Webfic
Open the Webfic App to read more wonderful content

Kabanata 11

Sa sandaling matanggap ni Jay ang balita, binuksan niya ang homepage ng Grand Asia Hospital. Nang makita niya ang hamon, ang kaniyang mga mata ay tila kayang pumatay ng tao. “Master Robbie?” Nanliit ang mga mata ni Jay at ang kaniyang mga labi ay naging manipis. “Hehe. Naging masyadong mabait ba ako? Iyon ba ang dahilan kung bakit hindi pa rin takot ang mga taong maghukay ng sarili nilang mga libingan?” Ang silid ay tila lumamig at ang lahat ng tao na naroon ay pinigil ang kanilang paghinga. Lahat sila ay natatakot na sila ang susunod na maging biktima ng galit ng presidente. ‘Masyadong mabait? Sino, si Ginoong Ares? Sino’ng magsasabi no’n,’ Sabi ni Grayson sa kaniyang isipan. ‘Lahat ng tao rito ay sumasang-ayon na siya ang muling pagkabuhay ng Hari ng Impyerno. Walang sinuman ang maglalakas-loob na hawakan kahit ang isang hibla ng kaniyang buhok!’ Siyempre, hindi kasama roon si Rose. Ang mapagmataas, at malamig na mga mata ni Jay ay napunta sa pagitan ni Grayson at ng monitor. “Nalaman niyo ba kung sino ang Master Robbie na ito?” Yumuko si Grayson. Nahihiya niyang sinabi, “Ang ating network department ay pinatawag ang pinakamagagaling na‘ting mga hacker ngunit hindi pa rin na‘tin nagagawang makapasok sa firewall ng hacker na iyon. Sa kasalukuyan ay wala kaming nakuhang anumang impormasyon tungkol sa Master Robbie na ito.” Ang gwapong mukha ni Jay ay nagdilim. Malamig niyang sinabi, “Bibigyan kita ng dalawang pagpipilian. Hahanapin mo ang taong ito nang mag-isa o hihingi ka ng tulong mula kay Jenson.” ‘Si Jenson?’ Nanginig si Grayson nang marinig niya ang pangalan ni Master Jenson. Namana nga ni Master Jenson ang mga talento ni Ginoong Ares at, kasama ang kaniyang matinding pagsasanay simula noong sanggol pa lamang siya, si Master Jenson ang tinataguriang pinakamahusay na hacker sa mundo ng mga hacker. Ngunit ang humingi ng tulong sa kaniya? Imposibleng maiwasan ang matalas niyang dila. Kailangan pag asahan ni Grayson ang pamatay na pang-uuyam ng bata at iba pang mga surpresa. Ang mga mata ni Grayson ay napunta sa payat na mga daliri ni Ginoong Ares. Iniisip niya kung maaari niyang tanungin kay Ginoong Ares na siya na lamang mismo ang humingi ng tulong kay Jenson para sa kaniya. Kung personal na tatanungin ng presidente ang kaniyang anak, ang lahat ng ito ay matatapos sa loob lamang ng ilang minuto. “Ginoong Ares, paano kaya kung bumalik ka--” Bago pa man matapos ni Grayson ang kaniyang pangungusap, sumimangot si Jay sa inis, “Mukha bang nasa akin ang lahat ng oras sa mundo?” Malamig na tumitig si Jay kay Grayson, ang kaniyang tingin ay kasing talim ng isang kutsilyo. “Labas.” Pinunasan ni Grayson ang malamig niyang pawis at umalis sa opisina ni Ginoong Ares. Nang bumalik si Grayson sa Cyber Security Department, seryoso niyang inanunsiyo, “Makinig kayo. Maliban na lamang kung ayaw niyong makasama ang inyong mga minamahal sa buhay sa araw ng mga puso o bagong taon, dapat ay mayroong sa inyong makahanap kung sinuman ang Master Robbie na ito.” Ang lahat ay desperadong bumalik sa pagtatrabaho. Pagkatapos subukan ng lahat sa Cyber Security Department ang firewall ni Master Robbie sa pang-ilang beses na, alam ni Grayson na wala siyang ibang magagawa kung ‘di humingi ng tulong kay Jenson. Sinagot ni Jenson ang telepono ngunit walang sinabi. “Master Jenson, mayroon ka bang ginagawa?” Hindi alam ni Grayson kung paano magsisimula at piniling