Webfic
Open the Webfic App to read more wonderful content

Kabanata 3

Samantala, nagsasagawa ang Lisbon family ng engagement party sa bahay nila. Inimbitahan nila ang lahat ng mga kaibigan at pamilya nila, na lahat ay mga maimpluwensya at mayamang tao. Nang dumating si Sebastian, “Pasensya na at hindi kita nasalubong nang maayos pagkatapos ng mahabang biyahe mo, Mr. Wilder. Kumusta ang mentor mo?” Ito ang pangunahing inaalala ni clement. Ang mentor ni Sebastian ang nagligtas sa kanya mula sa matinding sakit niya labinlimang taon ang nakaraan. Salamat sa mentor niya, pumayag si Clement na ipagkasundo ang nag-iisang anak na babae niya kay Sebastian. “Sa kasamaang palad ay pumanaw na ang mentor ko.” Mukhang nalungkot si Sebastian. Inampon siya ng mentor niya sa edad na pito pagkatapos mamatay ang mga magulang niya sa murang edad. Tinuro sa kanya ng mentor niya ang lahat ng klase ng bagay at naging pinakamalapit na pamilya niya. Sa kasamaang palad, pumanaw siya ilang araw ang nagdaan. “Pumanaw? Sayang naman,” sabi ni Clement. Pagkatapos ay tinanong niya si Sebastian, “Gaano pala karami ang natutunan mo sa mentor mo?” “Sa kasamaang palad, kakaunti lang ang natutunan ko. Ang mentor ko ang tunay na henyo sa pagitan naming dalawa.” Napakamapagpakumbaba ng sagot ni Sebastian sa tanong ni Clement. Natutunan na niya talaga ang halos lahat ng sining ng mentor niya at nalampasan niya pa ang mentor niya sa ilang bahagi nito. “Kaunti lang? Ano palang ginagawa mo rito?” Tanong ni Clement nang may dumidilim na ekspresyon. Bumaliktad ang pakikitungo niya sa kanya. Ang mentor ni Sebastian ang gusto niyang kaibiganin. Kung walang halos natutunan si Sebastian mula sa mentor niya, anong halaga niya para kay Clement? “Nandito ako para tuparin ang engagement,” sabi ni Sebastian at binunot ang pirmadong kontrata. “Saang eskinita nanggaling ang payatot na'to? Akala ba niya nababagay siyang pakasalan ni Ms. Lisbon dahil lang sa isang walang kwentang kontrata? Kalokohan!” “Oo nga! Sa tingin ba niya kayang pakasalan ng isang taong kagaya niya si Ms. Lisbon? Managinip ka na lang!” “Lumayas ka rito!” Nagsimulang sigawan ng mga panauhin si Sebastian dahil lang sa napakasimple ng kasuotan niya ngayon. Mayaman ang Lisbon family, at si Maria ay isang magandang dalaga. Masyadong gusgusing tignan si Sebastian kumpara sa kanya. Dumating ang lahat ng panauhin rito para ibigay kay Maria ang mga pagbati nila dahil ngayon ang engagement party niya. Napakasama na ngayon ng ekspresyon ni Clement. Hindi niya nakalimutan ng tungkol sa engagement ni Maria kay Sebastian, ngunit napakaraming taon na ang lumipas nang walang nakita mula sa mentor ni Sebastian. Inisip ni Clement na nakalimutan na ito ng mentor ni Sebastian o hindi na niya ito gustong ituloy, kung kaya't plinano niyang ipakasal ang anak niya sa ibang tao. Nakakagulat ang biglang pagdating ni Sebastian, ngunit mas naging kampante si Clement na tama ang desisyon niya pagkatapos marinig ang pagkamatay ng mentor ni Sebastian. “Kahit na engaged na kayo ni Maria, akala ko nagpasya na kayo ng mentor mo na hindi ito ituloy dahil ang tagal na simula nang mabalitaan ko kayo. Kaya itigil na lang natin ang engagement,” malamig na sabi ni Clement. Ngumiti si Sebastian. “Kung wala ang mentor ko, namatay ka na labinlimang taon ang nakaraan. Pero ngayon tinatapos mo ang engagement? Wala ka bang puso?” “Ang kapal ng mukha mo!” Galit na sigaw ni Clement. “Pababayaan kita ngayon para sa mentor mo, pero wag mong sabihing hindi kita binalaan kapag ginamit mo ulit ako sa susunod!” Biglang lumapit ang isang babae at mataray na nagsabi, “Bakit ko pakakasalan ang isang gusgusing probinsyanong kagaya mo? Umalis ka na. Nakikita pa lang kita sumasakit na ang ulo ko.” Siya si Maria Lisbon, kang maganda at maalindog na babae. Kahit ganun, hindi siya maikukumpara kay Lillian. Isang binata ang naglalakad kasama ni Maria. Hinila niya siya sa mga bisig niya at nagsabing, “Tyler Cadwell ang pangalan ko, ang nag-iisang tagapagmana ng Cadwell family at ng Cadwell Corporation. Gaano ba katanga ang isang pagaling kagaya mo para subukang agawin sa'kin si Maria?” “Dalian mo at umalis ka na bago ko sabihan ang mga tao ko na turuan ka ng leksyon!” Namumuhing sigaw ni Maria. Siya ang nag-iisang anak ng pamilya niya, kaya imposibleng papakasalan niya ang isang patapon na kagaya ni Sebastian. Si Tyler