Webfic
Open the Webfic App to read more wonderful content

Kabanata 2

Habang hinubaran ni Sebastian si Lillian, pumikit siya sa kawalan ng pag-asa. Pero hindi nangyari ang pinakamasaklap na inaasahan niya. Sa halip, bumunot si Sebastian ng karayom at idiniin ito sa isa sa mga meridian ni Lillian. Pagkatapos ay inukit niya ang proseso gamit ng pito pang karayom sa buong katawan niya. Pagkatapos, idiniin ni Sebastian ang kamay niya sa dibdib ni Lillian. Nagsimulang manginig ang mga karayom sa balat niya at mahinang umilaw sa era. Nagtagal ito nang halos limang minuto. Mukhang pagod si Sebastian nang natapos ito. “Sige. Isuot mo ang mga damit mo,” sabi ni Sebastian habang binunot niya ang lahat ng mga karayom niya. Inasahan ni Lillian ang kamatayan niya. Bumukas ang mga mata niya nang narinig niya ang mga salita ni Sebastian. Hindi na masakit ang dibdib niya at wala siyang kahit na anong nararamdaman. “Iniligtas mo ba ako?” Sabi ni Lillian nang di makapaniwala. “Hindi ba halata? Sino pa ba ang nandito sa kwartong to maliban sa'ting dalawa?” Umirap si Sebastian. Nabigla si Lillian. Alam niya kung gaano kalala ang kondisyon ng puso niya. Maging ang pinakamagaling na doktor ng Ravenview City ay nagawa lang pahabain ang buhay niya. Binalaan ng doktor si Lillian na baka mamatay siya sa susunod na umatake ulit ang kondisyon niya. Pero, napagaling ni Sebastian ang puso niya gamit lang ng ilang karayom sa loob lang ng ilang minuto. Anong klase ng pambihirang medical skill ang mayroon siya? Mabilis na nagbihis si Lillian at nagsabi kay Sebastian, “Wag mong isiping magpapasalamat ako sa'yo dahil lang sa iniligtas mo ang buhay ko.” “Oh, hindi ako umaasa diyan. Masaya lang akong hindi ka magtatanim ng sama ng loob sa'kin.” Nanahimik si Lillian. Paano siya magtatanim ng sama ng loob kay Sebastian ngayong siya ang sumira sa kadalisayan niya? Pero siya ang naunang lumapit sa kanya. At saka iniligtas ni Sebastian ang buhay niya mula sa kamatayan. Anong karapatan niyang magtanim ng sama ng loob sa kanya? “Kunin mo na lang pala ang pera bilang medical fees ko. Patas na tayo mula ngayon,” sabi ni Lillian at naghanda siyang umalis. “Sandali!” Tawag ni Sebastian. “Hindi ba para sa serbisyo ko sa kama ang perang to? Kailan pa to naging medical fees mo?” Sobrang nahiya si Lillian. Ibinigay niya lang kay Sebastian ng ten thousand dollars para pagaanin ang loob niya at balaan siyang wag nang makipagkita sa kanya. “Ipapadala ko pala ang iba pa sa'yo. Wala na akong natirang cash ngayon.” “Cash lang ang gusto ko. Malay ko baka subukan mo kong lokohin mamaya?” “Magwi-withdraw ako ng pera ngayon din at ibibigay ko to sa'yo,” sabi ni Lillian. “Hindi pwede. Saan ako pupunta para hanapin ka kung tumakbo ka pagkatapos mong umalis?” Singhal ni Sebastian. “Bakit di ka na lang sumama sa'kin sa bangko?” Galit na sabi ni Lillian. “Hindi rin pwede yan. Paano kung itanggi mong nangyari to? Wala pa tayong siguradong kasunduan. Hindi ko maipaglalaban ang sarili ko, lalo na kapag sinabotahe mo ko pagkatapos.” “Ano palang ideya mo?” Nainis na ngayon si Lillian. Pinag-isipan ito ni Sebastian bago nagsabing, “Bakit di ka magpadala ng tao rito para dalhin ang pera?” “Wag!” Si Lillian naman ngayon ang tumanggi. Hindi niya hahayaang may isang taong makaalam