Webfic
Open the Webfic App to read more wonderful content

Kabanata 3

Nagpatuloy si Nydia, “Ang taong namatay sa plane crash kahapon ay si Nydia, na pumunta sa assignment para sa akin.” Halos suminghal si Yolanda sa kasinungalingan. Namatay si Nydiya sa plane crash kahapon? Kalokohan! Totoo na is Nydia ang in charge sa pag-inspeksyon ng eroplano bago ito lumipad, pero wala siya on-site sa araw ng misyong iyon. Alam ni Isaac na misan si Nydia ang pupunta sa mga assignment para kay Yulia, pero mukhang sinabihan siya ng ibang kuwento sa pagkakataong ito—na si Nydia ang namatay sa eroplano at si Yulia ay okay lang sa bahay. Nagalit si Yolanda ng ibaba niya ang phone at ihagis ito sa lamesa, bumulong siya, “Mas ambisyosa ka pa pala kaysa sa inaasahan ko.” Planado ni Nydia ang plane crash para makuha niya ang puwesto ni Yulia bilang tagapagmana ng pamilya Hoffman. Sa kasamaang palad, walang intensyon si Yolanda na hayaan si Nydia sa mga plano niya. Ngunit, kahit na ipinanganak na siya muli, hindi makapaghiganti si Yolanda. Hindi niya madedepensahan ang sarili niya sa katawang ito, na nasayang lang sa juvenile detention center. At mas mahalaga pa, hindi pa niya naaalis ang mabagal na lason sa katawan niya. Kung magpapakita siya sa Hoffman residence ng ganito, walang duda na mapapatay siya ng mga assassin na naghihintay mang-ambush. … Sa sumunod na umaga, si Michael Green, ang painting instructor na inupahan ni Diana, ay nagpakita sa living room ng Henderson residence. Siya ay nasa 40s ang edad at naging sikat sa Riverdale. Sa loob ng Study, tinignan niya si Yvonne at sinabi, “Ito siguro ang magandang si Ms. Yvonne Henderson. Sinasabi ko sa mga kakilala ko na ang pamilya Henderson ay may prodigy sa kanila. Kahanga-hanga na maganda ang nagawa niya sa high school entrance exam nila para alukin ng puwesto ng top-tier high school.” Ngumiti si Yvonne ng mahiyain sa painting instructor. “Ikinagagalak ko na makilala ka, Sir.” Maganda ang mukha niya at mahinhin siya magsalita na babae. Ang kahit na sinong makakita sa kanya ay hindi mapipigilan ang sarili na iispoil siya, hindi tulad ni Yolanda. Kahit na hindi siya maganda, gusto ni Yolanda na ilhim ang mga bagay at umaasta na tila nakahihigit siya sa lahat. Matapos purihin si Yvonne ng ilang beses pa, tinignan na sawakas ni Michael si Yolanda. “At sino naman ito?” “Si Yolanda Henderson.” “Yolanda?” inulit ni Michael. Ang ngiti niya ay nawala at makikita ang panlalait sa mga mata niya. “Nakalaya ka na mula sa juvenile detention center kahapon, hindi ba? Sa tingin ko hindi ka pa natututo ng traditional painting noon.” Umasim ang ekspresyon ni Diana ng mabanggit ang juvenile detention center at ipinuntong tanong ni Michael. “Hindi pa, pero sapat na ang inaral ko para alam ko ang gagawin ko,” sambit ni Yolanda. Hindi lang iyon, pero namaster na niya ito. Makikita ang masamang kinanag sa mga mata ni Yvonne ng marinig ang sinabi ni Yolanda. Naisip niya na ito ang pinakamalaking biro na narinig niya. Imposible na malaman ni Yolanda kung ano ang paintbrush kung hindi naman siya nagpinta kahit na kailan. Pinagalitan siya ni Michael,” Yolanda, hindi magandang ugali ang maging arogante. Tama lang na aminin mo na hindi mo pa naaaral ang isang field. Puwede ko ito ituro sa iyo basta willing ka matuto. Hindi ka matutulungan ng pride mo.” Taas noo si Yolanda at tinignan si Michael mula sa ilong niya. Totoo na namaster na niya ang traditional painting—internationally renowned painter pa siya. Ang likha niya ay nagkakahalaga ng milyung-milyon kada piraso! “Mahigit sa 300 na pamosong mga painting ang ipapakita sa art exhibition, pero ang bida ng palabas ay ang painting na ginawa ng wala pang isang minuto ng pamosong pintor limang taon na ang nakararaan,” walang pakielam na sinabi ni Yolanda. “Yolanda!” nagalit si Michael ng mapagtanto niyang nakikipagtalo siya sa kanya. “Hindi ka ba nakikinig sa akin? Ang exhibition ay magaganap sa loob ng dalawang araw. Wala kang matututunan kung ipagpapatuloy mo ang ganyang ugali mo!” Tumingala si Yolanda at tinignan ang mga mata niya ng walang ekspresyon. “Anong kailangan mo matutunan mo sa taong hindi naman mas talentado sa akin?” Nanigas si Michael. Napaisip siya kung mali ba ang narinig niya. Hindi pa siya nakakakilala ng ganito kabastos na estudyante buong buhay niya. Malagim niyang sinabi, “Nakikita ko na kung