Webfic
Open the Webfic App to read more wonderful content

Kabanata 10

Pagkatapos ibigay ang kaniyang mahaba at masigla niyang paliwanag, tumingin si Grayson kay Ginoong Ares nang may isang nagmamalaki at may inaasahang tingin. Nang maisip niya na pupuriin na siya ni Jay sa kaniyang katalinuhan, bigla siyang binigyan ni Jay ng tingin na puno ng patalim. “OCD? Autism?” Kalmado ang tono ni Jay ngunit tiyak na mayroong nakatagong galit dito. Nagsimulang magpawis ang noo ni Grayson. Kinagat ni Grayson ang kaniyang dila. Kahit na si Master Jenson ay isang makulit na bata, siya pa rin ay ang minamahal na anak ni Ginoong Ares. Ang nag-iisang tao na maaaring husgahan si Master Jenson ay si Ginoong Ares. Kung may sinumang maglakas-loob na pagsalitaan ng masama si Master Jenson, hinuhukay nila ang sarili nilang mga libingan. Kumalaunan, nagsalita si Jay sa isang nakatatakot na boses, “Grayson, mukhang kilalang-kilala mo si Jenson, ah. Paano kung ibigay ko na lang sa’yo ang responsibilidad ng pag-aalaga kay Jenson?” Sa sandaling sabihin iyon ni Jay, napayuko si Grayson at siya ay nagmakaawa. “Ginoong Ares, mayroon akong isang buong pamilya na inaalagaan. Pakiusap, patawarin mo ako. Labing-isang mga drayber na ang nag-resign dahil kay Master Jenson noong nakaraang labing-pitong araw. Ang tatlo sa kanila ay nagkaroon ng alta-presyon at ang dalawa sa kanila ay natagpuang nagkaroon ng sakit sa puso dahil sa pagkabalisa. At sa sobrang pagkabaliw ng lima sa kanila ay hindi na nila mahanap ang daan pauwi. At ang isa pa ay nagkaroon ng schizophrenie dahil sa trauma…” Dinepensahan ni Jay ang kaniyang anak. “Kung hindi na sila malusog noong una pa lamang, ang isang trabaho na mayroong malaking panganib tulad ng pagiging isang drayber malamang ay hindi nararapat sa kanila.” Si Grayson ay basang-basa sa pawis dahil sa kahihiyan. ‘Kahit si Ginoong Ares ay alam na ang maging isang drayber ni Jenson ay isang mapanganib na trabaho,” sabi niya sa kaniyang sarili. Naglakas-loob si Graynson at sinubukang depensahan ang mga drayber, “Ginoong Ares, ang mapanganib na parte ng trabaho ay hindi ang pagmamaneho. Saydang malupit lang si Master Jenson.” “Halimbawa?” Mahinang sabi ni Jay. Palaging masaya si Jay na marinig ang tungkol sa mga kilos ng kaniyang anak. “Tignan mo si Ginoong Zach. Dati pa man ay mayroon na siyang natatagong problema sa presyon ng kaniyang dugo. Isang araw, pinuri ni Ginoong Zach si Master Jenson dahil sa kaniyang katalinuhan, ngunit sumagot si Master Jenson ng, “Hindi kasing talino mo! Nangingintab pa nga ang ulo mo dahil sa talino, eh!” Upang mas madaling maintindihan, si Ginoong Zach ay kalbo. Kaya, nang marinig niya ang mga salita ni Master Jenson, ang presyon ng kaniyang dugo ay tumaas doon. “Pati na rin si Ginoong Lionel. Siya ay mayroong anxiety at ang kaniyang mga mata ay kirat. Nagawang kumbinsihin ni Jenson na siya ay mayroong seryosong problema sa kaniyang muscle sa mga mata. Nagkaroon ng panic attack si Lionel at napunta sa ospital para sa isang emergency na pagamot.” Bahagyang napakunot ang mga kilay ni Jay. ‘Ang matalas na dila na iyon ni Jenson ay talaga ngang mahirap kalabanin.’ Tahimik niyang sinabi. Napa-isip nang malalim si Jay upang isipin kung bakit ganoon ang mga kinilos ni Jenson. Inayos ni Jay ang kaniyang isipan. ‘Dati pa man ay ayaw na ng batang ito sa mga hindi niya kakilala at dati pa man ay palagi siyang nakadepende sa akin.’ Mayroong humila sa mga tali ng puso ni Jay. Napagdesisyunan na niyang gumawa ng mga pag-aayos upang magamot ang matigas na ulo ni Jenson. “Grayson, sundin na ‘tin ang plano mo,” biglang sabi ni Jay. “Maghanap ka ng paraan upang maging tagapangalaga ni Jenson si Rose.” Si Grayson ay tila nahihiya at bumulong, “Pero tumakas na po si Miss Rose. Ang paghanap sa kaniya ngayon ay magiging kasing hirap ng paghahanap sa kaniya noong nakaraang limang taon.” Natawa si Jay. “Oh, nakatakas ba talaga siya?” Nagliwanag ang mga mata ni Grayson nang may mapagtanto siya. Oo nga pala… Binigay ni Miss Rose ang aplikasyon ng kaniyang ina para makapasok sa ospital. Hindi na siya makakatakas pa muli. ‘Mukhang napag-isipan nga ni Ginoong Ares ang lahat.’ ... Sa Splendid Town. Sa sandaling maka-uwi si Rose, dali-dali siyang nagtungo sa banyo upang linisin ang mga senyales ng pang-aabuso. Pagkatapos no’n, siya ay nagpalit ng damit na mayroong mahahabang manggas at pantalon bago lumabas. Nang makita niya ang dalawa niyang anak na nanonood ng palabas sa telebisyon sa study room, hindi niya ito masyadong pinansin. Siya ay nagtungo na lamang sa kusina upang maghanda ng kanilang mga pagkain. Sa study room, ang dalawang bata ay nakahiga sa sahig, nakatitig lamang sa monitor. Pagkatapos manigurado nang patago na nakaalis na si Mommy, agad na inutusan ni Robbie ang kaniyang kapatid, “Bilisan mo at isarado mo ang pinto. Mayroong akong gustong ipakita sa’yo.” Mabilis na nagtungo si Zetty at kinandado ang pinto mula sa loob. Noong tapos na siya, nagmamadali siyang bumalik sa kaniyang kapatid dahil sa pananabik. “Ano’ng gusto mong ipakita sa akin?” Nananabik na tumingin si Zetty Kay Robbie. Inilabas ni Robby ang kanan niyang kamay na nakakuyom nang mahigpit. Nang buksan niya ang kaniyang kamay, mayroong isang klip ng kurbata rito. Walang bahala, nagsalita si Zetty, “Hindi ba’t isang klip lang ito ng kurbata?” “Hindi ito isang ordinaryong klip.” “Para sa ‘kin, isa lamang itong napakamahal na klip.” Naiinis na itinikom ni Zetty ang kaniyang mga labi. Misteryosong nagsalita si Robby, “Malay mo? Ang klip na ito ng kurbata ay nakuha ko mula sa masamang tao na dinakip si Mommy. Isa itong ebidensya. Maaari na ‘ting gamitin ang klip na ito upang mahanap ang kriminal na nagdakip kay Mommy.” Napatingin sa mangha si Zetty sa kaniyang kapatid na lalaki. “Kapag ba nahanap na ‘tin ang masamang tao na iyon, maipaghihiganti na na ‘tin si Mommy?” Nagliwanag ang mga mata ni Robbie sa galit. “Siyempre. Malaki na ako. Bilang isang binata, nangako akong protektahan kayong dalawa ni Mommy habang-buhay.” Kinuha ni Zetty ang klip at inangat ito upang obserbahan. “Paano na’tin mahahanap ang may-ari ng kliip na ito?” Napangiti si Robbie. “Tignan mo ang mga salitang nasa klip.” Binaligtad ni Zetty ang klip at nakita ang mga naka-ukit na mga salita sa klip. “Jay Ares!” Binasa ni Zetty ang pangalan nang malakas. Nilakasan ni Robbie ang tunog ng video na kanilang pinapanood ngunit ito ay nasa sulok lamang ng monitor. Binuksan niya ang internet browser at hinanap sa internet ang pangalang “Jay Ares”. “Sabi na, eh. Ang masamang tao na nasa tambayan ng presidente ng Grand Aisa Hospital ay isang makapangyarihan na tao. Tignan mo, Zetty. Ang taong iyon ay ang presidente ng Grand Asia Hospital… Whoa, ang laki ng net worth niya.” Naghanap si Robbie sa Baidu Baike na pahina ni Jay. Napadaing siya, “Mukhang wala siyang litrato dito.” Nagsalita si Zetty, “Ang mga masasamang tao tulad niya ay walang lakas ng loob na ipost ang kanilang litrato.” Biglang napangiti nang masama si Robbie. “Hmph. Ang lakas ng loob mong saktan si Mommy. Mag-intay ka lang, mararanasan mo ang galit ko.” Pagkatapos ng ilang sandali ng pagpipindot, natapos na ni Robbie ang kaniyang ginagawa. Ginamit niya ang kaniyang hacker pseudonym--Master Robbie--upang makapasok sa network ng Grand Asia Hospital kung saan pinakialaman niya ang network security key. Iniba niya ang eleganteng web page ng Grand Asia at naging isang pahina na tila isang paghahamon na nagsasabing: “Jay Ares, ang lakas ng loob mong gawan ng masama ang magagandang mga babae? Ipakita mo ang mukha mo nang magkaroon tayo ng patas na laban, lalaki sa lalaki! Kung kaya mong talunin ang hamon ko, buti naman. Oo nga pala, nabanggit ko bang limang taong gulang na ako…” Nang matapos na siya, pinatay ni Robbie ang computer at ang dalawang maliliit na “matatanda” ang lumabas upang magtanghalian na para bang walang nangyari. Pagkatapos na pagkatapos no’n, ang mga tao sa Grand Asia ay natuklasan ang pagbabago sa network. Agad nilang sinabihan si Jay. “Ginoong Ares, masamang balita! Ang network na ‘tin ay napasok ng mga hacker!”

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.