Webfic
Open the Webfic App to read more wonderful content

Kabanata 4

Magalang na tumango si Lillian habang sinalubong siya ng lahat. Patuloy niyang hinanap si Sebastian sa gitna ng karamihan, ngunit nakasiksik siya sa likod kaya hindi niya siya nakita kahit saan. Kaya tinanong ni Lillian si Clement, “Nasaan ang bagong son-in-law mo, Mr. Lisbon?” Isang maalam na ekspresyon ang lumitaw sa mukha ng mga bisita. “Nandito si Ms. Smith para makita si Mr. Cadwell. Talagang nirerespeto ng Smith family ang mga Cadwell.” “Syempre naman. Isa ring reputadong pamilya ang mga Cadwell. Makatwiran lang na nandito si Ms. Smith para kilalanin siya.” Nagpatuloy ang mga bisita na mag-usap-usap. Sa kabilang banda, sabik na sabik naman si Tyler. “Kumusta, Ms. Smith? Ang pangalan ko ay Tyler Cadwell.” Palaging lumalayo si Lillian sa mata ng publiko kaya wala sa mga tagahanga niya ang tunay na nakalapit sa kanya. Sobrang sabik na sabik si Tyler ngayon dahil makakakamay na niya si Lillian. Ang katotohanan lang na ito ay sapat na para ipagyabang niya nang maraming taon!” Kapag nakuha ni Tyler ang pabor ni Lillian, hahangaan rin siya ng lahat ng lalaki sa Ravenview. Hindi na niya kailangan si Maria sa puntong iyon. Nagsalubong ang kilay ni Lillian nang nakita niya si Tyler. Ngunit pagkatapos ay nakita niya si Sebastian na handa nang umalis at sumigaw siya, “Wag kang umalis!” Nanigas sa gulat ang mga bisita nang tumakbo si Lillian papunta kay Sebastian. Paanong nangyari ito? Si Lillian ang anak ng Smith family, ang pinakamaganda sa lahat ng magaganda. Sa kabilang banda, si Sebastian ay isa lamang mahirap na basura. Malinaw na nagmula sila sa magkaibang mundo, kaya paano nila nakilala ang isa't-isa? Kaagad na nanigas ang mga miyembro ng Lisbon family. Inisip nilang nagpunta siguro rito si Lillian para kay Maria kung hindi para kay Tyler. Pero wala sa kanila ang pinuntahan niya, nandito si Lillian para sa patapong si Sebastian! Si Tyler ang pinakanapahiya sa kanilang lahat habang nanatiling nasa ere ang kamay niya. Ang gulat niya ay mabilis na naging galit. Aalis na sana si Sebastian nang nakita niya si Lillian na tumatakbo papunta sa kanya. Ang una niyang naisip ay nandito si Lillian para maghiganti sa kanya. Magiging malaki ang problema ni Sebastian kung duduruin siya ni Lillian. Hindi siya takot kapag nangyari iyon, ngunit nakakapagod pa rin iyon. “Andyan ka pala. Sumama ka sa'kin!” Hinawakan ni Lillian ang kamay ni Sebastian bago siya hinila palabas ng bahay. Ito ang unang beses na kusang hinawakan ni Lillian ang kamay ng isang lalaki, ngunit para bang napakanatural lang nito. Hindi siya tutol dito kahit kaunti, siguro ay dahil nakasama na niya siya sa kama kagabi. Ang isa pang dahilan ay dahil masyado siyang nagmamadali. “Nagkakamali ka ba ng akala, Ms. Smith?” Lumapit si Clement kasama ng mga tao niya para harangan ang daan nila. “Anong ibig mong sabihing?” Tanong ni Lillian. “Isang probinsyano lang ang batang to, Ms. Smith. Paano mo ba siya nakilala? Nagkakamali ka lang yata.” Pagkatapos ay hinila ni Clement si Tyler. “Nandito ka siguro