na natulog siya sa isang hotel kasama ng isang lalaki. “Kung ganun, isa na lang ang pagpipilian natin.” Ngumiti nang kakaiba si Sebastian habang tinitigan niya si Lillian. “Ano yun?” “Dahil sinerbisyohan mo ko kagabi, ikaw naman ang magbibigay ng serbisyo sa'kin ngayon. Pakakawalan kita kapag kuntento na ako.” Ngumisi si Sebastian. “Ikaw…” Nanginig sa galit si Lillian habang tinuro niya si Sebastian. Sa huli, hinayaan niyang bumagsak ang kamay niya at pumikit, na para bang binibigyan siya ng permisong gawin niya ang kahit na anong gusto niya. Pinigilan ni Sebastian ang kagustuhang kunin si Lillian sa sandaling iyon. “Hoy, babae. Ikaw dapat ang magbibigay sa'kin ng serbisyo, hindi ang kabaliktaran.” Mas lalong nagalit si Lillian. Sumigaw siya, “Gawin mo na lang kung gusto mo!” Nagmula si Lillian sa Smith family, ang pinakamayamang pamilya sa Ravenview City. Mahirap na nga para sa kanyang malamang nawala na ang virginity niya. Imposibleng bibigyan niya ng serbisyo si Sebastian ngayon. “Nawalan na ko ng interes sa kayabangan mo. Bahala na. Hahanapin ko na ang fiancée ko,” tamad na sabi ni Sebastian pagkatapos humikab. “Paanong magkakaroon ng fiancée ang isang hayop na kagaya mo? Anong babaeng nasa tamang pag-iisip ang gugustuhing pakasalan ka?” Suminghal si Lillian. “Oh? Ang fiancée ko ay si Maria Lisbon mula sa Lisbon family,” masayang sabi ni Sebastian. Pinitik ni Lillian ang dila niya. “Paanong magkakagusto sa'yo ang isang babaeng kagaya niya? Maimpluwensya rin ang pamilya niya rito sa Ravenview. Pwede ba galingan mo naman sa pagsisinungaling?” Natural na hindi na nawala si Lillian kay Sebastian. Kahit na mas mababa ang Lisbon family kaysa sa mga Smith dito sa Ravenview City, itinuturing pa rin silang upper-class. Kung ikakasal si Maria, maghahanap siya ng nababagay sa kanya sa halip na isang walanghiya kagaya ni Sebastian. “Di ka naniniwala? Sayang. Pwede ka nang umalis. Hindi mo magagawa yun kapag tumindi na naman ang pagnanasa ko.” Kaagad na tumakbo si Lillian palabas ng kwarto, isang eksena na nakakatawa para kay Sebastian. Tahimik siyang tumawa habang hawak ang pera. Kilala si Sebastian bilang ang Supreme One, isang lalaking nagkakahalaga ng bilyones at CEO ng Phoenix Corporation. Bilang isang henyo sa larangan ng medisina, ang henyong manggagamot ng Dragotha na si Ezekiel Monas ay wala lang kundi pinakamahinang disipulo ni Sebastian. Kahit ang head ng Drake’s Den, ang pinakamalakas na martial arts clan, ay informal disciple lang ni Sebastian. Pero ngayon, nandito si Sebastian na napagkamalang isang gigolo. “Bahala na. Naghihintay pa sa'kin ang fiancée ko,” sabi ni Sebastian sa sarili niya. Nag-inat siya bago isinuot ang mga damit niya. Biglang tumunog ang phone niya. Nang sumagot siya, isang boses ang nagsalita nang may matinding pagrespeto sa kabilang linya, “Supreme One, nandito na ako sa hotel mo at handa na ako sa kahit na anong ipag-uutos mo.” “Ikaw ang branch manager ng Ravenview City?” Hindi siguradong tanong ni Sebastian. May mga branch ang Phoenix Corporation sa karamihan ng malalaking lungsod na may kanya-kanyang managers. Hindi na sila isa-isang maalala ni Sebastian. “Opo, sir. Nakatanggap ako ng balita sa pagdating niyo mula sa headquarters, kaya personal akong nagpunta para salubungin