Webfic
Open the Webfic App to read more wonderful content

Kabanata 9

“Bakit ako hiningi ng tawad sa iyo? “Base sa sitwasyon kanina, normal lang para sa akin na paghinalaan ka na ninakaw mo ang kuwintas. Sa tingin mo ba may naniwala sa iyo kanina?” galit na sigaw ni Zora. Mayaman siyang babae, masisira ang ego niya kapag publiko siyang humingi ng tawad! “Dahil walang ebidensiya kanina, hindi ko siya pinaghinalaan,” sagot ni Harvey. Matapos iyon marinig, natahimik si Zora, ata ang ekspresyon niya ay naging seryoso. Ang anak niya ay nasa First Academy, at ipinagtatangol ni Harvey ngayon si Yolanda. Kung patuloy na ipapakita ni Zora ang ganitong asal, hindi magiging maganda ang impresyon ni Harvey sa kanya. Maaaring maapektuhan din ang anak niya, kung hindi siya magugustuhan ni Harvey. Ang rason lang kaya magkasundo si Zora at asawa niya ay dahil sa anak nila. Kung malalaman ng asawa niya na naapektuhan ang hinaharap ng kanilang anak dahil sa kanya, katapusan na niya! Sa oras na ikinunsidera niya ang kahihinatnan ng ginawa niya, nagtiim-bagang si Zora at sinabi kay Yolanda, “Nagkamali ako. Pasensiya na!” Samantala, natuwa si Diana ng makita si Zora na humingi ng tawad. Pero bago pa siya may masabi, malamig siyang tinignan ni Harvey. “Ikaw ang nanay niya. Inakusahan mo ang sarili mong anak ng pagnanakaw sa kuwintas kahit na wala pang ebidensiya na nagpapatunay nito. Tunay na anak mo ba talaga siya?” “Ano…” sinubukan ni Diana na ipaliwanag ang sitwasyon. Pero, sa oras na makita niya ang ekspresyon ni Harvey, hindi siya naglakas loob na magsalita. Samantala, inobserbahan ng malamig ni Yolanda si Diana at Zora. Hindi na niya gustong manatili pa sa shop. “Puwede kayo magpatuloy sa shopping. Uuwi na ako.” Agad na nilisan ni Yolanda ang jewelry shop. Noong nakarating siya sa bus stop, isang sasakyan ang tumigil sa harap niya. Bumaba ang salamin ng bintana at napagtanto ni Yolanda na si Harvey ang nasa loob ng sasakyan. “Saan ka papunta? Hayaan mo na ihatid kita,” sambit niya. Agad na binuksan ni Yolanda ang pinto. “Papunta ako sa Southly Drive, Pollen Street Apartment 55.” Alam niya na may rason si Harvey sa pakikipagkita sa kanya. Tulad ng inaasahan, sa oras na sumakay siya sa sasakyan, nagtanong si Harvey, “Willing ka ba mag-aral sa First Academy?” “Nagdududa ako na ang First Academy ay tumatanggap ng mga estudyanteng napunta na sa juvenile detention center noon.” Matapos iyon marinig, tumigil sandali si Harvey. Hindi niya alam na galing si Yolanda ng juvenile detention center noon. Ngunit, ang First Academy ang pinakamagandang school sa Riverdale. Maraming tao ang gumagamit sa mga koneksyon nila para magmakaawa sa kanya sa puwesto doon. Pero, iba si Yolanda. Kahit na naisip ni Harvey na ialok sa kanya ang puwesto doon, sinabi niya na minsan na siyang nanggaling sa juvenile detention center at hindi nag-effort na itago ang nakaraan. Noong una, hanga si Harvey sa hacking skills niya, pero humanga rin siya sa ugali niya kinalaunan. “Sa totoo lang, kung hindi ko nakita ang abilidad mo ngayon, hindi ko iaalok sa iyo ang puwesto sa First Academy kahit na magmakaawa sa akin si Mrs. Henderson. “Pero, matapos makita ang ginawa mo sa jewelry shop, sa tingin ko puwede ako gumawa ng exception para sa iyo,” alok ni Harvey. Kahit na hindi niya alam kung bakit nasa juvenile detention center si Yolanda noon, hanga siya sa mga talentadong tao. Kaya, kung magpapakabait si Yolanda sa First Academy, isasawalangbahala niya ang nakaraan niya. Pero, nanatiling walang emosyon si Yolanda noong marinig iyon. “Ang test sa First Academy ay walang kinalaman sa Computer Science, tama?” “Tama. Pero, papayagan ka namin mag-aral sa Creybia University bilang Computer Science student. Kung mag-aaral ka sa First Academy, bibigyan kita ng spot sa unibersidad.” Nagpapasalamat si Harvey sa suwerte niya dahil pumunta siya sa shop sa araw na iyon. Sa oras na masiwalat ang hacking skills ni Yolanda, ang ibang institusyon sa Riverdale ay siguradong pag-aawan siya para tanggapin. Ang bawat institusyon nga naman ay may listahan ng rekomendasyon para sa Creybia University, pero hindi lahat ng nirerecomenda ay tinatanggap. “Creybia