Webfic
Open the Webfic App to read more wonderful content

Kabanata 1

Nagising si Sebastian Wilder at pakiramdam niya ay nakahiga siya sa malaki at malambot na kama. Napakakomportable ng kama. Mas maganda ito kaysa kahoy na gamit niya noon sa bundok. Mayroon pa ngang malambot na body pillow. Bigla niyang naramdamang may kakaiba. Pagkatapos, narinig niya ang ungol ng isang babae sa tabi niya. Nagising siya rito. Nakatalikod and babae sa kanya, ngunit napakahamis ng katawan niya. Nakahiga siya nang walang saplot sa tabi niya. Tumayo siya kaagad. Anong nangyayari? Saan nanggaling ang babaeng ito? Umiling si Sebastian habang sinubukan niyang alalahanin kung anong nangyari. Pagkatapos, bumalik ang mga alaala niya. Nasa Ravenview City siya. Sa nagdaang ilang taon, pinamumunuan niya ng Supreme Nexus sa giyera sa ibat-ibang lugar at nagdala ng takot sa lahat ng mga kalaban niya. Bumalik siya sa Ravenview City dahil naghanda ng kasal para sa kanya ang mentor niya. Bumalik siya para kilalanin ang engagement. Dumating siya nang gabi sa lungsod. Kakalubog pa lang ng araw para sa isang night owl na kagaya niya kaya nagpunta siya sa isang bar, kung saan di niya namalayang nalasing siya. Kung kaya't kumuha siya ng kwarto sa malapit na hotel. Habang lasing pa siya, may babaeng kumatok sa pinto niya. Binuksan niya ang pinto para papasukin siya. Ang hindi niya inasahan, tumalon ang babae sa kanya sa sandaling pumasok siya. Napakatindi ng emosyon niya nang yumakap siya sa kanya. Pagkatapos… Sinampal ni Sebastian ang noo niya. Masyado siyang maraming nainom kagabi at hindi niya maalala ang sumunod na nangyari. Sa sandaling iyon, umikot ang babae. Nasabik siyang makita ang mukha niya. Elegante at maganda ang mukha niya. Natural ang mga kilay niya na parang ipininta nang pagkaingat-ingat. Mahaba ang mga pilikmata niya at para bang humahangin sa tuwing kumukurap siya. Elegante ang ilong niya na parang inulit ng isang ekspertong iskultor. Malambot, matambok, at bahagyang nakakurba ang mga labi niya sa isang matamis at kampanteng ngiti. Marami nang nakitang magagandang babae si Sebastian noon, pero wala sa kanila ang maikukumpara sa nasa harapan niya ngayon. Hindi siya makatotohanan. Bigla na lang, nag-inat ang babae at pinakita ang nakakamanghang kurba ng katawan niya. Nakatitig ang mga mata niya sa kanya at di niya napigilang mapalunok. Pagkatapos mag-inat, binuksan ng mga babae ang inaantok na mga mata niya at kaagad niyang nakita ang medyo gusgusing mukha ni Sebastian. Nagtagpo ang mga mata nila nang para bang huminto sandali ang oras. Pagkatapos, sumigaw nang napakalakas ang babae. “Babae, masyado kang maingay. Iisipin ng mga tao may ginawa ako sa'yo,” mapaglarong sabi ni Sebastian. Umupo kaagad ang babae at tinakpan ang sarili niya gamit ng kumot. Mukha siyang naguguluhan at takot na takot. “Sino ka? At bakit ako nandito?” “Iyon ang dapat kong itanong sa'yo. Kwarto ko to.” Humiga si Sebastian sa gilid niya at sinuportahan ang ulo niya gamit ng kamay niya habang tinitigan niya ang babae. Habang lalo niya siyang tinitignan, mas lalo siyang gumaganda para sa kanya. Napakasarap niya sa mata. Tumingin ang babae sa paligid niya at napansin niyang wala nga siya sa kwarto niya. Natulala siya sa napagtanto niya. Drinoga siya kahapon. Nagkamali ba siya ng napasukang kwarto? Tumingin siya sa ilalim ng kumot at nakita niyang nakahubad siya. Nilamon siya ng lahat ng klase ng negatibong emosyon kagaya ng lungkot at kawalan ng lakas habang tumulo ang mga luha niya. Galit siyang tumingin kay Sebastian at nagsabing, “Pinilit mo ang sarili mo sa'kin!” Nginitian niya siya nang puno ng karisma. “Anong ibig mong sabihing? Ikaw ang nanguna kagabi. “Kung pangit ka, itinulak na kita palayo. Kaso hindi, kaya hindi ko nagawang tanggihan ka. At saka, sinabi sa'kin ng mentor ko na huwag akong tatanggi sa kagustuhan ng isang babae.” “Walanghiya ka! Hayop!” Sinampal si Sebastian ng babaeng nagngangalang Lillian Smith. Para bang pagpupunit-punitin niya siya. Bumangon si Sebastian. “Tama na yan! Ikaw ang umatake sa'kin kagabi.” “Manahimik ka!” Tili ni Lillian, ngunit pagkatapos ay niyakap niya ang mga tuhod niya at nagsimulang umiyak sa susunod na sandali. Alam niyang hindi naman kasalanan lahat ni Sebastian ang nangyari kagabi. Drinoga siya, at dumiretso siya sa kanya. Napuno siya ng pagsisisi habang iniyakan niya ang kapabayaan niya, kung kaya't napainom siya ng droga. Kahit