Webfic
Open the Webfic App to read more wonderful content

Kabanata 11

Matapos harapin ang panlalait ng lahat, yumuko si Yvonne. Para sa mga tagalabas, nalulungkot siya dahil kahihiyan si Yolanda. Pero sa totoo lang, sa isang angulo na walang ibang nakakakita, ngumiti siya ng kuntento. “Mr. Sullivan, pasensiya. Ang nakatatanda kong anak ay wala sa tamang pag-iisip. Huwag ninyo sana siyang pansinin…” sambit ni Diana. “Totoong wala siya sa tamang pag-iisip!” “Pareho mo silang anak, pero ang isa ay magandang ulap sa kalangitan habang ang isa naman ay dumi sa putikan. Hindi ko alam kung paano mo sila tiniruan bialng ina!” nasira ng husto ang magandang mood ni Charlie ng magsalita siya ng masama. Nag-aalala si Diana na baka mabawasan pa ng mga salita ni Yolanda ang tiyansa ni Yvonne na maging teacher si Charlie, kaya pinigilan niya ang galit niya at yumuko siya para humingi ng tawad kay Charlie. “Pasensiya na at nasira ko ang mood mo sa pag-eenjoy sa art exhibition. Iuuwi ko ang anak at didisiplinahin siya!” Matapos iyon sabihin, gusto kunin ni Diana ang braso ni Yolanda para dalhin siya paalis. Bigla, may komosyon sa likod. “Mr. Carter!” “Mr. Carter!” Hindi nagtagal, agad na nagbigay daan ang mga bisita. Pagkatapos, isang nakatatandang lalake ang pumasok kasama ang maraming bodyguard sa tabi niya. Ang nakatatandang lalake ay walang iba kung hindi si Simon, ang iniligtas ni Yolanda sa ospital kamakailan lang. “Anong ingay ito?” Naiinis ng kaunti si Simon. Masama ang maging maingay sa exhibition. Bukod pa doon, kung marmaing tao ang nagtitipon sa isang lugar, maapektuhan ang pag-eenjoy ng iba sa exhibit. “Mr. Carter!” matapos makita si Simon, lumapit agad si Charlie. Tinulungan siya ni Charlie na maglakad sa gitna habang nagpapaliwanag, “Wala ito. May bata na wala sa tamang pag-iisip. Sinabi niya na na ang “The Great Country” na dinala ng organizer ay replica.” Tumigil si Simon sa paglalakad at naging istrikto ang ekspresyon. Pagkatapos, tinignan niya ang painting na nasa pader. Unti-unting hindi makapaniwala ang ekspresyon niya. “Mr. Carter, hindi ka rin makapaniwala, tama? Pero hindi mo kailangan magalit. Tinuruan ko na siya ng leksyon ngayon lang!” itinuro ni Charlie si Yolanda. Noong nakita ni Simon si Yolanda, humanga siya. “Tama siya.” Sa araw na iyon, walang malay si Simon sa ospital, nagising lang siya makalipas ang ilang minuto ng umalis si Yolanda. Narinig niya mula kay Gordon ang tungkol sa nangyari at ang alam lang niya sa nagligtas sa kanya ay anak siya ng pamilya Henderson. Hindi niya kilala si Yolanda. “Mr. Carter, huwag mo siyang pansinin… Anong sinabi mo?” Bago pa matapos si Charlie na magsalita, napagtanto niya ang sinabi ni Simon. Sa oras na iyon, tumahimik ang mga tao sa paligid. “Sinabi ko na tama siya. Ang painting na ito ay replica! “Ang organizer ay nakipagnegosasyon sa private collector para hiramin ang “The Great Country,” pero nabigo ang negosasyon. Kaya, gustong gamitin ng organizer ang replica ko bilang kapalit. “Malinaw na tinanggihan ko ito, pero ang organizer ay ginamit ang painting ko ng walang pahintulot noong naadmit ako sa ospital. Ginaya pa ng organizer ang brush strokes ni Ms. Harrington. Kalokohan ito!” sambit ni Simon. Nanlaki ang mga mata ni Charlie dahil hindi siya makapaniwala. “Mr. Carter, ang sinasabi mo ay replica talaga ang painting na ito?” Natulala ang mga tao sa paligid. Anong nangyayari? Ang daming tao na