Webfic
Open the Webfic App to read more wonderful content

Kabanata 9

Pagkatapon no’n ay saka lamang napagtanto ni Jay na ang robot ay ang imahe ng isang magandang dalaga. ‘Namimiss na naman ba ng batang ito ang kaniyang mommmy?’ Naiinis niyang sabi sa kaniyang isipan. “Jenson, gusto mo ba talagang makita ang iyong mommy--” Bulalas ni Jay nang hindi nag-iisip. Nalulumbay na tumayo si Jenson sa hagdan, ang kaniyang maliit na katawan ay tila nalulungkot at hindi mapakali. Lumingon siya upang tumingin kay Jay at malungkot na tumango. Itinikom ni Jay ang kaniyang mga labi. Naisip niya na siya ay maswerte’t hindi pa niya dinadala si Rose sa isang brothel. Kung ‘di, hinding-hindi siya patatawarin ng makasariling ugali ni Jenson kapag nalaman niyang kinakawawa ng kaniyang ama ang kaniyang mommy. Gayunpaman-- Namimiss lamang ni Jenson ang kaniyang mommy bilang isang resulta ng maling desisyon na ginawa ni Jay. Noong nakaraang ilang taon, naniniwala si Jay na hindi pa patay si Rose ngunit ayaw na mabuhay si Jenson sa isang mundo na puno ng galit. Kaya siya ay nagsinungaling na araw-araw pa rin siyang mahal ng kaniyang mommy. Siyempre, sa kaniyang pagkagulat kanina lamang, si Rose ay buhay na buhay pa rin pala. Habang nag-iisip si Jay kung dadalhin ba niya si Jenson kay Rose, biglang tumunog ang kaniyang telepono. Sa kabilang linya ay ang kaniyang assistant, si Grayson, na tila lubos na nababahala. “Ginoong Ares… Nakatakas si Rose.” “Ano?” Ang gwapong mukha ni Jay ay tila pumangit. “Pupunta agad ako diyan.” Nang hindi man lang kumakain ng tanghalian, pinatay ni Jay ang telepono at umalis ng bahay. Si Lolo at lola ay tumingin sa kanilang anak na pabalik-balik ng lakad na parang isang bubuyog. Kahit paano, sila ay naaawa sa kaniya. Ang dalawang matanda ay tumingin kay Jenson, ang sanhi ng pagkabahala ng kanilang anak. “Jenson, tignan mo kung gaanong napagod ang iyong daddy dahil sa’yo. Paano kung sina lolo’t lola na lamang ang gagawa ng tanghalian mo sa susunod?” “Ayoko, hindi masarap.” Pumasok si Jenson sa kaniyang silid at isinara ang pinto. Kumuha si Lola ng isang spatula at iwinagayway ito kay Jenson. “Jenson, ikaw bata ka! Sino’ng nagturo sa ‘yo na maging ganito? Hindi ito nakakatuwa.” Napabuntong-hininga nang mahina si Josephine, “Ang kaniyang daddy.” ... Nagtungo si Jay sa ospital sa bilis ng kaniyang makakaya. Nang makapunta siya sa VIP section sa ikasiyam na palapag, ang fingerprint lock sa pinto ay maayos pa ngunit nakabukas ang pinto. Ang matigas na mukha ni Jay ay puno ng gulat. Kakaiba ang fingerprint lock na iyon, iba mula sa lahat ng ibang klase na nabebenta sa paligid. Wala itong password system at hindi nagbibigay ng pagkakataon para sa mga potensyal na pwersahang pagpasok. Ang tanging paraan para mabuksan ito ay ang makakuha ng tamang fingerprint sa unang subok. Tanging kaniya at kay Jenson na mga fingerprint lamang ang nakarehistro para sa kandado. “May nakita ka bang kung ano sa surveillance camera?” Agad na naisip ni Jay ang iba pang mga pag-iingat nila sa gusali. Napayuko si Grayson at sinabi, “Ginoong Ares, ang storage ng surveillance system ay mayroong nagwasak.” Nanlaki ang mga mata ni Jay. Ang surveillance system ng Grand Asia ay tagong-tago at ang storage system ay mayroong maraming nakapatong na pag-iingat dito. Paano nabuksan ng hindi makilalang katulong ni Rose ang kaniyang surveillance system sa ganoon kaikling oras lamang? Isa bang propesyonal ang taong iyon? “Sino ang nagbabantay sa harap noon?” Nang wala ang surveillance system, ang nag-iisang bagay na naiisip ni Jay ay ang mga nakasaksi. Kalaunan, ang payat