Webfic
Open the Webfic App to read more wonderful content

Kabanata 1

“Si Yulia Hoffman ay isang tagapagmana ng pinakamayamang pamilya sa Creybia. Kilala din siya bilang chairperson of Global-50 Hoffman Group at nakilala bilang prodigy ni Hestia. “Sumali siya sa mercenary group sampung taon na ang nakararaan at naging top assassin sa mundo makalipas ang apat na taon. “Apat na taon ang nakararaan, naging top professor siya sa world-class healthcare. Tatlong taon ang nakararaan, top siya sa World Hacker List. “Sa murang edad na 17, naging racing champion siya. Isang taon lang ang nakararaan, sinetup niya ang Grave Forces at tinalo ang martial arts champion ng Southease Eridonia. “Naging pangunahing puwersa siya sa bansa at founder ng underworld. Sayang lang, ang prodigy mismo ay namatay… isa isang masalimuot na plane crash ngayon 3:00 am ngayon. 19 na taong gulang pa lamang siya.” Iniulat ang biglaang trahedya noong 9:19 am, at ang sobrang tindi ng balita kung saang nayanig ang mundo. Ang kilala at nakakasindak na si Yulia Hoffman ay namatay. “Yulia!” Yulia. Yolanda. Ang boses na tumawag sa kanya ay putol putol at malayo. Kaninong boses iyon? May matinding kagustuhan pumatay sa mga mata ng young lady ng imulat niya ang kanyang mga mata. Ang mga buto niya ay masakit, at hindi niya mapigilang masahihin ang mga sentido niya. Sa sumunod na sandali, ang mga mata ni Yulia ay napunta sa chubby mga kamay sa harap niya. Tumitig siya. Hindi niya ito mga kamay! Ang mga kamay niya ay payat at maselan kahit na maraming araw na siyang may hawak na baril. “Nasaan ako?” bulong niya ng walang direktang tinatanong. Nainis siya ng biglaang sumagi sa isip niya ang maraming impormasyon: “Ang pangalan ko ay Yolanda Henderson, at isa akong rebeldeng young lady na ipinadala sa juvenile detention center matapos ako mahuli ng mga magulang ko na nagnanakaw…” Kumurap si Yulia. Siya si Yolanda Henderson—ang tagapagmana ng pamilya Henderson kung saan ang pamilya ay mula sa Riverdale. Ang kambal niya, si Yvonne Henderson, ay nagselos at kinamuhian siya dahil sa ganda niya at matalas na isip habang lumalaki sila. Dahil umaasa siyang manakaw ang pagmamahal ng mga magulang niya para sa kanyang sarili, pinagbintangan niya si Yolanda at sinetup siya para maging bangungot ng mga magulang nila. Pinagmukha siya ni Yvonne na walang kuwetang babae na mahilig makipag-away, nangaakit ng lalake, at nakikipaglaro sa mga lalake pagkatapos ng klase, at may kleptomaniac na ugali. Sa huli, dahil ipinilit ito ni Yvonne, ang mga magulang niya ay nagdesisyon, nagdesisyon ang mga magulang niya na ipadala si Yolanda sa juvenile detention center. Tatlong taon na simula ng dalhin si Yolanda sa center. Magaling ka, Yvonne. Nangako si Yulia na ipaghihiganti niya si Yolanda. “Yolanda, ang pamilya mo ay nandito para ihatid ka pauwi,” sambit ng warder, na ang boses ay malamig at walang pakielam sa emosyon noong hinatak nito pabalik si Yulia mula sa mga iniisip niya. Tumingin siya sa paligid at tinandaan ang basic at lumang selda kung saan siya ikinulong. Isang bowl ng mainit na oatmeal, na dinala kailan lang, ay nasa tuktok ng lamesa sa tapat ng kuwarto. Sinulyapan lang niya ang oatmeal at alam agad na may lason ito, isang imported na mabagal umepektong lason. Ang madalas na pagkain ng lason ay magdudulot ng pag-iipon ng lason sa loob ng katawan, at kasama sa epekto nito ay dagdag ng timbang at pabalik-balik na acne. Ang taong kakain nito ay mamamatay sa loob ng tatlong taon ng walang duda. Nagkataon na ngayon ang ikatlong taon ni Yolanda sa juvenile detention center. “10:00 am na ng ika-20 ng Agosto, at kakadating lang ng emergency news. Ang private charter jet na may carrier number HY0921 ay sumabog at bumagsak noong 12:03 am kahapon ng umaga. “Ang biktima ay si Yulia Hoffman, na tagapagmana ng mayamang pamilya sa Creybia, at pinakabatang chairperson ng Hoffman Group. 