Webfic
Open the Webfic App to read more wonderful content

Kabanata 5

Bumalik si Alex sa villa ng pamilya Assex na para bang isa siyang zombie. Kahit na tinawag itong isang villa, isa lamang itong maliit na bahay. Matapos gibain ang lumang family home, isang three-storey building ang itinayo mula diro. Malayo ito sa isang tunay na villa. Tumingin si Alex at nakitang nakabukas ang ilaw ng kwarto ni Dorothy. ‘Nasa bahay ba si Dorothy?’ Nagtatakang tanong ni Alex sa sarili. ‘Hindi pala niya kasama si Spark?’ Sa sandaling mapagtanto niya iyon, para bang nabunutan siya ng tinik sa kanyang dibdib. Nakakita siya ng pag-asa at napagtantong hindi pwedeng pagkatiwalaan ang mga salita ni Madame Claire. Mapanlinlang siya. Gusto niyang gumawa ng mga bagay-bagay para tuparin lamang ang mga pantasya sa kanyang isip. Sumugod si Alex sa pintuan papasok sa villa. Nakita niya si Madame Claire sa sala, may ka-video call habang naglalagay ng nail polish sa mga daliri ng paa niyang nakataas sa hangin. Masaya siyang humuhuni. Labis na nag-alala ni Alex, nang makitanng natutuwa si Madame Claire muling ikakasal ang anak niya. Nakalimutan na niya ang lahat ng tungkol sa mga banta mula kay Gaston Gates. Nang makita si Alex, napatalon si Madame Claire sa sofa at sinabi, "Sinong nagpasok sa taong ito? Malakas pa rin ang loob mong bumalik dito? Hihiwalayan mo na si Dorothy bukas. Layas!" Hindi pinansin ni Alex ang kanyang mga komento at mabilis na sumugod sa hagdan. Nais niyang siguraduhing nasa kanyang kwarto si Dorothy. Desidido siyang huwag mawala sa piling niya. Sinubukan ni Alex na buksan ang pinto, ngunit naka-lock ito. Kumatok siya nang malakas sa pintuan at nagmakaawa, “Dorothy, pakibuksan mo sana ang pinto. Alam kong nandiyan ka. May importante akong sasabihin sa iyo." Sinundan ni Madame Claire si Alex nang nakayapak at sumigaw, “Basura kang tao, lumayas ka sa pamamahay namin. Sinong nagbigay sa iyo ng permisong umakyat dito? Sa tingin mo may karapatan kang pumunta dito?” "Dapat kong makita si Dorothy," sinabi ni Alex na may matigas na tinig. "Hindi ba sinabi ko sa iyong nagpalipas siya ng magdamag kasama si Spark? Baka mabuntis na siya sa anak niya. Tumigil ka sa pagiging pabigat sa anak ko at sa aming pamilya. Kung pipigilan mo ang anak kong magpakasal kay Spark, sasaktan kita!” Sabi ni Madame Claire. Umungol ni Alex. Kung alam ng kanyang supladang mother-in-law ngayon na meron siyang sampung bilyong dolyar sa bangko at isang trilyong dolyar na empire, anong mararamdaman niya? Subalit, nagpasya siyang hindi pa ito ang tamang oras para sabihin ito sa kanya. Sa tamang panahon, ipapaalam niya sa kanya ang kanyang bagong kayamanan at impluwensya! Biglang bumukas ang pintuan ng kwarto ni Dorothy. Nasa pintuan si Dorothy at sinabi, “Mom, pwede bang mag-ingat ka sa sinasabi mo? Kahit na wala kang kahihiyan, meron ko! Sinong nagpapalipas ng gabi kasama si Spark? Hindi pa ako diboysyada. Kung kumalat ang balitang iyan, may mukha pa ba akong ihaharap?" Habang nagsasalita siya, dahan-dahang lumabas ng kwarto si Dorothy. Napatingin siya kay Alex nang hindi nagpapakita ng emosyon sa mukha niya. Mabilis na sumingit si Madame Claire nang makita niyang hindi mapakali si Dorothy, "Sinasabi ko lang sa kanya para sumuko siya at hindi na tayo guluhin pa." Gumaan ang loob ni Alex nang malaman niyang hindi pa siya