na nurse sa reception ay dinala kay Jay. Umupo si Jay sa upuan at kinunot ang kaniyang magagandang mga kilay. Mula sa gilid, umubo si Grayson at nagtanong nang may tono ng pag-uutos, “Ikaw ay kinakailangan na magkaroon ng napakahusay na memorya upang makapagtrabaho sa Grand Asia. Ngayon, bibigyan kita ng maliit na pagsubok. Simula noong 11 ng tanghali, sinu-sino ang mga pumasok sa ospital?” Iyon ang unang pagkakataon na natawag ang nurse upang makita ang presidente nang personal, siya ay bahagyang kinakabahan at nauutal. “Ginoong Ares, ang lahat ng taong pumasok kaninang tanghali ay ang mga kapamilya ng mga pasyente, sila ay… Sa Ward 808… Ward 704… Ward 706… Ward 503…” Sinubukan ng nurse ang kaniyang makakaya upang hanapin sa kaniyang isipan ang bawat detalye ng bawat bisita. Gayunpaman, siya ay pinigilan ni Jay. “Lagpasan mo na ang mga pamilya ng mga pasente na nakita mo na dati. May mga bagong bisita ba?” Kinamot ng nurse ang kaniyang noo at nag-isip nang maigi, ngunit sa huli ay umiling. “Nakita ko na silang lahat dati.” Naguluhan si Grayson. Tinanong niya, “Paano iyon naging posible? Maliban na lang kung si Batman iyon na pumasok sa bintana?” Napakunot din ang mga kilay ni Jay. Pagkatapos ng ilang sandali, mayroong naalala ang nurse at biglang napasabi, “Oo nga pala…” Napatingin ang lahat sa kaniya. Nahihiyang ngumiti ang nurse, “Ay hindi, hindi siguro siya iyon.” “Sino?” Napakunot ang noo ni Jay. Nag-alinlangan muna nang ilang sandali ang nurse bago niya sabihin, “Si Master Jenson!” Napanganga si Grayson. “Ang ibig mong sabihin ay nagtungo si Master Jenson sa VIP floor?” Tumango ang maliit na nurse. “Kailan?” Tanong ni Jay. “Mga 11:10 ng tanghali,” sigurado niyang sinabi. Pagkatapos magulat, unti-unting kumalma si Jay. Kahit na mayroon lamang kaunting oras si Jenson upang gawin ang sinabi ng nurse, iyon lamang ang nag-iisang paliwanag para sa pagbukas ng fingerprint lock. Unti-unting napupuno si Jay, nakakaramdam siya ng pagtataksil. Nakita ni Grayson ang nangyayari at dali-daling pinalabas ang iba sa opisina. Si Ginoong Ares ay napagtaksilan ng isang katulong ng kaniyang asawa at anak. Walang nakakaalam kung gaano siguro kasama ang kaniyang nararamdaman. Wham! Hinampas ni Jay ang kaniyang kamao sa mesa at pagalit na sinabi, “Rose, siguro nga ay minaliit kita. Hindi ako makapaniwala na nagawa mong patalikurin ang anak ko sa akin sa sandaling yumapak ka sa bansang ito. Mukhang sinama mo pa si Jenson.” Maingat na binigyan ni Grayson ng isang tasas ng kape ang presidente. Sinabi niya nang may nanginginig na boses, “Ginoong Ares, kung nagkakausap na si Master Jenson at Rose, bakit hindi mo na lang sila hayaang magkita?” Tumaas ang mga kilay ni Jay at tumingin kay Grayson habang siya ay nagsasalita, mahinang hinahampas ang kaniyang mga daliri sa mesa. “Ipagpatuloy mo.” Naginhawaan, nagpatuloy si Grayson, “Ginoong Ares, ayon sa mga nakaraan kong karanasan, ang sinumang babae na sinusubukang lapitan si Master Jenson ay laging nagiging miserable. Alam na alam mo ang kakayahan ni Master Jenson na gawing impyerno ang buhay ng isang tao. “Si Binibining Rose ay isang probinsyana lang naman. Kung gagawin mong tagapag-alaga ng bata si Miss Rose sa bahay, sa OCD at autism ni Master Jenson, sigurado akong hindi magtatagal na ang magandang imahe ni Jenson ng kaniyang perpektong mommy ay mawawasak na. “Sa kabilang banda, si Miss Rose malamang ay makukulitan nang todo kay Master Jenson! Malay mo, baka hindi mo na kailangan pang paalisin siya bago siya magmakaawa sa’yo na paalisin siya!”

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.