19 na taong gulang pa lang siya noong siya ay namatay…” Maririnig ang balita mula sa telebisyon sa main lobby ng juvenile detention center. Humarap doon si Yulia para panoorin ito, ang malamig niyang mga mata ay napunta sa imahe sa natira sa eroplanong kumukurap sa screen. Ang mga nagtatangkaran mga anino ng apat na lalake ay nakitang naghahalungkat sa eroplano at desperadong tinatawag ang dati niyang pangalan. “Yulie! Yulie…” Ang ikawala sa nakatatanda niyang mga kapatid, si Isaac Hoffman, ay bumubulong, “Huwag ka mag-alala, Yulie. Nandito ako! Naparito ako para sunduin ka… Hindi puwedeng patay ka na. Hindi mo ako puwedeng iwan ng ganito…” Tumagilid ang ulo ni Yulia habang ang walang ekspresyon niyang titig ay kukurap. Napangiti siya, pero ang ngiti niya ay hindi umabot sa kanyang mga mata, “Buhay ako, Isaac. Hintayin mo ako na umuwi.” Matapos iyon, tumalikod siya at sinundan ang butler na nagbalik para iuwi siya mula sa juvenile detention center. Ngunit, noong tumalikod siya, isang nakasisindak na pigura ang nagpakita sa screen. Tumayo ito isang daang yarda ang layo mula sa eksena ng plane crash. Sinuri niya ang eksena ng trahedya gamit ang itim na mga mata habang hindi mapakali ang mga tao sa paghahanap ng bangkay ni Yulia sa mga labi. Idiniin niya ang kamay niya sa kanyang dibdib at nakahinga ng maluwag habang makikita ang lambing sa mga mata. “Hindi dumudugo ang puso ko, kaya ibig sabihin buhay ka kung saan. Mabuti. Nahanap na din kita sawakas.” … Sa Henderson residence, si Diana Whitmore ay nakaupo sa couch at nakangiti habang si Zora Xenid ay nakaupo sa tapat niya. “Pambihira, Diana. Nagulat ako dahil nandito ka pa din. Hindi ba’t makakalaya na mula sa juvenile detention center ang pinakamatanda mong anak na babae? Hindi mo ba gusto na nandoon ka para sa kanya?” tanong ni Zora, alam niyang maiinis si Diana. Ang pamilya Xenid ay mas prestihiyoso kaysa sa pamilya Henderson. Ngunit, si Yvonne, na pinakabatang anak ng pamilya Henderson, ay mas gifted pagdating sa talento at academics kung para sa tagapagmana ng pamilya Xenid. Sa nakalipas na mga taon, napilitan si Zora na mabuhay sa anino ni Diana dahil lang sa ang anak niya ay hindi kasing galing ni Yvonne. Pero matapos marinig na makakalaya na ngayon si Yolanda, napagdesisyunan ni Zora na dumalaw sa Henderson residence para hintayin ang pagbabalik at hamakin si Diana para dito. “Inutusan ko ang butler ko na pumunta para sa akin,” paliwanag ni Diana. Ang ngiti niya ay patigas ng patigas habang nagsasalita siya, “Malapit na magsimula ang tutoring session ni Yvonne. Pasensiya na at kailangan ko na mauna, Mrs. Xenid. Siguro okay lang sa iyo na bumalik sa ibang—” “Okay lang. Puwede ako maghintay,” pilit ni Zora ng maramdaman niyang hindi mapakali si Diana. Ngumiti siya ng masama at idinagdag, “Bukod pa doon, tatlong taon na ng huli ko na makita si Yolanda. Naaalala mo ba kung anong klaseng sakit sa ulo siya? Madalas siyang mapasabak sa gulo at nagnanakaw… napapaisip ako kung nabago na siya ng juvenile detention center.” Malinaw ito at garapalang panlalait. Hindi mapigilan ni Diana magulat. Maganda ang dating niya sa lipunan dahil sa mga natamasa ni Yvonne, pero sinisira ni Yolanda ang kanyang reputasyon at sinasayang ang lahat. Sa oras na iyon, may mahinang preno na maririnig sa labas ng bahay, na indikasyong may tumigil sa sasakyan. Narinig ito ni Diana at agad na tumungo sa pinto. Panlalait at pandidiri ang makikita sa mga mata niya ng makita niya si Yolanda na nakatayo sa tapat ng pinto. Naging mataba na siya at puro acne sa mukha. “Mrs. Henderson, nakauwi na si Ms. Yolanda,” anunsiyo ng kanyang butler, si Otis Pierson. Halos tinignan lang ni Diana si Yolanda. Tila ba hindi niya anak si Yolanda. Tumagilid ang ulo niya at sinabi kay Otis,” May bisita tayo. Huwag kayo dumaan sa pinto sa harap, dalhin mo si Yolanda sa likod na pinto. Huwag mo hahayaan na makita ni Mrs. Xenid ang pangit na bruhang ito!”
Previous Chapter
1/100Next Chapter

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.