huli. Habang may ngiti sa kanyang mukha, nanigurado siya kay Dorothy, "Darling, natutuwa akong hindi ka nagpalipas ng gabi kasama si Spark." Napuno siya ng pag-asa. Pakiramdam niya ay para siyang brand-new na tao, na may kapangyarihanng protektahan ang mga mahal niya. Naisip ni Alex sa sarili, ‘My darling Dorothy! Hindi ka sumuko sa akin at marami kang tiniis para sa akin sa nagdaang sampung buwan. Pwede kang umasa sa akin habambuhay.' Habang hindi maintindihan ang kahulugan sa likod ng ngiti ni Alex, nadismaya si Dorothy at nagalit. Paanong nakangiti siya pagkatapos ng nangyari? Nasiraan na ba talaga siya ng isip?! Galit niyang sinabi, "Anong ngini-ngiti mo? Kahit na hindi ko siya kasama ngayon, baka gawin ko iyon bukas. Masaya ka ba doon?" Agad na nagbago ang facial expression ni Alex. Umiling siya at sinabi, "Hindi, hindi iyon ang ibig kong sabihin. Gusto ko lang ipaalam sa iyo na hindi na ako ang taong nakasanayan mo! Inaamin kong nawala ako sa sarili sa nagdaang sampung buwan. Sa ngayon, kailangan kong humingi ng tawad at salamat din sa hindi mo pagsuko sa akin. Sa wakas, kaya ko nang tumayo sa sarili kong mga paa, kaya na kitang ipagtanggol. Ang Gaston na iyon mula sa Thousand Miles Conglomerate ay wala lang sa harap ko. Ipaghihiganti kita. Simula ngayon, wala nang manggugulo sa iyo..." Habang masiglang nagsasalita ni Alex, sinampal siya ni Madame Claire. "Nananaginip ka ba?" tanong ni Madame Claire, "Patay na ba ang utak mo? Nabaliw ka na siguro. Bakit hindi mo na lang sabihin sa amin na pagmamay-ari mo ang Thousand Miles Conglomerate? Lumayas ka na sa bahay namin ngayon bago mo pa kami mahawa sa kabaliwan mo!" Napatingin si Alex kay Madame Claire. Nais niyang sabihin sa kanya na siya talaga ang nagmamay-ari ng Thousand Miles Conglomerate. Subalit, kahit sabihin niya ito, walang maniniwala sa kanya, tulad ng inakala ni Dorothy na nabaliw na siya nang sabihin niya sa kanyang mayroon siyang sampung bilyong dolyar. Talagang mahirap para sa sinuman, kahit sa sarili niya, na maniwalang totoo iyon. Huminga siya ng malalim at sinabing, “Dorothy, bigyan mo lang ako isang araw. Magtiwala ka sa akin. Kaya kong asikasuhin ang lahat. Ako... Natagpuan ko ang isang kaibigan ng aking ama na handang tumulong sa akin. Ang kalahating milyong dolyar na ibinigay mo sa akin, galing ba iyon kay Spark? Babayaran ko siya ngayon." Tumalikod si Alex at gusto nang hanapin si Spark matapos siyang magsalita. "Sandali!" Sinabi ni Dorothy, "Huwag kang pumunta!" Sagot si Alex, "Dorothy, nakikiusap ako sa iyo, magtiwala ka lang sa akin kahit ngayon lang. Huwag kang papayag sa proposal ni Spark. Isang araw lang ang kailangan ko. Hayaan mong patunayan ko ito sa iyo! Kung mabibigo ako, papayag ako sa diborsyo! Hindi ko kailangan ng kalahating milyong dolyar galingk kay Spark." Nakatingin lang sa kanya si Dorothy nang walang emosyon. Pakiramdam niya ay iba na siyang tao. Bumuntong hininga siya at sinabi, “Hindi ko tinanggap ang pera ni Spark. Binenta ko ang wedding ring ko." "Anong sinabi mo?" Halos mahimatay si Alex nang malaman niyang ipinagbili ni Dorothy ang wedding ring na pareho nilang pinili, ngunit gumaan ang pakiramdam niya nang malamang hindi galing ang pera kay Spark. Tanong niya, "Kanino mo iyon binenta? Bibilhin ko iyon ngayon din." Umiling si Dorothy at sinabi, “Binenta ko iyon sa kalahating milyong