Webfic
Open the Webfic App to read more wonderful content

Kabanata 5

“Anong klaseng bulok na ospital ito? Nasaan ang direktor ninyo? Gusto ko siyang makita ngayon din! Dalhin ninyo ang pinakamagaling ninyong doktor! Binabalaan ko kayo. Ang taong nakahiga dito ay hindi pangkaraniwang tao! “Siya si Simon Carter, ang kilalang artist mula sa Creybia na inimbitahan ng lungsod ninyo para maganap ang art exhibition dito! Sinong magiging responsable kapag may nangyari sa kanya?” galit na galit ang boses ng lalake na dumagungdong sa mula sa kuwarto ng ospital hanggang sa hallways nito. Aalis na dapat si Yolanda ng marinig niya ito. “Simon Carter?” Ang kilalang artist mula sa Creybia na inimbitahan ng Riverdale? Naalala niya na tinuruan siya ni Simon noon sa nakaraan niyang buhay, pero hindi siya nagsalita halos tungkol sa pagkakakilanlan nila. Noong maisip ito, tumalikod si Yolanda at tumungo sa hospital room ni Yolanda. Ang middle-aged na lalake sa hall ay sumimangot at tinitigan siya, galit na magsalita, “Lumayas ka mula dito, bata!” “Hayaan mo akong pumasok at tignan ang lagay niya,” sambit ni Yolanda. Sinuri siya ng lalake, “Ikaw?” habang mas lalo siyang nakatingin sa kanya, mas lalo niyang nararamdaman na hindi siya papasukin. Maririnig ang mabilis na mga yabag mula sa hall. Isang doktor na nakasuot ng white coat ang nagmadaling lumapit sa kuwarto at nagpakahumble sa harap ng middle-aged na lalake. “Kumusta si Mr. Carter?” “Kumusta siya? Sinabi sa akin ng mga doktor na wala silang magagawa sa kaso niya!” galit na galit ang middle-aged na lalake at sinabi, “Ipatawag ang pinakamagaling ninyong doktor ngayon din!” Si Francesco Wyatt, ang direktor ng ospital ay pinunasan ang mga pawis niya sa kilay. “Pero ang mga doktor na tumingin sa lagay niya kanina ay ang mga pinakamagaling namin. Hindi ba natin siya puwede dalhin sa Creybia? Baka may oras pa tayo.” “Wala na tayong oras, Mr. Wyatt.” Ang nurse na lumabas ng hospital room ay umiling-iling sa oras na lumabas siya. “Si Mr. Carter ay dumanas ng aneurysm habang papunta dito. Kung hindi natin siya magagamot sa loob ng kalahating oras, mamamatay siya.” Kalahating oras. Paano hahanap si Francesco ng taong kukuha ng kaso kung walang doktor ang kayang gumamot sa kung anumang sakit ang mayroon siya? Habang nasa dilemma sila, isang malutong na boses ang maririnig sa kabilang side ng kuwarto. “Kaya ko siya iligtas.” Sa oras na lumabas ang mga salitang ito mula sa bibig niya, ang lahat sa hall ay humarap sa kanyang direksyon. Ang babae na nakita nila ay pangit at puro acne, madami siyang blemishes sa mukha. Pero, ang titig niya ay malinaw, at ang tono ay kumpiyansa. “Nasa ospital tayo, miss. Hindi ka puwede magbiro tungkol sa ganitong mga bagay,” binalaan siya ni Francesco ng tignan niya si Yolanda. Tumingin siya sa kanya sa mapagmataas na paraan. “Hindi ako nagbibiro. Kaya ko siyang iligtas, iyon ang ibig ko sabihin.” Lalong hindi natuwa ang mga tao sa paligid niya. Ang middle-aged na lalake at si Francesco ay tinignan siya ng mapanglait. Ang isa sa kanila ay nagsalita,”Sino ka? Hindi ka ba tinuruan gumalang ng pamilya mo?” “Ako si Yolanda Henderson,” sagot niya. Matapos sagutin ang tanong, pumasok siya sa kuwarto ni Simon. Mas mabuti na hindi na muna siya magsalita sa ngayon, dahil naiinis lang ang mga tao ng walang tigil. Hinawakan ng doktor ang braso niya at hinatak siya mula sa pinto. “Ano? Ikaw ang walang kuwentang anak ng pamilya Henderson na ipinadala sa juvenile detention center! Hindi ba’t kakalabas mo lang mula sa detention center matapos ang tatlong taong pamamalagi doon?” Suminghal siya at nagpatuloy na nagsalita, “Pero sinasabi mo na may paraan ka para iligtas si Mr. Carter.” Inulit ni Yolanda ng hindi makapaghintay at nagalit, “Huwag mo akong pilitin na ulitin ang sinabi ko, pero oo, kaya ko siyang gamutin.” Si Francesco at mga tao ay nagalit. Kahit ang mga dumadaan lang ay ngumisi ng makita si Yolanda, “Paanong nagkaroon ng walang kuwentang basura ang pamilya Henderson? Ibang bagay ang hindi siya pumasok sa school pero ang lumabas ng bahay at ipahiya ang pamilya niya ay kalokohan na!” “Hindi siya mukhang may kaalaman sa medisina,” kumento ng isa. Suminghal ang isa pa. “Anong medical skills ang kaya ipakita ng