabi ni Alex kay Lord Lex Gunther, “Lord Lex, may pabor akong hihingiin.” Agad na sumagot si Lord Lex Gunther, “Young Master, susundin ko po anumang hiling ninyo. Palagi ko po kayong paglilingkuran.” “Nagkataon bang may kakilala kang nagngangalang Sir Gaston sa Thousand Miles Conglomerate? Kamakailan lang ay pumirma siya ng kontrata sa kumpanya ng aking asawa, ang Assex Constructions. Sa piging, nakita ko siyang binabastos ang aking asawa at niyayang matulog kasama siya.” “Anak ng p*ta!” Nagalit si Lord Lex Gunther. “Nasangkot si Lady Dorothy?! Parang pinirmahan niya na rin ang parusang kamatayan, anong buong pangalan niya?” “Hindi ko alam. Sir Gaston lang ang alam ko. Wala ka bang kakilalang nagtataglay ng gayong ngalan?” “Wala akong naalala na may apelyidong Gaston, ngunit susuriin ko ito agad. Malalaman ko ang puno’t dulo nito bukas. “Sige, hihintayin ko ang iyong balita.” Tumango si Alex, at sinabi niya, “Oo nga pala, tungkol sa katotohanang ang aking ama ang nagtatag ng Thousand Miles Conglomerate, huwag mo itong isapubliko. Panatilihin mo ito bilang lihim at huminto ka na sa pagtawag sa’kin bilang master simula ngayon, sapat na ang Mr. Alex.” Natigilan si Lord Lex Gunther, pagkatapos ay tumango. “Masusunod po, maaring mapanatili nito ang inyong kaligtasan. Madaming kaaway ang Thousand Miles Conglomerate. Nangangamba po akong mapapahamak kayo ni Lady Dorothy. Tatawagin po kita bilang Mr. Alex kapag nasa labas po tayo.” Nanlilisik ang mga mata ni Alex. Hindi niya ‘yon naisip bago pa man. Kung tutuusin, kailangan niyang subukan magpanatili ng low profile. Sikat ang pangalan ni Lord Lex Gunther bilang pinakamahusay na gang leader sa California. Malamang ay namumuhay siyang nakikipag-away kaliwa’t kanan. Malamang marami rin siyang adbersaryo. Pagkatapos noon, may inilabas na panibagong kard si Lord Lex Gunther. “Ito po ang Supreme VIP card ng Thousand Miles Conglomerate. Lahat po ng mga gastusin sa lahat ng subsidiary ay hindi na kailangang bayaran pa. Kunin po ninyo ito, magiging mas madali po ang buhay ninyo at maari nitong itago ang inyong pagkakilanlan.” “Sige! Aalis na ako!” sabi ni Alex. “Master, hayaan po ninyo akong ihatid kayo pauwi, sa Assex residence po ba?” sagot ni Lord Lex. “Hmm...” nag-isip si Alex. Paniguradong hindi na siya makakapasok sa Assex residence dahil ang kanyang biyenan ay maaring pugutan siya ng ulo. “Ihatid mo ako sa hotel, kahit saang hotel.” “Sa Golden Age of Youth Hotel!” bulalas ni Lord Lex. “Doon ba talaga kailangan?” tanong ni Alex. Iyon ang pinakamahal at pinakamagarbong hotel sa California. Ngumiti si Lord Lex Gunther at sinabi, “Master, pagmamay-ari rin po ninyo iyon!”

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.