ka,” sagot ng lalaki. “Papunta na ako diyan,” diretsong sagot ni Sebastian. Binaba ng isang may edad at naka-suit na lalaki ang tawag sa phone niya sa labas ng pintuan ng hotel. Siya ay walang iba kundi ang branch manager ng Phoenix Corporation sa Ravenview, si Casper Jones. Sumenyas si Casper. Higit sa isang dosenang Rolls Royce ang mabilis na umandar nang nakapila nang matuwid. Mapagpakumbabang tumayo roon si Casper kahit na siya ang pinakamakapangyarihang tao sa Ravenview branch ng Phoenix Corporation. Iyon ay dahil sasalubungin niya ang isang napakahalagang tao. Lumabas si Lillian sa sandaling iyon. Kahit na pagod siya, nakakabigla pa rin ang kagandahan niya. Nagulat siya sa nakita niya sa labas ng hotel. Hindi ba ito si Casper Jones, ang Ravenview branch manager ng Phoenix Corporation? Anong ginagawa niya rito? Kahit na ang mga Smith ang pinakamaimpluwensiyang pamilya rito sa Ravenview City, nirerespeto pa rin nila nang matindi ang Phoenix Corporation. Lalo na't ito ang pinakamakapangyarihang kumpanya sa mundo. Pero hindi inasahan ni Lillian na makita si Casper na para bang may hinihintay. Anong klaseng tao ang nararapat ng atensyon niya ngayong napakamakapangyarihan na niya? Nandito ba ang isang tao mula sa top management ng Phoenix Corporation? “Sarado na ang hotel. Umalis na kayo sa lalong madaling panahon,” sabi ng isang bodyguard kay Lillian. “Sinong hinihintay mo, Mr. Jones?” Tanong ni Lillian kay Casper. “Oh, ikaw pala, Ms. Smith. Pasensya na, pero hindi ko pwedeng sabihin sa'yo kung sinong hinihintay ko,” mabait na sabi ni Casper. Umalis si Lillian. Masama ang pakiramdam niya pagkatapos mawala ang virginity niya at wala siya sa wishing sumilip sa kung sinomang hinihintay ni Casper. Bigla na lang, lumabas si Sebastian mula sa hotel suot ang mumurahing damit niya. “Ang hayop na namang yun?” Sabi ni Lillian bago siya nagmadali papunta sa parking lot. Tumunog ang phone niya sa sandaling iyon. Nang nakita niyang ang nanay niya ang tumatawag, mabilis siyang sumagot. “Nasaan ka buong gabi, Lillian?’ “Nakatulog ako sa bahay ng kaibigan ko,” pagsisinungaling ni Lillian. Hindi siya pwedeng magsabi tungkol sa naging gabi niya kasama ng isang estranghero. “Magmadali ka na palang umuwi. Hindi na magtatagal ang lolo mo!” “Ano?” Nagulat si Lillian. “Papunta na ako!” Ngunit di nagtagal ay nasaksihan niya ang isang bagay na hindi niya makakalimutan. Lumuhod sina Casper ang dose-dosenang mga tauhan niya sa harapan ni Sebastian. “Supreme One!” Binati siya ng lahat nang may matinding paggalang dahil alam nilang si Sebastian ay isang lalaking halos parang diyos na kahit mukha siyang pangkaraniwan. “Pwede ka nang tumayo. Ibaba niyo ko sa Lisbon’s residence.” “Salamat, Supreme One. Mauna na kayo,” sabi ni Casper habang sumenyas sa kotse sa gitna ng convoy. Sumakay si Casper sa driver's seat. Sinamahan ng anim na Rolls Royce ang sinakyan nina Sebastian at Casper habang umalis sila, na nagpagulat sa mga nakatingin. “Pwede na kayong huminto rito,” sabi ni Sebastian bago niya narating ang Lisbon residence. Kahit na engaged na siya kay Maria Lisbon, kailangan niya pa rin siyang mas makilala. Ang pinakamagandang gawin para roon ay ang makita siya nang mag-isa.

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.