Webfic
Open the Webfic App to read more wonderful content

Kabanata 6

Ngunit, dahil mahina ang katawan ni Simon, sandali lang siya nagkaroon ng malay bago siya nakatulog muli. Pero, hindi ito ang inaalala ni Francesco. Tinitigan niya si Simon habang tulala ng matagal. “Himala ito!” “Tunay itong himala!” “Naging stable ang kundisyon ni Mr. Carter!” Kahit na sigurado siyang mamamatay na si Simon, ang kundisyon niya ay biglaang gumanda. “Mr. Wyatt, okay lang ba si Mr. Carter ngayon?” maingat na tanong ng middle-aged na lalake. Ang lalakeng iyon ay assistant ni Simon, si Gordon Clark. Madalas siyang nagpaplano ng mga schedule ni Simon at umaasikaso sa tirahan niya. “Okay siya sa ngayon, pero…” tumigil si Francesco. Matapos kumustahin ang katawan niya, napagtanto niya na pansamantala lang na nakontrol ang sakit ni Simon. Maliban doon, may mga acupuncture marks sa sentido niya at dibdib niya. Napaisip si Francesco, “Maabilidad ba si Yolanda sa medisina?” Pagkatapos, sinubukan niyang kumalma at ngumiti kay Gordon. “Okay siya sa ngayon, pero maaari siyang mabuhay ng ilang mga buwan pa. Kung hindi siya magagamot agad, magkakaroon siya ng heart failure.” Kahit na ayaw niya itong aminin, iniligtas ni Yolanda ang buhay ni Simon. “Ano pa ang hinihintay natin? Gamutin na natin ang sakit ni Mr. Carter ngayon din!” sigaw ni Gordon ng hindi mapakali. Samantala, si Francesco ay bumuntong hininga, “Hindi ko siya matutulungan… Kailangan natin hingin ang tulong ni Yolanda!” Kung hindi ginamot ng buo ni Yolanda ang sakit ni Simon, ang ospital ang kukuha ng papuri ng paglilgitas sa kanya. Ngunit, dahil kailangan pa niyang magamot dahil dito, hindi rin nila makukuha ang papuri. “Ang pamilya Henderson?” Hindi taga Riverdale si Gordon, kaya hindi niya kilala kung sino ang pamilya Henderson. “Ang pamilya Henderson ay mayaman na pamilya na nagmamanage ng business. Ang reputasyon nila ay hindi ganoon kaganda. Ang matabang pangit na babae ay mula sa pamilyang iyon. “Hindi ako sigurado sa paraang ginamit niya para gamutin si Mr. Carter, pero naging stable ang kundisyon niya. Kung gusto natin siyang magamot ng tuluyan, kailangan natin siyang mahanap.” Kahit na hindi kaya kunin ng ospital ang papuri sa ginawa niya, itinulak nila ang responsibilidad ng panggagamot ni Simon sa kanya. Kaya, hindi na nila problema ang kundisyon ni Simon sa hinaharap. Kung hindi siya maililigtas ni Yolanda, ibig sabihin nagkukunwari lang siya na may abilidad siya. “Ang pamilya Henderson? Okay.” Matapos ito pag-isipan, inilabas ni Gordon ang phone niya at may tinawagan. … Sa oras na bumalik si Yolanda sa Henderson residence, matinis ang boses ni Diana ng pagalitan siya. “Saan ka nagpunta kanina? Kakagaling mo lang sa juvenile detention center. Gusto mo ba bumalik ulit ngayon? “Ano ba ang ginawa ko at deserve ko ang ganitong kahihiyan sa pamilya?” galit na tinignan ni Diana si Yolanda. Pakiramdam niya walang kuwenta at pangit na babae si Yolanda na sinira ang imahe niya! Kung hindi lang sa kapakanan ng sarili niyang reputasyon, puputulin na niya ang ugnayan nila. Samantala, walang pakielam si Yolanda sa narinig niya. Matapos ipanganak muli, nakaranas na siya ng relasyon sa pamilya na iba dito. Sa nakaraan niyang buhay, may apat siyang mga kapatid at mga teacher na iniispoil siya. Hindi niya alam na hindi lahat ng miyembro ng pamilya ay minamahal ang isa’t isa. Ngunit, noong pagalitan siya ng matindi ni Diana, nakaramdam siya ng kalungkutang naramdaman ng orihinal na Yolanda. Ang orihinal na Yolanda ay sobrang lungkot. Dahil hindi niya makontak ang mga kapatid niya sa ngayon, napagdesisyunan ni Yolanda na manatili sa Henderson residence para bawiin ang ninakaw ni Yvonne mula sa orihinal na Yolanda. Panunukli niya ito sa pagkuha sa katawan ni Yolanda. Habang nag-iisip siya ng plano, may naghagis ng libro sa mukha niya. Gusto niya itong iwasan, pero ang lason sa katawan niya ay naglimita ng kakayahan niyang kumilos. “Smack!” Tumama