para kay Tyler, tama? Ito siya.” “Hindi ako nagkakamali. Ito ang lalaking hinahanap ko. Ngayon, umalis kayo sa dinadaanan ko,” sabi ni Lillian habang sinenyasan si Sebastian. “Pero isa lang siyang patapon. Bakit mo naman siya gustong hanapin?” Tanong ni Clement nang nagtataka. “Personal na usapan to at wala kayong kinalaman dito! Ngayon, umalis kayo!” Hindi na gustong magsayang ng oras ni Lillian sa mga taong ito. Hinila niya si Sebastian kasama niya. Napahiya nito pareho ang Lisbon family at si Tyler. Nagpakahirap silang mapalapit kay Lillian, ngunit hindi niya sila pinansin. Sa halip, umalis siya kasama ng isang mababang taong kagaya ni Sebastian. Kumislap nang malamig ang mga mata ni Tyler, pero hindi siya kay Lillian may sama ng loob, kundi kay Sebastian. Pakiramdam niya ay si Sebastian ang dahilan kung bakit nawalan siya ng dignidad ngayon. Huminto si Sebastian nang narating niya ang pintuan at nagsabi kay Clement, “May isang payo lang ako sa'yo—dapat mo nang isiping bumili ng lupang paglilibangan. Paubos na ang oras mo.” “Ang lakas ng loob mong sumpain ang father-in-law ko!” Sigaw ni Tyler na susuntukin na ang mukha ni Sebastian. Nagliyab ang mga mata ni Sebastian. Pero bago siya matamaan, biglang sinampal ni Lillian ang mukha ni Tyler. “Bakit mo ko sinampal, Ms. Smith?” tanong ni Tyler habang hawak ang namumula niyang pisngi. Ngunit hindi siya nagtangkang manlaban. “Insultuhin mo pa si Mr. Wilder, at malulugi ang buong pamilya mo,” sumbat ni Lillian. Walang nagawa sina Tyler at ang mga Lisbon sa galit habang umalis si Lillian hawak ang kamay ni Sebastian. Gayunpaman, hindi nila kayang galitin si Lillian. “Saan mo ko dadalhin, Ms. Smith?” Tanong ni Sebastian pagkatapos nilang makalabas ng Lisbon residence. “Para magligtas ng tao,” sabi ni Lillian bago itinulak si Sebastian sa front passenger seat. “Iligtas sino?” “Ang lolo ko. Malubha ang karamdaman niya, at ikaw na lang ang makakapagligtas sa kanya.” Para bang nagmamadali si Lillian habang nagmaneho siya papunta sa ospital. “Bakit mo pala ako hinihila? Dalhin mo siya sa doktor kung may sakit siya.” Nagtaka si Sebastian. “Pinagaling mo ang sakit ko sa puso sa loob lang ng ilang minuto kaninang umaga, ibig sabihin ay napakagaling mo. Kaya kinailangan niyang hanapin,” paliwanag ni Lillian. “Kaya kong iligtas ang lolo mo, pero ibig sabihin ba nito ay babayaran mo na ako nang buo ngayon?” Sabi ni Sebastian. “Pwede mong kunin ang lahat ng pera sa purse ko.” “Ano to?” Biglang tanong ni Sebastian. Sumilip si Lillian sa tabi niya habang nagmamaneho at kaagad siyang nagalit. Kinuha ni Sebastian ang isang sanitary pad mula sa bag niya at hinalughog niya pa ito. “Mukha itong diaper. Anong klase ng babae ang gumagamit pa rin nito? Wala ka namang ibang sakit, di ba?” Seryosong tanong ni Sebastian. “Sakit mo mukha mo!” Sigaw ni Lillian. Sinampal na niya sana si Sebastian kung hindi siya nagmamaneho at hindi niya kailangan ang tulong niya para iligtas ang lolo niya. Hindi na ginalit ni Sebastian si Lillian. Hindi nagtagal ay makahanap siya ng dalawang tambak ng pera na