na nagawa niyang makatakas sa hayop na nagpainom sa kanya ng droga, nauwi pa rin siya sa mga kamay ng ibang lalaki. Tinaas ni Lillian ang ulo niya para tignan si Sebastian. Mayroon siyang kaunting bigote at magulong buhok. Mukha siyang isang gusgusing barbaro. Pinanatili ni Lillian ang kalinisan niya nang higit 20 taon, ngunit naibigay niya ito sa isang lalaking kagaya ni Sebastian. Mas lalo siyang nalungkot sa naisip niya habang nagpatuloy na tumulo ang mga luha niya. “Tumalikod ka. Gusto kong magdamit.” “Nakita ko na lahat. Kailangan ka pa ba talagang tumalikod?” Napanganga si Sebastian. Pero nang nakita niya ang galit na ekspresyon ni Lillian, sumuko siya at tumalikod. Nagmadali si Lillian na isuot ang mga damit niya. Pagkatapos, umikot muli si Sebastian para tignan siya. Mukha siyang mas marangal nang nakadamit. Branded ang mga damit niya. Malinaw na mayaman siya. “Wag kang malungkot. Aakuin ko ang responsibilidad kung kailangan,” nakangiting sabi ni Sebastian. “At paano mo naman gagawin yan? May kakayahan ka bang gawin yan?” Lumitaw ang pangmamata sa mga mata ni Lillian nang tumingin siya sa simpleng kasuotan ni Sebastian. “Alam ko kung anong iniisip mo. Mukha mang mumurahin ang mga damit na'to, pero may pera ako. Kaya kitang tustusan. Kahit na manganak ka pa ng isang dosenang anak ko, kaya pa rin kitang tustusan.” Kampanteng-kampante si Sebastian. Siya ng founder ng pinakamalaking korporasyon sa mundo—ang Phoenix Corporation. Mayroon siyang higit trilyones na assets. Maliit na problema lang ang magtustos ng isang daang tao, lalo na ang isang dosena. “Tama na yan! Ayaw ko talaga sa mga mayayabang na lalaking kagaya mo. Ako si Lilian Smith, ang tagapagmana ng Smith family. Napakarami ng manliligaw ko. Hindi kita kailangan para tustusan ako.” Napuno na si Lilian sa kanya. Kumuha siya ng isang tambak ng pera mula sa bag niya at ibinato ito sa kanya. “Kunin mo ang perang to at umalis ka na. Wag ka nang magpakita sa'kin kahit kailan.” Bumagsak ang ekspresyon ni Sebastian. “Anong ibig sabihin nito?” “Hindi pa ba malinaw? Bayad to para sa ginawa mo kagabi.” Tumalikod si Lilian para umalis pagkatapos niyang sabihin iyon. “Huminto ka! Ipaliwanag mo ang sarili mo!” Napahiya si Sebastian. Binigyan niya siya ng pera pagkatapos may mangyari sa kanila? Sino ba siya sa tingin niya? Hindi na siya gustong kausapin ni Lilian. Kung kaya't nagpatuloy siyang maglakad papunta sa pinto. Mabilis na tumayo si Sebastian mula sa kama at hinablot ang braso niya. “Bitiwan mo ko.” Gustong makawala ni Lillian, ngunit masyadong mahigpit ang hawak niya. “Dahil tinatrato mo kong isang prostitute, bibigyan ng isa pang round ng serbisyo nang libre. Tandaan mong mag-iwan ng magandang review pagkatapos ng serbisyo ko.” Dinaganan siya ni Sebastian sa kama pagkatapos niyang sabihin iyon. “Hayop ka, bitawan mo ko! Papatayin kita!” Nakaramdam ng pagkataranta at galit si Lillian habang nanlaban siya nang buong lakas niya. Natural na hindi binabalak ni Sebastian na gahasain siya. Kahit na napahiya siya sa mga salita niya, hindi niya gustong sumuway sa mga gusto niya. Kaya gusto niya lang siyang takutin. Bigla na lang, huminto si Lillian sa panlalaban, pero nagsimulang tumulo ang mga luha niya. “Hoy, bakit tumigil ka sa panlalaban?” Nakita ni Sebastian na hindi na siya nanlalaban, kaya tumigil na rin siya sa ginagawa niya. “Gawin mo kung gusto mo. Pero ito na ang huling beses. Wag ka nang magpapakita sa'kin pagkatapos, kundi ay di kita palalampasin nang ganun kadali,” singhal ni Lillian. “Masyado kang mabangis. Ayaw ko na. Kalimutan mo na yan. Umalis ka na,” sabi ni Sebastian habang umalis siya sa ibabaw niya. Inayos niya sandali ang damit niya bago siya nagpunta sa pinto. Hindi pa siya nakakalayo bago niya hinawakan ang dibdib niya nang may nasasaktang ekspresyon. Pagkatapos, napaluhod siya habang namutla ang mukha niya. Mabilis na lumapit si Sebastian at pinakiramdaman ang pulso niya. Naging seryoso ang ekspresyon niya. Pagkatapos, binuhat niya siya at sinimulang hubaran ng damit. Mukhang hirap na hirap si Lillian. Puno ng galit at lungkot ang mga mata niya. Mayroon siyang severe congenital heart disease at naisip niyang baka katapusan na niya ngayon. Nang naisip niyang pagsamantalahan siya bago siya mamatay, para bang gusto na niyang magpakamatay sa sandaling iyon.
Previous Chapter
1/1162Next Chapter

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.