nandito, kabilang ang mga batikang connoisseurs. Pero, maliban sa babaeng minaliit nila, walang nakapansin na replica ang painting. “Mr. Carter, nagbibiro ka ba?” Maraming mga tao ang hindi naniniwala na replica ito. Matapang pa na nagtanong ang iba. Noong marinig iyon, tinignan ni Yvonne si Simon habang naghihintay ng sagot. Sa mga oras na iyon, isang bagay lang ang nasa isip niya, nagbibiro si Simon. Hindi maalam si Yolanda sa traditional painting, kaya paano niya makikilala na replica ito? Maaring nahulaan lang niya na replica ang painting noon sa bahay, pero kung tama din siya dito, mawawala ang pride ni Yvonne. Hindi matanggap ni Yvonne sa paulit-ulit na nagiging sentro ng atensyon si Yolanda. Gayunpaman, sa oras na nagtanong ang taong iyon, sumigaw si Simon, “Ang art ba ay bagay na puwede nating pagkabiruan?” Matapos iyon, natahimik ang lahat. Tama ang babaeng iyon! Sa oras na ito, ang mga taong nanlait kay Yolanda ng mayabang ay sobrang nahiya at gusto nilang humukay ng butas para ilibing ang mga sarili nila. Dahil mas maalam si Yolanda sa kanila, pakiramdam nila ang mga nakaraang effort nila ay nasayang. “Mr. Carter, hindi ba’t sinabi mo na hindi ka dadalo dahil masama ang pakiramdam mo?” pakiramdam ni Charlie napahiya siya kaya iniba niya agad ang topic. “Naparito ako para may hanapin!” Tumingin si Simon sa paligid at nagtanong, “Nandito ba ang mga miyembro ng pamilya Henderson?” “Ang pamilya Henderson?” Nabigla si Diana at Yvonne. Gayunpaman, sila lang ang pamilya Henderson sa Riverdale City. Dahil upper middle class na pamilya lang sila, hindi sila mayaman para banggitin ni Simon. Kaya, di sila nagsalita. Sumimangot si Yolanda. Pagaktapos, tumalikod siya at naglakad ng tahimik paalis. Gusto niyang lisanin ang exhibition hall dahil alam niya ang gagawin ni Simon. Sa araw na iyon, ginamit niya ang acupuncture para maging stable ang kundisyon niya at hindi siya nagamot ng tuluyan. Natural, gusto siyang hanapin ni Simon noong magising siya. Kung nasa ibang sitwasyon sila, maaaring willing si Yolanda na tulungan si Simon. Pero, masyadong maraming tao sa art exhibition, at hindi niya gusto na maging sentro ng atensyon. Bukod pa doon, nandito si Diana at Yvonne. Kung ipapkaita ni Yolanda ang medical skills niya, mahihirapan siyang magbigay ng paliwanag. Sa pagkakataong ito, nakatingin ang lahat sa pamilya Henderson na binanggit ni Simon. Walang nakapansin na lihim na nakaalis ng hall si Yolanda. Lumipas ang ilang minuto pero walang nagpakilala. “Dumalo ba ang mga miyembro ng pamilya Henderson sa exhibition na ito?” hindi maganda ang pakiramdam ni Simon. Malinaw na nagtanong si Gordon at nakumpirma na ang pamilya Henderson ay dadalo sa art exhibition. Kaya, sa oras na madischarge si Simon mula sa ospital, nagmadali siya agad patungo sa exhibition. “Noong may sakit ako at inadmit sa ospital, may isang tao mula sa pamilya Henderson ang nag-ligtas sa akin. Naparito ako ngayon para pasalamatan siya. Sana ituloy niya ang panggagamot ulit at gamutin ang pabalik-balik kong sakit,” sambit ni Simon. Pagkatapos, nagsimula na kumilos ang lahat at hanapin ang taong iyon mula sa pamilya Henderson. Pero naalala nila na walang pamilya Henderson sa Riverdale City na magaling sa medisina. Kaya, matapos suriin ang lugar ng matagal, nabalisa ang lahat at naguluhan. Si Diana at Yvonne ay naghahanap din para sa taong nagligtas kay Simon. Ngayon, umaasa sila higit kanino man na mahanap