ang libro sa mukha niya. “Ano pa ang hinihintay mo? Bilisan mo na at aralin muli ang traditional painting knowledge mo! Pupunta tayo sa art exhibition bukas. Kapag ipinahiya mo ako, yari ka sa akin!” “Ma, si Yolanda ay sinasayang ang buhay niya. Nagtimpla ako ng lemon tea para sa lalamunan mo. Huwag mo saktan ang katawan mo dahil sa init ng ulo mo.” Lumabas ng kusina si Yvonne habang dala ang tray. Habang nagsasalita siya, maingat niyang ipinasa ang inumin kay Diana. Elegante at nararapat ang kilos niya. Magalang siya at umaarte na bilang anak ng maymang pamilya na pinalaki ng tama. “Yvonne, ang masunurin mo talaga.” Malambing na tinignan ni Diana si Yvonne. Nagsalita si Yvonne, “Yolanda, kakabalik mo lang. Normal lang kay nanay na hindi ka matnaggap sa ngayon. Kung posible, iwasan mo na muna siya sa hinaharap! Bakit hindi ka magbasa ng mga libro at palawakin muna ang isip mo?” Noong narinig iyon ni Diana, nandiri siya muli. “Nag-aalala ako ng husto sa kanya. Pero tignan mo ang ginawa niya! Ang dami niyang kinain at tumaba ng ganito. “Ang malala pa, wala siyang natutunan! Kung alam ko na ganito ang kalalabasan niya, dapat hindi ko na siya inalis sa juvenile detention center ng habambuhay!” Pagkatapos, tinignan niya si Yolanda. “Dapat matuto ka mula sa kapatid mo. Tignan mo si Yvonne. Hindi lang maganda ang mga grado niya, pero nakuha niya ang approval ng mga art teachers. “Bukod pa doon, marami siyang kaibigan sa school at sentro ng atensyon kahit saan siya pumunta. Pagtuunan mo ng atensyon ang sarili mo!” “Iisipin ko sana na ipinagpalit ka sa ibang baby kung hindi lang kayo kambal!” Kung walang kuwenta si Yolanda simula noong bata siya, hindi sana ganito katindi ang galit ni Diana sa kanya. Noong bata pa siya, gusto siya ng lahat at namumukod tangi sa buong neighborhood. Noong una, ang akala ni Diana mayroon siyang dalawang maganda at talentadong mga anak. Pero, ang anak niyang inaasahan niya ng husto ay naging kahihiyan. Paano niya ito matatanggap ng kalmado? “Ma, sa tingin ko maitatama ni Yolanda ang mga pagkakamali niya sa hinaharap. Bigya mo lang siya ng oras!” tumayo si Yvonne sa likod ni Diana at tinignan ng mapanglait si Yolanda. Hmph! Noong bata pa siya, sinabi ng lahat na mas nakhihigit si Yolanda sa kanya. Pero ngayon at malaki na sila, naging kabiguan si Yolanda. Ang bilis na nagbago ng takbo ng gulong ng buhay! Noong nakita ni Yolanda kung gaano kayabaang si Yvonne, hindi siya nagalit. Nguiti lang siya at tinanong siya, “Sa tingin mo ba naging magaling ka na dahil natuto ka sa mga simpleng diskarte?” “Anong ibig mo sabihin?” naging malayo bigla ang ekspresyon ni Yvonne. Ngunit, hindi siya binigyan ng pansin ni Yolanda at tinignan si Diana. “Tanungin mo ang sarili km kung minahal mo ba talaga ang anak mo. Kasangkapan mo lang siya sa mga mata mo, at ginagamit mo siya para magyabang sa mga social circle!” “Anong kalokohan ang sinasabi mo?” nagalit si Diana. Natuwa si Yolanda ng makita ang reaksyon ni Diana matapos siyang maexpose. Makakaisip siya ng maraming paraan para magkaroon ng away sa pagitan ni Yvonne at Diana na mukhang malapit sa isa’t isa. Pero kaysa magplano ng palihim, mas mabuti na isiwalat ang plano ng direkta. Bago umalis si Yolanda, tinignan niya ng nakakaawa si Yvonne. “Kung hindi ka ganyang maabilidad sa hinaharap, tatratuhin ka niya tulad ng pagtrato niya sa akin ngayon. “Nakakaawa ka. Ang ibang mga anak ay minamahal ng walang kundisyon ng kanilang mga nanay ng wala silang ginagawa, pero kailangan mo mag-effort at lokohin siya para lang mahalin ka. “Kung wala kang mas magandang gagawin, dapat mo ikunsidera kung worth it ba ang ginawa mo para makuha ang atensyon niya o hindi.” Matapos iyon, nilisan ni Yolanda ang living room at tumungo sa kuwarto niya. Sa kabilang banda, si Yvonne ay nanatiling nakatayo sa puwesto niya at nagblangko ang isip. Unti-unti, naging mapait ang ekspresyon niya.

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.