Kabanata 2
Nakita ni Yolanda ang panghahamak sa tono ni Diana. Unti-unti siyang tumingin habang napunta ang malinaw at tuso niyang titig sa nakatatandang babae.
Nagtanong siya, “Anong ibig mo sabihin na hindi ako puwede dumaan sa pinto sa harap?”
May sasabihin sana si Diana ng biglaang si Zora, na nasa living room, ay pumunta sa pinto sa harap. Maririnig ang tunog ng high heels niya sa makintab na sahig habang palapit kay Yolanda at mayabang ang ngiti.
Noong makita ng malapitan si Yolanda, nagulat siya, “Grabe! Yolanda, ikaw ba iyan? Anong ginawa sa iyo sa tatlong taon mo sa juvenile detention center? Saan nanggaling ang dagdag na timbang mo?
“Diana, dapat mo dalhin ang anak mo sa dermatologist bago pa magkapeklat ang mukha niya dahil sa acne! Hindi mo gusto na magtakbuhan ang mga lalake kapag nakita siya, hindi ba? Masama na nga dahil wala siyang talento at walang ambisyon na estudyante, pero ang mawala din ang magandang mukha…”
Ang mga salita niya ay parang patalim na sumugat kay Diana. Noon, ganoon din ang sinambit ni Diana tungkol sa anak ng pamilya Zora noong nandoon si Yvonne, pero dahil lang sa talentadong bata si Yvonne.
Ngayon at nagbalik na si Yolanda, pabor na ngayon ang sitwasyon kay Zora.
“Oh, naalala ko bigla. Dahil parating na ang bagong term ng school, ang pangit na grades ni Yolanda at hindi magandang ugaling naka recordng permanente ay dahilan para mag-alala. Hindi siya makakapasok sa mga first-rate na school.
“May pinsan ako na vice principal ng school. Dadalo siya sa exhibition sa loob ng tatlong araw. Baka puwede mo isama si Yolanda, at maipapakilala ko kayo,” alok ni Zora.
Natakpan ng mayabang na ekspresyon ni Zora ang kanyang kabutihang loob. Nakita ni Yolanda ang pag-arte niya at nakielam siya, “Hindi na, salamat. Ang admission exam na kukunin ko ay para sa best high-school sa continent.”
Noong marinig ito, nanigas si Diana. Kahit si Zora ay hindi makapaniwalang tinignan si Yolanda. Sa hindi maintindihang rason, pakiramdam niya nanliliit siya sa mga mata ni Yolanda. Na tila mas makapangyarihan si Yolanda sa kanya.
Nagsalita si Yolanda ng tiyak at hindi nagbigay ng puwang para sa tanong.
“Ang best high school? Anong talento o academic achievements ang mayroon ka?” galit na tanong ni Diana. Nagalit siya kay Yolanda matapos indahin ang panggagalit ni Zora. “Hindi sana ako magmamakaawa sa mga pabor kung nasa kalahati ka man lang ng talino ni Yvonne!”
Pagkatapos, humarap siya kay Zora. “Ang bait mo naman Zora, pero, hindi namin dadalhin si Yolanda sa art exhibition. Sa halip, si Yvonne ang sasama sa akin!”
Malamig na tinignan ni Yolanda si Diana habang ang mga salitang “kalahati ka man lang sa talino ni Yvonne” ay nag-eecho sa isip niya.
“Diana, kailangan mo ibalik sa lipunan si Yolanda ngayon at nakalabas na siya ng juvenile detention center. Hindi puwede na ang karamihan sa lipunan natin ay tawagin ka na masamang ina at inuuna ang pansariling kapakanan lang,” ipinunto ni Zora. Tinakpan niya ang bibig niya, pero bago siya napasinghot at umalis ng bahay.
Mukhang nakalunok ng langaw si Diana. Nagsisimula siyang marinig ang tungkol sa juvenile detention center.
“Kasalanan mo itong lahat!” galit niyang sinabi kay Yolanda. “Masaya ka na ngayon?”
Tumitig siya ng matindi sa mukha ng babaeng nasa harapan niya na puro acne. Paano siya nag-silang ng ganito kapangit? Bakit wala siya ng ganda at talino ni Yvonne?
“Kukuha ako ng painting instructor para simulan ka na turuan bukas. Hindiko gusto na ipahiya mo ako sa kawalan mo ng muwang kapang nagpakita ka na sa art exhibition,” dagdag ni Diana habang galit siyang bumalik sa living room.
Dahil naiwan siya sa tapat ng pinto, tinignan ni Yolanda ang paligid ng Henderson residence. Ang mga mata niya ay malamig habang nakatitig sa papaatras na pigura ni Diana. “So, ito pala ang ibig sabihin ng mga kapatid ko sa favoritism.”
…
Binigyan ng kuwarto si Yolanda sa second floor. Tumigil siya sa tapat ng master bedroom, na kuwarto din ni Yvonne, noong dumaan siya dito. Sinulyapan niya ang kuwarto ni Yvonne, na magara ang mga dekorasyon.
Para sa kuwarto ni Yolanda, sobrang basic nito na pati ang desktop ay sobrang luma na at ang laki pa na malaki ang kinakaing espasyo.