ang pinakamamahal niya! Sarkastikong ngumisi si Sebastian habang tinitigan niya ang nandidiring mukha ng mga tao sa paligid. “Inutusan akong mentor ko na pababain ang buhay mo nang sampung taon bago siya namatay, Clement Lisbon. Pero ngayon, mukhang hindi ko na kailangang gawin iyon.” “Ang lusog-lusog ko kaya hindi na yan kailangan,” singhal ni Clement. “Ano pang ginagawa mo rito? Di ba sinabi ko na sa'yong umalis ka na?” Tanong ni Maria. Pagkatapos ay inutusan niya ang mga bodyguard, “Turuan niyo siya ng leksyon!” Hindi hahayaan ni Maria na may manira sa engagement party niya ngayong araw. Kaagad na lumapit ang ilang bodyguards na handang bugbugin si Sebastian. “Tama na yan!” Sigaw n Clement at natigilan ang mga bodyguard. Hindi na niya gustong gumawa pa ng drama ngayon lalo na't nagpapatuloy pa ang engagement party. Pagkatapos ay nagsulat siya ng isang milyong dolyar na tseke at unitsa ito kay Sebastian. “Heto ang isang milyon bilang kompensasyon. Ngayon, umalis ka na!” “Hindi kikita nang ganito kalaking halaga ang isang patapong kagaya mo sa buong buhay mo, kaya kunin mo na lang iyan at lumayas ka na! Iwan mo na rin ang engagement contract!” Singhal ni Maria. Hindi man lang tumingin si Sebastian para tignan ito. Sabi niya kay Clement, “Kung ganun ito pala ang halaga ng labinlimang taon ng buhay mo? Isang milyong dolyar? Parang ang liit naman?” Sumigaw si Clement, “Umayos ka, bata! Kahit pabrika ay di ka kukunin! Kung di ka umalis ngayon, hindi ka na makakakuha ng ganito kalaking pera kahit kailan!” Humakbang paharap si Maria ay inagaw ang engagement contract mula sa mga kamay ni Sebastian. Pinagpupunit niya ito. Hindi siya pinigilan ni Sebastian. Sa halip, ngimisi siya at nagsabing, “Sana wala sa inyo ang magsisi sa desisyon niyo. Sana wala rin sa inyong mga Lisbon ang magtangkang magmakaawa sa'kin para tulungan sila sa hinaharap.” “Magmakaawa sa'yo? Baliw ka ba? Isa kaming makapangyarihang pamilya na mas lalo pang having ngayong kasama na namin ang Cadwell family. “Bakit magmamakaawa kaming mga nakatataas sa isang alikabok na kagaya mo?” Umalingawngaw ang tawanan sa madla at inisip nilang tanga si Sebastian. “Nandito na ang Smith family!” Sigaw ng isa mula sa labas ng bahay. Kaagad na nanahimik ang lahat at lumitaw sa isipan nila ang Smith family. Sila ang pinakamayamang pamilya sa buong Ravenview City. Sumilip sila sa labas ng bahay at nanood habang pumasok ang isang babaeng nakaputing dress. Hindi kapanipaniwala ang ganda niya. Matagal nang naniniwala si Maria na maganda siya, ngunit ngayon, para bang nanliit siya. Ang totoo, ang lahat ng mga babae sa party—mga heiress, asawa, o kasintahan man—ay sobrang inggit na inggit ngayon. “Napakaganda niya, para siyang isang diyosa!” “Matagal ko nang narinig ang pambihirang kagandahan ni Ms. Smith. Sinong mag-aakalang totoo pala ang mga usap-usapan?” Namangha ang mga lalaki sa party at nagliyab ang pagnanasa sa mga mata nila. Si Tyler, na masayang ma-engage kay Maria kanina ay biglang nagkaroon ng pagnanasa sa mga mata niya nang nakita niya si Lillian. Hindi na nakakaakit si Maria sa mga mata niya ngayon. “Anong ginagawa ni Ms. Smith dito? Nandito ba siya para dumalo sa engagement party ni Ms. Lisbon?” “Kinakatawan ni Ms. Smith ang pinakamakapangyarihang pamilya ng lungsod natin. Talaga sigurong nirerespeto ng mga Smith ang Lisbon family kung pinadala nila ang anak nila rito.” “Siguro ginagawa rin nila to para sa Cadwell family. Hindi man kapantay ng mga Cadwell ang mga Lisbon, mayamang pamilya pa rin sila.” Nagsimulang mag-usap-usap ang mga panauhin. Sabik na sabik ang mga Lisbon. Nagmadaling lumapit si Clement kay Lillian at nagsabing, “Maligayang pagdating sa bahay namin, Ms. Smith. “Talagang biniyayaan mo kami ng presensya mo. Sana'y mapatawad mo kami at hindi ka namin nasalubong nang maayos.” Nagmadali ang ibang mga Lisbon, hindi nila gustong mawala ang pagkakataong makilala si Lillian. Makikinabang sila nang malaki kahit magbigay lang sila ng magandang impresyon sa kanya. “Umalis ka sa dinaraanan ko, patapon!” Tinitigan nang masama ni Maria si Sebastian bago tumakbo papunta kay Lillian. “Mula siya sa Smith family?” Gulat na bulalas ni Sebastian. Hindi niya inasahang ang babaeng nakasama niya kagabi ay ang anak pala ng pinakamakapangyarihang pamilya sa Ravenview City.

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.