magpaligoy-ligoy muna. “Mayroon ka bang pabor na hihingin sa akin?” Malamig na tanong ni Jenson. Nabigla si Grayson. Ang talas talaga ni Master Jenson! “Ang Grand Asia ay naatake ng mga hacker. Master Jenson, maaari mo bang ibigay sa amin ang ilan mong oras upang matulungan kaming ibalik ang system?” Walang bahalang sabi ni Jenson, “Naintindihan ko… ngunit hindi.” Napabuntong-hininga si Grayson nang marinig niya ang tunog ng pagpatay ng kabilang linya. Pinatay ni Grayson ang telepono at binalik ang kaniyang tingin sa monitor. Ito ang homepage ng website ng Grand Asia. Ang hacker ay naglagay ng sunod-sunod na mga 2D password na tila nagbibigay-impresyon na ito ay isang biro ng isang bata. Sa sobrang inis ni Grayson ay sumakit ang kaniyang mga bayag. ‘Tunog maka-luma ang pangalang Master Robbie pero ang mga disenyo ay parang ginawa ng isang tatlong taong gulang. Kahit si Jenson ay hindi makakaisip ng ganoong password.’ Naglakas-loob si Grayson at tinawagang muli si Jenson. Sinagot ni Jenson ang telepono nang pagalit. “Ano?” “Yo, Master Jenson! Maaari mo bang tulungan si Tito Gray?” “Babayaran ba ako ng Grand Asia?” Hic! Pakiramdam ni Grayson ay iniwan ng kaniyang kaluluwa ang kaniyang katawan. “Master Jenson, ang Grand Asia ay ang kumpanya ng iyong daddy. Siyempre, gagawin ka niyang tagapagmana sa hinaharap.” “Hindi ako interesado.” “Gayunman, ayaw mo naman siguro makita na may nanloloko sa daddy mo nang ganoon, hindi ba?” Click-- Malungkot na tumingin si Grayson sa telepono. Pinatayan siya ni Jenson, na naman. “Paano ko kaya makukumbinsi ang batang ito?” Naiinis na reklamo ni Grayson. Samantala, sa villa sa City South na umaabot sa kalayuan... Naka-upo si Jenson sa harap ng kaniyang computer, nakatitig sa hamon na nasa website. Ang gwapo niyang mukha ay walang bakas ng emosyon. Gayunpaman, ang mahinang galit na makikita sa kaniyang mga mata ay tila ginawa siyang kamukha ni Jay. Parehong malamig at walang bahala ang ugali. Parehong mukha na walang bakas ng emosyon. ‘Si Daddy ay may ginagawang masama sa magagandang mga babae? Hindi gano’ng klase ng tao si Daddy!’ Walang hirap na nakuha ni Jenson ang pagkakasunod-sunod ng 2D password at sinabing, “Pambata!” Hindi niya lamang naibalik ang normal network ng Grand Asia, ngunit nagawa rin niyang mahanap ang IP Address ng computer ng hacker gamit ang kaunting paghihirap. Ang lokasyon na pinakita nito ay nasa microdistrict ng Splendid Town ng City North. Pagkatapos no’n, pinulot niya ang kaniyang telepono at tinawagan ang kaniyang ama. “‘Yung bayad ko,” maikli niyang sabi. Napansin ni Jay na ang nasirang network ng Grand Asia ay bumalik na sa dati nitong operating mode. “Ano’ng gusto mo?” Kahit kailan ay hindi naging kuripot si Jay sa pagbibigay ng gantimpala sa kaniyang anak. “Si Mommy,” sabi ni Jenson. Hindi talaga maintindihan ni Jay kung bakit nahuhumaling na naman ang kaniyang anak sa kaniyang ina nitong mga nakaraan. ‘Lahat na lang tungkol sa kaniyang mommy. Lego? Mommy. Gantimpala? Mommy. Alam ba ng bata na ito na nagbalik na si Rose?’ Sa huli, sinabi niya, “Kung gusto mong makita ang iyong mommy, kailangan mo munang mangako kay Daddy. Kailangan mong matuto kung paano makihalubilo sa mga tao at kung paano makipag-usap sa kanila. Sa loob ng ilang araw, hahanapan ka ni Daddy ng tagapag-alaga upang paglutuan ka at samahan ka sa bahay. Kung kaya mong makipaghalubilo sa kaniya, pinapangako kong makikita mo si Mommy.”

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.