malamang ay kakakuha niya lang sa bangko. “Kalimutan mo na yan. Ayaw ko na ng pera.” Ibinalik ni Sebastian ang lahat sa purse ni Lillian. “Ano palang gusto mo?” tanong ni Lillian. “Gusto kong pagsilbihan mo ko nang isang beses.” Kaagad na inapakan ni Lillian ang brakes at gumasgas ang gulong ng kotse niya sa aspalto. Kung hindi sila naka-seatbelt, baka tumalsik na sila palabas ng kotse. Nang huminto ang kotse, tinitigan nang masama ni Lillian si Sebastian. “Ano ba, biro lang yun. Wag kang magalit,” sabi ni Sebastian. “Hindi ko gusto ang birong yan!” Sigaw ni Lillian at tinitigan siya nang masama bago nagpatuloy na magmaneho. Samantala, ilang tao ang nakatayo sa paligid ng hospital bed sa VIP ward ng isang pribadong ospital. Kabilang sa mga taong ito ay ang direktor ng ospital na si Lyle Maskins at ang pinakamagaling na healer ng Ravenview na si Herb Clinton. Kasalukuyang nagsasagawa si herb ng acupuncture para sa matandang lalaki sa kama. Ang pangalan ng matanda ay Elijah Smith. Napakapayat niya at sakitin. Sobrang hina ng paghinga niya na para bang mamamatay na siya anomang oras ngayon. Binunot ni Herb ang huling karayom mula sa katawan ng matandang lalaki. Nagmadaling nagtanong ang lalaki sa tabi niya, “Kumusta ang tatay ko, Mr. Clinton?” Mukhang malungkot si Herb habang umiling siya. “Huli na ang lahat para kay Mr. Smith. Wala na tayong magagawa ngayon. Ang hula ko ay hindi siya aabot kinabukasan.” “Ano?” Nagulat ang Smith family. “Pakiusap, maghanap kayo ng paraan para iligtas siya, Mr. Clinton,” pagmamakaawa ni Jamie Smith. “Oo, Mr. Clinton. Ibibigay namin sa'yo ang kahit na anong gusto mo basta't iligtas mo lang ang tatay ko!” Sabi ni Ronan Smith. “Gagawin ko yun kung may tyansa pa, pero wala na talaga akong magagawa para kay Mr. Smith. Papayuhan ko kayong lahat na maghanda na para sa burol niya,” nalulumong sabi ni Herb. “Bakit maghahanda ng burol ngayong buhay pa ang pasyente? Hindi ba manggagamot ka? Bakit mo sinasabi ang lahat ng ito?” Isang boses ang narinig habang pumasok sa ward sina Lillian at Sebastian. Tumingin nang masama si Herb kay Sebastian. “Ikaw ba ang nagsabi nun?” “Oo. Mali ba ako?” Sagot ni Sebastian. “Sinabihan ko lang silang maghanda para sa burol ni Mr. Smith dahil talagang hindi na siya maililigtas pa!” Sabi ni Herb. Suminghal si Sebastian. “Anong klaseng doktor ka? Dahil lang sa hindi mo siya kayang iligtas, hindi nangangahulugan nitong hindi na siya maililigtas.” “Anong sabi mo? Ang lakas ng loob mong insultuhin ako.” Sumbat ni Herb. Ito ang unang beses sa panahon niya bilang pinakamagaling na manggagamot ng Ravenview City na may nagtanong sa kakayahan niya. “Ang lakas ng loob mong magsalita ng ganyan kay Mr. Clinton, patapon ka.” Tumingin nang masama si Jamie kay Sebastian. Galit na galit din ang iba pa niyang kapamilya kay Sebastian. Kahit na hindi nagawang iligtas ni Herb ang matanda, pinahaba niya pa rin ang buhay nito nang maraming taon. Kung kaya't nagpapasalamat sila kay Herb at hindi nila hahayaang may mang-insulto sa kanya.

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.