Webfic
Open the Webfic App to read more wonderful content

Kabanata 4

Nagulat si Yvonne dahil mali siya. Si Michael, na nakatayo sa pinto na paalis na sana ay natulala. Tumingin siya kay Yolanda at nanginig sa sabik, “Hindi! Tama siya! Totoo ang sinabi niya!” Nagmadaling bumalik si Michael sa study at tumigil sa harap ng imahe ng painting. Nanginig ang mga labi niya ng sabihin niya, “Replica lang ito. Tama siya doon. Sino pa ba maliban kay Jess Harrington ang makakagawa ng ganito kagandang likha? “Sayang lang at nagretire siya mula sa artistic world dalawang taon na ang nakararaan at nag-iwan lamang ng tatlong walang kasinghalaga na mga art pieces. Pero… Paano mo nalaman ang tungkol sa magaling na si Ms. Harrington?” Walang masabi si Yvonne dito. Humigpit ng sarado ang mga kamao niya at bumaon ang mga kuko niya sa kanyang palad. Kahit si Diana hindi mapigilang tignan si Yolanda ng hindi makapaniwala. Tinignan ni Yolanda si Michael ng seryoso bago siya humarap sa pinto. Binuksan niya ito at naglaho sa kanto noong sinabi niya, “Dahil ako siya.” Nag-echo sa kuwarto ang mga salita niya. Sinabi niya na siya si Jess Harrington! Si Diana at iba pa ay suminghal dito. “Baliw ka na. Ang akala ko nag-aral ka noong malaman mo na imbitado ka sa art exhibit, pero hibang ka na! Ang lakas ng loob mo na sabihing ikaw ang kilalang artist? “Masaya sana ako kung ang talino mo ay abot kahit sa kalahati ng talino ni Yvonne at tumigil ka na sa delingkwente mong kalokohan na nagdala sa iyo sa juvenile detention center. Pero sa kasamaang palad, pinatunayan mo na isa ka lamang kahihiyan!” Totoo na hindi niya kasing talino halos si Yvonne noon, pero iba na ngayon. Kung pipiliin ni Yolanda na maging matalino mismo, wala siyang katapat. … Matapos lisanin ang study, bumalik si Yolanda sa kuwarto niya at binuksan ang computer. Ang kailangan lang niya gawin ngayon ay alisin ang lason mula sa katawan niya, ibalik ang dati niyang lakas, at bumalik sa pamilya Hoffman ng Creybia. Nagtype siya sa keyboard niya gamit ang matataba niyang mga daliri habang nagtytype ng mahahabang mga code. Ang screen ng computer ay kumurap at nagrefresh ang screen at naredirect. Ilang mga beep ang maririnig at pop-ups ang nagpakita. “Hacking bank system… Please key in the password… Decoding… Please key in relevant code.” Isang beep pa ulit ang maririnig at ang encryption ay nadecode na. “Decoding successful. Please key in the name of the card holder,” ipinakitang mensahe ng pop-up. Itinype ni Yolanda ang pangalang na nagtatapos sa “Hoffman.” Makalipas ang ilang segundo, nagdeklara ang computer gamit ang pop-up,” Decoding successful!” Lumapit si Yolanda sa screen at tinitigan ang transaction amount. Napangiti siya ng bumulong siya, “Pasensiya na, Rowan.” Hindi siya nagnanakaw sa bangko, pero dahil frozen ang account niya dahil kay Nydia, wala siyang magagawa kung hindi humiram mula sa kapatid niya. Samantala, sa isang skyscraper sa Cryebia, apat na mga lalake na nasa 20 ang edad ang nasa couch. Ang nakasandal sa floor-to-ceiling window ay nakasuot ng puti na blouse at mayroon siyang dalawang bitones na maluwag para makita ang hulmado niyang dibdib. Ang payat niyang mga daliri ay nakabalot sa phone niya habang nag-iiscroll siya dito. May mapaglarong ngiti sa mga labi niya ng malamig niyang sabihin, “Tama si Isaac. Kung hindi pumunta si Nydia sa misyon na iyon para kay Yulie, si Yulie sana ang namatay sa aksidente. “Kaya napagdesisyunan na tayong apat ay mananatili sa tabi niya. Ang kahit na sinong manakit sa kanya ay madudurog kasama ang buong pamilya niya.” Noong nagmadali ang apat na magkakapatid sa plane crash, ang katawan ni Yulia ay narecover mula sa mga labi. Matapos ang ilang mga test na ginawa ng coroner, nakumpirma na ang biktima ay hindi si Yulia, kung hindi si Nydia, ang inampon anak na babae ng pamilya Hoffman. “Tama si Rowan.” Nagsalita ang lalakeng nakasandal sa pader at nakasuot ng suit, mabagal siyang tumingala at idinagdag, “Masuwerte siyang nakaligtas ngayon, pero baka hindi na siya suwertihin sa