“Ito ang kuwarto ni Yvonne,” ipinaalam ni Diana ng makita niyang nakatingin si Yolanda sa kuwarto ni Yvonne. Idinagdag niya ng madiin, “Ang kuwarto mo ay sa kabila. Huwag ka magalit dahil yan lang ang nararapat sa iyo. Malapit na makapasok si Yvonne sa isang first-rate university, natural na kanya ang pinakamagandang kuwarto.”
Tumagilid ang ulo ni Yolanda at tinignan si Diana. “Naniniwala ka ba ang pribilehiyo ay para lamang sa mga academically gifted na bata?”
“Oo! At kung papipiliin ako, hindi na sana kita iniluwal. Lagi kang nagnanakaw ng pera at napapabilang sa away noon. Kung hindi lang ito napunan ng mga natamasa ni Yvonne, namatay na sana ako sa kahihiyan!”
Hindi naging mahinhin si Diana sa mga salita niya, pero masyado silang matalim at siguradong nagdulot ng pinsala. Si Yolanda ay ikinunsidera na tuparin ang obligasyon niya bilang anak matapos makuha manahin ang katawang ito mula sa tunay na Yolanda, pero mukhang hindi na niya kailangan umabot sa puntong iyon.
“Hindi ako ang anak mo. Patay na siya,” mahinang sinabi ni Yolanda noong buksan niya ang pinto ng guest room.
“Ikaw—” nanginig ang mga daliri ni Diana at nagkaroon siya ng kagustuhang saktan si Yolanda. “Sa tingin ko ang tatlong taon sa juvenile detention center ay walang naituro sa iyo kung kaya mo pa din na magsalita ng ganyan! Bakit ka pa ba bumalik dito? Dapat namatay ka na doon sa center!”
Narinig ni Yolanda ng malakas at malinaw ang bawat salita, pero hindi siya natinag. Para lamang siyang robot.
Ang repleksyon ng mukha niya ay makikita sa desktop. Ang acne ay kumalat na sa buong mukha niya. Nasira ang mukha niya ay mukha ng konektado ang mga acne. Mas maganda ang itsura niya sa nakaraan niyang buhay, nakakatulala ang ganda niya.
Binuksan niya ang computer at nagsimula na magtype. Pinindot niya ang link na dinala siya sa Intercontinental Web. Ilalagay na niya sana ang password at ipapaalam sa iilang mga miyembro ng circle niya na nabuhay siyang marinig niya ang isang tunog.
May lumabas na pop-up: “Wrong password.”
Sumimangot si Yolanda at itinype muli ang parehong passwrod, pero narinig niya muli ang parehong tunog na indikasyong maling password ang itinype niya.
Imposible ito. Dalawang araw pa lang ang nakararaan simula ng bumagsak ang eroplano, at si Yolanda lang ang nakakaalam sa password para magamit niya ang Intercontinental Web. Nag login pa siya ilang minuto bago siya sumakay sa eroplano.
“Nydia?” bulong niya. Si Nydia Hoffman ay ang inampon na nakababatang kapatid niya, na kaedad niya at pareho sila ng skillset. Siya lang ang nag-iisang nakakaalam din sa password sa Intercontinental Web.
Si Nydia mismo ang pumunta sa mga misyon na dapat ay kay Yulia para sa kanya sa nakaraang buhay niya.
Noong maisip ito, kinuha ni Yolanda ang phone niya at tinawagan ang pamilyar na numero. Ito ang Hoffman landlinesa Creybia.
Kumonekta ang tawag matapos ang ilang ring. “Hello, nakakonekta ka sa pamilya Hoffman. Sino ang nasa linya?” maririnig ang boses ng pagod na butler.
“Gusto ko makausap si Isaac,” sambit ni Yolanda.
Kinilabutan ang butler ng marinig ang pamilyar na malamig na boses. Ang boses ay iba, pero natakot pa din siya. “Sino… Sino ka? Magpakilala ka!”
“Michael, sinong nasa linya?”
Bigla, isang boses na pamilyar ang maririnig sa background. Pakiramam ni Yolanda tumigil ang hangin sa paligid niya.
“Ms. Hoffman, ang tao sa kabilang linya ay gustong makausap si Isaac,” sambit ni Michael Green, na butler.
“Isaac? Heto, ibigay mo ang phone sa akin,” sambit ng babae sa background. Matapos makuha ang phone, inilagay niya ito sa tenga niya at ginamit ang tono na madalas gamitin ni Yulia sa nakaraang buhay niya, “Sino ito?”
Simpleng tanong lang ito para kung ano-ano ang maisip ni Yolanda.
Naisip niya ang misyon na pinuntahan niya at pagsabog ng eroplano. Hindi lang iyon simpleng plane crash tulad ng pinaniniwalaan niya noong una.
Nagdilim ang mga mata ni Yolanda ng sinabi niya, “Si Yulia lang ang nag-iisang Ms. Hoffman sa bahay, at namatay siya sa plane crash kagabi. Sino ka?”
Ang kuwestiyon ay nanatili sa ere. May katahimikan bago kinilabutan si Yolanda sa sinabi ng tao sa kabilang linya. Ang mga salitang sinabi niya ay pinakamalaking kalokohan na narinig ni Yolanda: “Ako si Yulia.”