anong ibig nilang sabihin ng sinabi na magkaiba ang mga anak na babae ng pamilya Henderson. Kung napakatalino mo, bakit hindi mo sabihin sa akin ang tungkol sa pintor na gumawa ng painting na ito?” Sa sumunod na sandali, ang artwork na tila tunay ay nagpakita sa screen ng study wall. Nakilala ito ni Yolanda ng isang tingin lang. Hindi lang niya ito nakilala, pero siya ang pintor nito. Ngunit, ang ipinapakitang imahe ay peke, ginaya ito ng isang eksperto. “Well, Yolanda? Sabihin mo sa amin kung kaninong painting ito. Ipakita mo sa amin ang artistic knowledge mo,” sambit ni Yvonne habang nakangiti na mapanglait. Sa pagkakaalam ni Yolanda, garapalan siyang nilalait. Hindi mapigilan ni Michael na suminghal sa blangkong ekspresyon ni Yolanda habang nakatitig sa painting. “Wala na akong nakikitang punto sa pag-aaksaya ng oras ko at effort sa estudyanteng delingkwente tulad mo. Siguro dapat ikunsidera ng nanay mo na kumuha ng ibang tao para sa trabaho.” Binigyan niya ng diin ang salitang “delingkwente”. Kumaway siya at tumungo sa pinto. Sa oras na iyon, kakapasok lang ni Diana sa study room ng marinig niya ang komosyon. Noong nakita niyang galit na patungo sa pinto si Michael, naaalarma siyang nagtanong, “Mr. Green, anong nangyari?” “Ma.” Tumayo si Yvonne at ipinaliwanag, “Sinabi ni Yolanda na sapat na ang alam niya sa traditional painting , at hindi sapat na teacher si Mr. Green para sa kanya. “Pero wala siyang masabi ng may itinanong na painting si Mr. Green. Bakit niya iyon ginawa? Ang art exhibition ay sa loob ng dalawang araw. Hindi siya puwedeng magkunwari na alam niya ang mga bagay na hindi niya…” Disappointed ng husto si Diana sa paliwanag ni Yvonne. Lumapit siya kay Yolanda at handa na sana siyang sampalin sa mukha. Sa oras na iyon, tinitigan ng nakakatakot ni Yolanda si Diana. Kita sa mga mata niya ang pagiging bayolente, at nanginig si Diana at binawi ang kanyang kamay. Noong napagtanto niya ang nangyari, galit niyang sinabi, “Ginagalit mo ba ako hanggang sa mamatay ako, Yolanda? Wala bang itinuro ang tatlong taon sa iyo sa juvenile detention center?” “Ibang bagay ang magnakaw at mapasok sa gulo, pero ang gumawa ng mga istorya na eksperto ka sa isang bagay? Garapalang kabastusan na ito! Bakit hindi ka puwede maging masunurin at matutong lumugar tulad ni Yvonne?” Nawala si Yolanda sa mga iniisip niya dahil sa mga sinambit ni Diana. Umiwas siya ng tingin mula sa painting at nakita na nakangisi si Yvonne sa likod ni Diana. Natutuwa si Yvonne na makita siyang walang kuwenta ang lagay. Kung masusunod ang gusto niya, dudurugin niya sa ilalim ng kanyang paa si Yolanda buong buhay niya. Peromali si Yvonne, dahil natahimik siya at hindi nakapagsalita sa sinabi ni Yolanda. “Ang painting ay tinatawag na The Great Country. Ito ay nilikha noong mid-September dalawang taon na ang nakararaan, at naging debut painting ng kilalang pinto na si Simon Carter, ng Artists Association sa Creybia. “Ang painting ay nagkakahalaga ng 13 milyong dolyar, pero sa kasamaang palad, hindi ito ang tunay na painting. Isa ito sa apat na replica sa collection ni Simon. Ang tunay ay likha ni Jess Harrington, isang sikat na artist na mayroon lamang tatlong painting sa pangalan niya, at bawat isa sa kanila ay daang milyong dolyar ang halaga. “Hindi pa siya nagpipinta ng kahit na anopagkatapos ng naunang tatlo sa collection niya, kung saan sobrang rare ang likha niya sa market. Kaya, ang original na mga piraso ay nireplicate ng kilalang artist at isa ito sa kanila!” Tahimik ng sobra sa kuwarto. Napanganga si Diana kay Yolanda, ang galit sa mga mata niya ay napalitan ng gulat. Ang mapanglait na ngiti ni Yvonne ay nawala habang nakatitig siya sa babae sa screen. Kalmado, sigurado at kumpiyansang nagsalita si Yolanda. Ang arogante niyanga tono ay hindi kontra sa dating niya. Paano nagmumula ang ganitong dating sa isang babae na third-rate ng pamilya Henderson? Ngunit, ang hindi magandang pakiramdam ni Yvonne ay kumalma ng maalala niyang basura si Yolanda. Marahil inimbento lang niya ang tungkol kay Jess Harrington. Sumimangot si Yvonne at sinabi, “Yolanda, anong sinasabi mo? Sino itong sikat na Jess Harrington na binanggit mo? Huwag ka magsalita ng kung ano-ano kay Mr. Green kung wala kang alam sa art.” Pero sa mga oras na iyon, nangyari ang hindi inaasahan.

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.