susunod. Hindi mabilang na mga tao ang umaasa na mamamatay na siya. “Pero… sa hindi maipaliwanag na dahilan, pakiramdam ko na parang wala sa sarili si Yulia. Mukhang iba siya noong umuwi siya, hindi ba ninyo pansin?” Ang ibang mga lalake ay malalim ang iniisip at mukhang nagpapakababad sa guilt at tinignan ang istriktong kapatid nila na suot ang itim na suit. “Sangayon ako sa iyo, Caleb. Mukhang iba siya ngayon. Pero ang itsura niya at ugali ay tulad ni Yulia. “Kahit ang lakas niya at pagkakaalala sa mga nakaraang detalye ay tugma sa mga karanasan ni Yulia. Hindi naman siguro siya natrauma sa false alarm, sa tingin mo, Caleb?” “Hindi,” sumagot ang lalakeng nakasuot ng suit. Sumingkit ang mga mata niya at makikitang napapaisip siya sa kanyang mga mata ng magsalita siya, “Pakiramdam ko lang. Hindi ko mapigilan na itatayo ko ang buhay ko kapag nakikita ko siya. Pero baka ganoon lang ang dating niya para mapaluhod ang sino sa kanya.” Pero, kahit na pareho ang katangian niya kay Yulia, mapa boses, itsura, nakaugaliang pamumuhay, kakayahan o alaala, hindi mapigilan ni Caleb Hoffman isiping nagbago ang kapatid niya. Matagal ang katahimikan nila pero nasira ito ng masigasig na tunog. Isa itong message notification mula sa phone ni Rowan. Tinigna niya ang screen, at nanlaki ang mga mata niya na tila ba nakabasa siya ng bagay na hindi niya maintindihan. “Pambihira? Paano ito nangyari?” Napatingin ang tatlo sa kanya dahil sa naguguluhan niyang ekspresyon. Tinitigan ni Rowan ang message ng matagal bago siya tumingala. Hindi pa rin siya makapaniwala ng sabihin niya, “Isang milyong dolyar ang na-debit sa international bank account ko isang minuto ang nakararaan!” “Isang milyong dolyarl ang naman, hindi ito malaking—sandali, ang sinabi mo ba ay isang milyong dolyar? Caleb, ikaw ba ang nasa likod nito?” “Hindi,” sagot ni Caleb, “Kung ako ito, bilyon sana ang mawawala sa kanya.” “Sinong may gawa nito kung ganoon?” Sino nga kaya? Sino pa ang maaaring ihack ang account ni Rowan para magnakaw ng isang milyong dolyar mula sa kanya? Hindi ito problema sa pera kung hindi sa seguridad. Ang bangko nga naman nila ay may anti-breaching system na gawa ng pinakamagaling na hacker sa mundo. Pero, nanakawan pa din si Rowan! “Isang tao lang ang kayang lampasan ang security system ng bangko natin… Ibig sabihin… si Yulia! Si Yulie! Siya lang ang may kakayahan na pasukin ang system.” Ang apat na mga lalake ay hindi makapaniwalang nagtinginan. Nagdilim ang mga mukha nila ng inilabas ni Rowan ang phone niya at tinrack ang IP address location. Nagulat siya dahil ang nagnakaw ng pera niya ay hindi mula sa Cryebia, kung hindi sa Riverdale. “Ang hacking ay hindi naganap sa Cryebia. Ibig sabihin na hindi si Yulia ito?” si Caleb, na karaniwang kalmado ay biglaang nataranta. Kung hindi si Yulia ang may gawa nito, sino? Bakit isang milyong dolyar lang ang ninakaw nila? Tinignan ni Caleb ang iba at nagsalubong ang mga kilay niya. Sinabi niya, “Rowan, pumunta ka sa Riverdale at hanapin ang nanghack sa bank system natin kahit na anong mangyari!” Kaibigan man ito o kaaway, anupaman ang dahilan nila, ang magkakapatid na Hoffman ay determinadong hanapin ang pasaway. Habang papunta si Rowan sa Riverdale, ang bagong mayaman na si Yolanda ay nilisan ang Henderson residence at tumungo sa pinakamalaking ospital sa Riverdale. Hindi niya nakalampas ang publikong panghuhusga ng mga tao habang naglalakad siya sa kalye. Ang ilan pa sa kanila ay nakilala siya na babaeng kleptomaniac at napunta sa juvenile detention center ng tatlong taon. May nandidiri pa na nagsabi habang nagkukumento ang iba, “Ugh, nakakasuka ang mukha niya.” Kahit ang mga nurse sa ospital ay iniwasan si Yolanda habang nakangisi, “Grabe, para siyang mga bagay na nasa bangungot!” Hindi binigyan ng pansin ni Yolanda ang mga salitang sinambit sa kanya. Aalis na sana siya matapos kunin ang prescription ng makarinig siya ng sumisigaw. “Doktor! Kailangan ko ng doktor dito! Pakiusap, tulungan ninyo kami!”

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.