Webfic
Open the Webfic App to read more wonderful content

Kabanata 10

Tumigil sandali si Yvonne. Pagkatapos, sabik niyang sinabi, “Matagal ko ng gusto na mapabilang sa Traditional Painting major sa Creydia University!” “Pero, hindi pa ako nakakilala ng mabuting teacher para gabayan ako. Sa tingin ko puwede pa mag-improve ang painting skills ko.” Alam ni Yvonne na habang mas humble ang dating niya sa harap ni Charlie, mas lalo siyang magkakaroon ng magandang impresyon sa kanya sa art discussion na magaganap mamaya. “Okayl ang. Kung gusto mo na umattend sa art exam namin, tawagan mo ako anumang oras.” Mukhang gusto ni Charlie si Yvonne at ibinigay niya sa kanya ang kanyang name card. “Salamat, Mr. Sullivan!” ngumiti ng matamis si Yvonne at kinuha ang name card gamit ang parehong kamay. Matapos iyon, dumating sila sa huling painting ng exhibition. Ito ang pinakamahal na painting sa gallery. Dahil niresearch na ito ni Yvonne in advance, alam niya kung saan galing ang painting. Kaya, agad niyang sinabi kay Charlie ang sinaulo niya kanina. “Ang painting na ito ay likha ng pinakamagaling na traditional painter ng Havaia, si Jess Harrington. “Low profile lang si Ms. Harrington at may tatlong publikong painting lamang sa kanyang collection. Ang mga painting na iyon ay pagmamayari ng isang private collector ngayon. “Ito ang isa sa mga painting niya! Ang Great Country ay 120 inches ang haba. Noon, maraming artist ang sumubok na gayahin ito. Ang sikat na traditional painter na si Mr. Carter ay sinubukan itong gayahin noong isang taon. “Hindi lang maganda ang painting na ito, pero isa itong novel na nasira ang ilang mga batas ng traditional painting sa mundo noon. “Noong napublish ito, ilang mga criric ang nagsabi na ang painting na ito ay walang elements mula sa traditional painting. “Pero, ang isang perpektong art piece ay kayang subukin ng panahon. Makalipas ang dalawang taon, ang mga critique ng painting niya ay nagbago ng tuluyan ang isip. “Si Ms. Harrington ay naging alamat sa traditional painting world kinalaunan,” sambit ni Yvonne. Maraming naakit sa speech ni Yvonne agad. “Kahit na bata pa siya, ang batang ito ay maalam sa traditional painting. Napakatalentado niya!” “Oo. Iba siya sa anak ko. Hindi na niya ako kinakausap matapos ko siyang isign up para sa traditional painting class.” “Talentado siya at masipag. Ang babaeng ito ay magtatagumpay sa hinaharap!” Noong narinig ni Diana ang mga papuri, dumiretso siya ng tayo at naging proud. Kahit saan siya pumunta, basta isama niya si Yvonne, siya ang magiging sentro ng atensyon ay kaiinggitan ng lahat. Naeenjoy ni Diana ang hangaan ng iba, dahilan para maging willing siya na gastusan si Yvonne. Samtanala, si Yolanda… Tinignan ni Diana si Yolanda at naisip, “Ang magkaroon ng isang anak ay sapat na! Bakit ako binigyan ng kalangitan ng walang kuwentang anak?” Samantala, kumimang ang mga mata ni Charlie. “Paano mo nalaman ang tungkol kay Ms. Harrington?” Kahit na si Jess ay maalamat na artist, ang mga hindi nakakakilala sa traditional painting ay hindi pamilyar sa gawa niya. Bukod pa doon, kakaiba ang painting skills niya, hindi makokopya ng baguhan ang estilo niya. Kaya, hindi kadalasan ipinapakilala ng traditional painting teachers ang gawa ni Jess sa kanila. Natatakot sila na baka hindi ito kayanin ng mga estudyante. Kung susubukan nga naman nila na gayahin siya, magkakaroon lang sila ng problema. Wala sa mga estudyante ni Charlie ang nakakaalam kung sino si Jess, at hindi nila alam ang mga art pieces niya. “Kaunti lang ang alam ko tungkol sa kanya.” Ngumiti si Yvonne ng humble at nagpatuloy, “Bukod pa doon, hindi ako ganoon kagaling. Kailangan ko pa galingan sa pundasyon ko. Kaya, wala akong magagawa kung hindi hangaang ang gawa ni Ms. Harrington, at hindi ko magaya ang style niya. Matapos iyon marinig, lalong natuwa si Charlie. “Mukhang alam na alam mo ang abilidad mo!” Sa oras na marinig siya ng mga tao sa paligid, nagsimula silang magpalakpakan at naging sentro ng atensyon si Yvonne. Samantala, si Yolanda ay tinignan ang art piece mula sa maliit na sulok at agad na nawalan ng gana. Pagkatapos sabihin ni Yvonne ang speech niya, mabagal na sinabi ni Yvonne, “Imitation ang painting na ito.” Ang akala niya hindi malakas ang boses niya, nagsalita siya noong walang