University?” inisip ito ni Yolanda. Gayunpaman, kailangan niyang bumalik sa Creybia. Sa nakaraan niyang buhay, nag-aral siya sa schools na pagmamayari ng pamilya niya mula sa murang edad at hindi pa nag-aaral sa pampublikong paaralan. Interesante na makaranas ng ibang buhay, kaya tumango siya agad. “Sige.” “Ibibigay ko sa iyo ang admission notice letter ngayon.” Agad na naglabas si Harvey ng admission notice letter mula sa bag niya at isinulat ang pangalan ni Yolanda. Pagkatapos, inilagay niya ang kanyang stamp at sinabi, “Magsisimula ang pasukan sa loob ng ilang araw. Pumasok ka sa First Academy dala ang sulat na ito pagdating ng oras. Tutulungan kita sa admission mo.” … Sa sumunod na araw, si Diana, Yolanda at Yvonne ay dumating sa five-stair hotel sa Dowonair. Ang art exhibit ay magaganap sa banquet hall ng first floor ng hotel. Dahil si Yvonne at Diana ay pinahahalagahan ng husto ang art exhibity, nagsuot sila ng magara para sa okasyon. Pinagisipan ng mabuti ni Diana ang pagsama kay Yolanda sa event. Sa huli, nakapagdesisyon siya ng tumawag si Zora sa kanya. Alam ni Diana na mahilig makichismis si Zora, kaya kung hindi niya isasama si Yolanda sa exhibit, hindi niya masisiguro ang posisyon niya sa kanyang social circle. Habang takot siya na baka ipahiya siya ni Yolanda, bumili siya ng dress na nagkakahalaga ng libong dolyar para sa kanya. Kahit pa bago sila pumunta ng event, paulit-ulit na ipinapaalala ni Diana kay Yolanda na huwag dudumihan ang dress. Kasabay nito, tumingin sa paligid si Yvonne at bumulong kay Diana, “Ma, ang tao doon ay ang pamosong traditional painter, si Charlie Sullivan. Nagkataon na paborito siyang estudyante ni Mr. Carter. “Batiin natin siya!” Natural, hindi pinalampas ni Diana ang oportunidad, kaya lumapit siya sa kanya kasama si Yvonne at Yolanda. Bago pa nila makilala si Charlie, sinabi ni Diana kay Yolanda, “Tumayo ka lang sa tabi namin at huwag magsalita masyado!” Hindi niya gusto na mapahiya siya ni Yolanda. “Ikaw ba si Mr. Sullivan?” Ipinakilala ni Yvonne ang sarili niya kay Charlie. “Mula ako sa First Academy, at ang pangalan ko ay Yvonne Henderson. “Binili ko na noon ang mga painting mo at nirerespeto kita ng husto. Hanga ako sa line-drawing skills mo at sa tingin ko magaling ang pagkakarender mos a pansies. Gusto ko matuto mula sa iyo kung magkakaroo ako ng pagkakataon.” Hinahangaan ni Charlie ang isang artwork ng marinig niya ang boses ni Yvonne. Humarap siya sa kanya at tumango. “Hindi ko inaasahan na maalam ka sa traditional painting sa murang edad,” sambit ni Charlie. “Ito ang nanay ko. At ang nakatatanda kong kapatid ay nakatayo sa tabi niya.” Ngumiti si Yvonne at ipinakilala si Charlie kay Diana at Yolanda. Samantala, lumapit si Diana sa kanya ay hinarangan si Yolanda mula sa kanyang paningin. “Hello, Mr. Sullivan! Narinig ko na ang tungkol sa iyo ng pag-usapan ka ng anak ko. Sinabi niya na ikaw ang artist na pinakanirerespeto niya. Malaking karangalan na makilala ka sa exhibitiong ito ngayon,” puri ni Diana. Ngumiti si Charlie at umiling-iling. “Binobola niyo ako.” Kahti na mukhang humble ang mga salita niya, medyo mukha siyang mayabang. Mukhang neenjoy niya ang mga papuri mula kay Diana at Yvonne. Sa kabilang banda, hinarangan si Yolanda ng mga miyembro ng pamilya niya. Ngunit, wala siyang pakielam—hindi siya interesado na makilala si Charlie. Kaya, tumalikod siya at inobserbahan ang ibang mga pieces sa paligid niya. “Mr. Sullivan, puwede ko ba obserbahan ang exhibition kasama ka?” tanong ni Yvonne kay Charlie. “Oo. Maglakad tayo ng magkasama.” Pagkatapos, lumapit si Charlie sa sumunod na painting. Sinundan siya ni Yvonne at nagkumento tungkol sa mga art pieces paminsan-minsan. Naghanda siya in advance at nagresearch ng impormasyon tungkol sa artwork ng exhibition. Sa totoo lang, kinanbisado pa niya ito. Maganda ang impresyon niya kay Charlie dahil alam niya kung anong dapat sabihin sa mga art pieces. Matapos tignan ang ilang mga painting, bigla nagtanong si Charlie, “Interesado ka ba na pumasok sa Traditional Painting major sa Creybia University pagkatapos mo sa art exam?”

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.