dolyar, ngunit kung gusto mong bilhin iyon ulit, baka gumastos ka ng higit sa isang milyong dolyar. Kahit na hindi mo gamitin ang pera para sa mga medical bills ng iyong ina, imposibleng magagawa mong bilhin iyon ulit. Siguro nakatadha nang matapos ang buhay at kasal natin. Gumising ka na sana Alex tumigil ka nang mangarap! Sana’y mabuhay ka ng maayos nang wala ako.” Nang matapos magsalita si Dorothy, tumalikod siya at sinara ang pinto. Tulumo ang luha sa kanyang pisngi. Sinabi ni Alex, "Hindi, hindi ako papayag na mangyari iyan. Kanino mo iyon binenta? Bibilhin ko agad iyon! Kahit na gagastos ako ng isang daang milyong dolyar, bibilhin ko pa rin iyon. Huwag kang mag-alala, hindi ko hahayaang matapos ang pagsasama natin." “Sa L.G. Balfour!" Sagot ni Dorothy mula sa likod ng pintuan. "Sige! Maghintay ka sa akin!” Excited na sigaw ni Alex. Umiling si Dorothy at inisip sa sarili, “Malamang ay nabaliw na ang taong ito. Talaga bang iniisip niyang mayroon siyang isang daang milyong dolyar?” Tinaboy ni Madame Claire si Alex palabas ng kanilang bahay. "Rockefeller, sinasabi ko sa iyo ngayon, makipaghiwalay ka kay Dorothy bukas! Kung maglalakas-loob kang humarang sa pagpapakasal ni Dorothy kay Spark, lagot ka sa akin!" Huminga nang malalim si Alex at mabilis na pumunta sa L.G. Balfour. Ang L.G. Balfour ang nangungunang jewelry store sa California. Nag-iisa lang ang store nila sa California, kaya't madali itong hanapin. Alas-siete y medya na ng marating ni Alex ang store. Mabuti at hindi pa nagsara ang store dahil meron pang ilang mga customer na nagtitingin pa rin sa loob. Napakalaki ng store, na may kabuuang tatlong palapag. Naka-stock dito ang lahat ng mga klase ng mamahaling at eksklusibong alahas. Mahirap tantyahin ang kabuuang halaga ng lahat ng mga alahas nila. Nangunguna rin ang pinapatupad na seguridad sa loob ng store. Nais ni Alex na maghanap ng store assistant, ngunit nakasalubong niya ang isang pamilyar na mukha. Ito ang nurse na nagmula sa ospital—ang dati niyang kasintahang si Chloe. Nagulat si Chloe nang makita siya at agad na lumapit sa kanya at sinabi na may mapaglarong tono, “Naku, nakatapak ba ko ba ngayon ang tae aso? Bakit ang malas ko ngayon at nakasalubong kita ulit? Anong ginagawa mo dito? Hindi mo kayang bayaran ang mga alahas dito!" Hindi nakasuot si Chloe sa kanyang nurse uniform at nakasuot ng tight dress na nagpapakita ng kanyang nakaka-akit na pigura. Kasama niya ang isang napakatabang lalaking naka-suit at leather na sapatos, at nakabitin siya na para bang bahagi siya ng katawan nito. Sumagot si Alex, "Wala kang pakialam!" Ngumisi si Chloe. "Huwag mong kalimutan ang kinailangang gawin ng iyong asawa para makakuha lang ang pera para sa operasyon ng iyong ina. Huwag mong sabihin sa akin na gagamitin mo ang pera para bilhan siya ng regalo? Dapat umuwi ka na lang! Hindi ito lugar na tumatanggap sa ang isang pulubing katulad mo." Galit na sagot ni Alex, “Hindi mo maiisip kung magkano ang perang meron ako. Maniniwala ka bang mabibili ko ito ngayon?" nakaturo siya sa kwintas sa billboard, na pinangalanang ‘Love in a Fallen City’, na may price tag na tatlumpung milyong dolyar. Tumawa ng malakas si Chloe at sinabi, “Nananaginip ka ba nang gising? Kung kaya mong bilhin iyan, luluhod ako at dilaan ang mga paa mo!”

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.