nagsasalita, kaya narinig siya ng lahat. Agad silang lahat na nagmukhang seryoso. Bastos na sabihin na ang artwork ay imitation kung walang sapat na ebidensiya. Hindi lang nito mababastos ang mga organizer pero mababastos din ang mga bisita! Sinabi nga naman niya na peke ang isang artwork matapos itong purihin ng marami. Hindi ba’t nakakahiya iyon sa lahat? Tulad ng inaasahan, may malamig na nagsabi, “Ang exhibition na ito ay importanteng event sa cultural festival ng Riverdale. Bakit magkakaroon ng pekeng painting dito?” “Huwag ka magkunwari na alam mo ang lahat! High school student ka, tama? Kahit na gusto mo makakuha ng atensyon, gawin mo ito sa tamang oras!” Nandidiring tinignan ng mga bisita ang mukha ni Yolanda. Dahil sinabi niya na peke ang The Great Country, lalo nila siyang hindi nagustuhan. “Bata ka pang babae ka. Maraming mga eksperto dito, paano mo nagagawang guluhin ang pag-uusap nila?” “hindi mo ba nakikita ang traditional painting expert dito? Hindi niya nakita ang problema sa art piece, kaya bakit mo ito makikita?” “Haha, sa tingin mo ba mas nakahihigit ka kay Mr. Sullivan?” Nagsimulang tumawa ang lahat. Ang karamihan sa kanila ay nilait si Yolanda sa pagiging arogante niya, habang ang iilan sa mga bisita ay tinignan si Charlie habang umaasa. Kung kokontrahin siya ni Charlie, mapipilitan si Yolanda na manahimik. Noong napagtanto ni Charlie na nakatingin sa kanya ang lahat, tinignan niya si Yolanda at naging seryoso ang mukha niya. “Kalokohan ang sinasabi mo! Ang painting na ito ay likha ni Ms. Harrington! Sinong teacher mo? Gusto ko siyang makausap!” “Pasensiya na, Mr. Sullivan. Nakatatanda ko siyang kapatid. Kahit na mahilig siya sa traditional paintings, hindi siya maabilidad sa kanila. Kaya aksidente siyang nagkamali. Huwag ninyo sana siyang sisihin…” “Yolanda! Tumahimik ka kung wala kang nalalaman. Maraming mga sikat na pintor dito, kaya bakit ka nagsasalita ngayon?” gustong-gusto ni Diana na sampalin si Yolanda. Pero dahil may pakielam siya sa kanyang reputasyon sa dami ng nakapalibot sa kanila, nagpigil siya at kinontrol ang sarili niya. “Yolanda, alam ko na kakabalik mo lang, kaya hindi ka kumpiyansa sa sarili mo. Sabik ka siguro na patunayan ang kakayahan mo, pero sa tingin ko dapat magresearch ka muna bago magsalita!” lumapit si Yvonne kay Yolanda at malambing na hinawakan ang kamay niya. “Pasensiya na sa inyong lahat. Ang kapatid ko ay kalokohan lamang ang sinasabi. Hihingi ako ng tawad paras a kanya!” Lalong nagalit ang lahat. “Anong nangyayari? Bakit ang nakatatandang kapatid ay hindi kasing masunurin ng nakababata?” “Hindi mo kasalanan! Hindi mo kailangan humingi ng tawad…” Inalis ni Yolanda ang kamay ni Yvonne at lumapit siya sa painting para obserbahan ito. Ang boses niya ay nakasisindak at kumpiyansa. “Ang Great Country ay peke dahil ang original artist, si Jess, ay may ugaling nag-iiwan siya ng unique signature sa mga painting niya. Ang signature niya ay nasa mga art pieces, at hindi ito makikita ng tagalabas. “Noong nilikha niya ang The Great Country, itinago ni Jess ang pirma niya sa mga bundok sa puwestong ito. Ngunit, walang pirma ang painting na ito!” “Haha!” nagtawanan ang lahat. Tinignan nila si Yolanda na parang hangal. “Hindi ko pa naririnig na ginagawa iyon ni Ms. Harrington!” galit na itinuro ni Charlie ang painting noong humarap siya kay Yolanda. “Bukod pa doon, kahit na totoo ang sinabi mo, paano mo nalaman ang tungkol sa ugali niya? Kahit ang mga tagalabas ay hindi alam kung nasaan ang pirma niya!” “Mr. Sullivan, huwag ka makipagtalo sa aroganteng hangal na yan!” “Gusto lang niya makuha ang atensyon natin. Huwag na natin siyang bigyan ng pansin at hayaan siyang magsalita ng kung ano-ano mag-isa!” sambit ng lahat. Samantala, hinatak ni Yvonne ang manggas ni Yolanda. “Pakiusap, huwag ka na magsalita, Yolanda… “Alam ko na gusto mo patunayan ang sarili mo sa exhibition ngayon, para makapasok ka sa First Academy. Pero, lalo lang papangit ang impresyon ng lahat sa iyo!” Sa oras na matapos magsalita si Yvonne, mapanglait na tinignan ng lahat si Yolanda. “Ano? Sa tingin ba niya makakapasok siya sa First Academy?” “Paano siya makakapasok sa talinong yan? Sa tingin ba niya tatanggap ang First Academy ng basurang tulad niya?”

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.