ang taong mula sa pamilya Henderson sa lalong madaling panahon. Kung mauuna silang mahanap ang taong iyon, magiging maganda ang impresyon ni Simon sa kanila. Ngunit, kahit na maghanap pa ang mga tao sa exhibition, hindi nila makita ang taong iyon. Bumuntong hininga si Simon. “Hindi ba siya pumunta ngayon?” Kung mahahanap niya ang doktor na nagligtas sa kanya, dalawa o tatlong buwan na lang siyang mabubuhay. “Mr. Carter!” sa oras na ito, ang personal assistant ni Simon, si Gordon, ay nagmadali sa hall. Dahil hindi puwede mapagod si Simon sa kundisyon niya, nakikipagnegosasyon si Gordon sa organizer para kanselahin ang pag-uusap na magaganap mamaya. Pero noong pumasok si Gordon sa hall, nakita niya si Yolanda na nilampasan siya. Habang hinihingal, tumakbo siya patungo kay Simon. “Nakita ko umalis ang babae! Gusto ko siyang pigilan pero masyado akong mabagal. Nagpadala na ako ng mga tao para hanapin siya.” Samantala, kalmado si Simon. Bumuntong hininga lang siya. “Baka tadhana ito.” Tumatanda na siya, kaya dapat magpasalamat siya na puwede pa siyang mabuhay kahit na isang araw pa. Kung hindi niya mahahanap ang babaeng iyon, kailangan niyang tanggapin ang tadhana niya. “Mr. Carter, ay mga tanong ako para sa iyo!” matapos makita si Simon na sumuko na sa paghahanap sa babae, namamadaling lumapit si Yvonne sa kanya. Pero bago siya makalapit, hinarangan siya ni Gordon. “Hindi! Hindi maganda ang kundisyon ni Mr. Carter. Hindi siya maaaring mapagod masyado,” sambit ni Gordon, “Mr. Carter, tutulungan kita pumunta sa lounge.” “Sige.” Tumango si Simon. Hindi niya tinignan si Yvonne at nilisan ang hall kasama si Gordon. Matapos iyon, nanigas si Yvonne ng panoorin niyang umalis si Simon ng venue. Noong nakita ni Diana na malungkot si Yvonne, tinapik niya ang kanyang balikat. “Yvonne, sa tingin ko hindi na tatanggap si Mr. Carter ng mga estudyante. Bukod pa doon, hindi siya kalse ng tao na kaya natin abutin. Okay lang,” pinagaan ni Diana ang loob niya. Noong marinig niya iyon, tumango si Yvonne. Kahit na hindi siya binigyan ng pansin ni Sion, hindi rin niya binigyan ng pansin ang ibang tao. Ano naman kung tama si Yolanda? Si Yvonne ay kahanga-hangang estudyante sa First Academy. Samantala, walang kuwentang basura lang si Yolanda na galing sa juvenile detention center ng tatlong taon at hindi pa makakapasok sa pinakapangit na school. Kahit na si Yolanda ang sentro ng atensyon sa araw na iyon, hindi siya nararapat na tawaging katulong ni Yvonne! “Saan nagpunta ang batang iyon?” Hindi nagtagal, napagtanto ni Diana na nawawala si Yolanda. Madalas na nawawala si Yolanda sa mahahalagang oras. Kasabay nito ang nangyari sa jewelry store noon. Nagulat si Diana sa mga pinaggagagawa ni Yolanda. Halimbawa, nagawa ni Yolanda na makuha ang surveillance footage sa jewelry store at siya lang ang nakapansin na ang “The Great Country” ay replica. Maaari kayang nagbagong buhay na si Yolanda at gustong mag-aral ng mabuti? Hindi kailangan ni Diana na maging sobrang husay ni Yolanda. Gusto lang niya na maging katulad siya ng kaunti ni Yvonne.Sa ganitong paraan, may dignidad siya sa mga mayayamang mga babae. Noong nakita ni Yvonne na malalim ang iniisip ni Diana, lihim niyang isinarado ang mga kamay niya habang nananatiling kalmado. “Yolanda, sinusubukan mo na naman ba akong kalabanin? Mukhang hindi na kita dapat hinayaang makabalik agad…”

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.