babaeng kakalabas lang sa juvenile detention center? Puwede naman siyang umalis na lang at hindi na ipahiya ang pamilya niya.” Dirediretso ang mga kumentong panlalait. Mabagal na tumingala si Yolanda sa chief at malamig na sinabi, “Hindi ka naniniwala sa akin?” May natawa. “Walang naniniwala sa iyo! Sinong nasa tamang pag-iisip ang maniniwala sa iyo? Umalis ka na at huwag na abalahin ang mga doktor mula sa pagliligtas ng buhay!” “Sobrang wala ka bang muwang at hindi mo alam na basura ka, Yolanda? Naparito ka pa para maghiganti sa lipunan? Ang mga basurang tulad mo ay dapat mabulok sa kulungan habambuhay!” Nakikinig sa mga masasakit na salita si Yolanda at ngumiti, pero hindi ito umabot sa mga mata niya. “Sige, kung ganoon. Kung walang maniniwala na kaya ko siya iligtas, iaabandona ko na lang siya. Pero hindi ako ang klase ng tao na tinitiis ang mga insulto. Ipapakita ko sa inyo kung ano ang pagiging doktor!” Matapos iyon, itinulak niya ang doktor palayo at binuksan ang pinto. Pagkatapos, isinara niya ito ng malakas at iniock mula sa loob, masyadong mabilis ang mga kilos niya para makareact agad si Francesco at iba pa. Noong napagtanto nila ang ginawa niya, huli na ang lahat. Nasa loob na siya ng kuwarto ni Simon. “Anong gagawin niya?” “Bilisan ninyo at buksan ang pinto! Nasa loob si Mr. Carter. Kapag sinaktan siya ni Yolanda…” “Yolanda, binabalaan kita! Ang taong iyan ay isa sa pinakamagaling na artist na ang specialization ay traditional paintings! Kapag may nangyari sa kanya, pagbabayaran mo ito!” Lumipas ang isang minuto, at isa pa. Pero, walang tunog o pagkilos ang nagmumula sa kuwarto. Si Francesco at mga bodyguard ay sinubukan buksan ang pinto habang minumura nila si Yolanda sa buong oras na ito. Sa oras na iyon, bumukas ang pinto at lumabas si Yolanda ng kuwarto. “Anong ginawa mo kay Mr. Carter? Nangangako ako, pagbabayarin ka ng ospital kapag may nangyari sa kanya!” pumasok si Francesco sa kuwarto ng lumabas si Yolanda. Nakahinga siya ng maluwag ng makita niya si Simon na payapang nakahiga sa kama tulad ng iniwan nila. Matapos iyon, pinunasan ni Francesco ang pawis niya sa kanyang noo at bigla may naalala. Nagamdali siyang lumabas ng kuwarto at sumigaw, “Huwag ninyo siyang patatakasin! Dakpin siya!” Pero noong hinanap ng mga guwardiya si Yolanda, napagtanto nilang naglaho na siya. Naguguluhan silang nagtinginan habang nagtatanong sa isa’t isa,” Saan siya nagpunta? Nasaan na siya?” Naglaho si Yolanda bigla! Ang mukha ni Francesco ay naging malagim habang galit niyang kinakausap ang mga guwardiya, “Maghiwahiwalay kayo at hanapin siya! Kailanga natin siya gawing responsable kapag may nangyari na masama kay Mr. Carter!” Kahit na ito ang mga utos niya, nakahinga siya ng maluwag ng tignan si Simon. Ang pangit at hangal na si Yolanda, nagpapasalamat siya ng magpakita siya. Si Simon nga naman ay hindi na maililigtas noong tinignan siya ng ospital bilang pasyente. Magiging masama ang dating ng ospital kapag namatay siya sa pangangalaga nila. Ang pamilya Carter ay sisisihin ang ospital at isisisi kay Francesco ang lahat. Pero nagpakita si Yolanda at inalok ang sarili ni bilang scapegoat. Kung mamamatay si Simon ngayon, sisisihin siya ni Francesco para sa pagkamatay niya at kapag nanghingi ng reparations ang pamilya Carter. Magiging ligtas ang reputasyon ng ospital. Habang ikinukunsidera ni Francesco ang mga detalye ng plano niya, nakarinig siya ng nakahingang maluwag na sigaw mula sa kuwarto. Sumigaw ang middle-aged na lalake, “Mr. Carter? Mr. Carter, gising ka na! Kailangan ko dito ng doktor, bilis!” Nanigas si Francesco. Hindi dapat magigising si Simon! Kung indikasyon ang pagdating niya sa ospital, maaaring namatay siya ng walang malay! Sa sumunod na sandali, ang natatarantang hospital director ay pumasok sa kuwarto. Sinuri niya ng mabuti si Simon at hindi makapaniwalang tinignan ang artist. Kahit ang paghinga niya ay naging steady. Nagblangko ang isip ni Francesco habang bumubulong siya, “Paano ito naging posible?” Ang mga nurse at bodyguard ay nagulat ng makita si Simon na gising. Hindi nila gusto ikunsidera ang posibilidad na ang pangit na babaeng pumasok sa kuwarto ay aktuwal na ginamot si Simon.sss

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.