Webfic
Open the Webfic App to read more wonderful content

Kabanata 3

Buong araw kong pinag-isipan ang tanong na ito. Wala pa rin akong sagot nang dumating siya para sunduin ako noong hapon. Sa kabila noon, sinundan ko pa rin siya. Tiyak na nakakatakot ang kinaugalian. Sampung taon ang kinailangan para masanay ako sa kanya at bumalik sa Gildon Estate pagkagaling sa trabaho. “Bakit hindi ka nagsasalita?” Parang naramdaman ni Chris ang panghihina ng loob ko habang pabalik at nagkusa nang magtanong. Natahimik ako nang ilang segundo bago ko binanggit, “Chris, siguro dapat—” Bago ko pa matapos ang sasabihin ko, tumunog ang phone niya. Ang display sa kotse ay nagpakita ng hindi kilalang numero, ngunit kitang-kita kong humigpit ang pagkakahawak ni Chris sa manibela. Kinabahan siya, na bihirang mangyari. Bigla akong napatingin sa mukha niya, pero mabilis niyang pinatay ang speaker ng sasakyan at lumipat sa Bluetooth. “Hello... Okay, papunta na ako ngayon.” Maikli lang ang tawag. Pagkatapos ng tawag, tiningnan niya ako at sinabing, “Maddie, may kailangan akong asikasuhin. Hindi kita maihahatid pauwi.” Bago pa man siya magsalita, alam kong iiwan na niya ako. Hindi ito ang unang pagkakataon. Pero bago pa man siya magsalita, umasa pa rin ako na ihahatid niya muna ako. Biglang sumakit ang puso ko, pero pinigilan ko ang lungkot ko. “May problema ba?” Umigting ang panga ni Chris. Hindi siya sumagot at sa halip ay tumingin sa labas ng bintana. “Bumaba ka na, at sumakay ka ng taxi pauwi.” Ni ayaw niyang magbigay ng paliwanag. Ano pa nga ba ang masasabi ko kapag nakapagdesisyon na siya? Ipapahiya ko lang ang sarili ko kung magtatanong ako o manggugulo. “Text mo ako kapag nakauwi ka na,” bilin ni Chris habang huminto sa pansamantalang mapaparadahan sa tabi ng kalsada. Mahigpit ang pagkakahawak ko sa backpack ko pagkababa ko ng sasakyan. Hindi lang ito imahinasyon ko. Base sa reaksyon niya sa dumating na tawag at kung paanong hindi siya naglakas-loob na sagutin ito sa speakerphone kung saan maririnig ko ang usapan, nagkaroon na ako ng kutob. Pero mas pinili kong hindi magtanong o magsabi ng kahit ano. May mga bagay na parang manipis na papel na ipinatong sa ibabaw ng isang butas. Inilapag iyon doon para patuloy kong lokohin ang sarili ko. “Mag-ingat ka pauwi!” nagmamadali niyang paalala bago siya umalis. Pagkatapos, tinapakan niya na ang silyador at umarangkada na. Nakatayo ako doon, pinagmamasdan ang direksyon na nilisan niya hanggang sa sumakit ang mga mata ko, at pagkatapos ay ibinaba ko ang tingin ko sa mga paa ko. Tumunog ang phone ko sa bulsa ko. Tawag ito mula sa matalik kong kaibigan, si Lisa Carline. “Maddie, nasaan ka? Gusto mo bang sabay maghapunan?” tanong niya. Si Lisa, isang gynecologist, ay isang bihasang doktor sa kabila ng kanyang murang edad. Wala siyang boyfriend. “Sige,” agad akong pumayag. Napabulalas kaagad si Lisa, “Aba, sumikat ba ang araw sa kanluran ngayon? Kapag niyayaya kitang maghapunan, lagi mong sinasabi, ‘Tatanungin ko muna si Chris.’ Anong meron sa mabilisang pagkakasundo ngayon?” Parang naninikip ang dibdib ko. Sa nakalipas na sampung taon, namuhay ako na parang alaga ni Chris. Sa takot na hindi niya ako mahanap, nagsasabi pa ako sa kanya bago kumain o mamili kasama si Lisa. Gayunpaman, nalaman ko ngayon pagkatapos marinig ang mga salita ni Chris na naging pabigat ako sa kanya. Napagod siya dahil sa akin. “Nasa ospital ka ba o sa bahay?” Sa halip ay sinagot ko siya ng tanong. Binigyan ako ni Lisa ng isang address, sinasabihan akong pumunta. “Anong problema? Nag-away ba kayo ni Mr. Gildon?” Naramdaman ni Lisa na may kakaiba nang makita niya ako. Isa siya sa iilan kong malalapit na kaibigan, kaya wala akong tinatago sa kanya. Matapos makinig ay agad na nagmura si Lisa, “G*go talaga ang mga lalaki. Nag-aalangan na bitawan? Akala mo naman ilang beses nang may nangyari sa inyo.” Hindi gumaan ang loob ko sa mga sinabi niya; sa halip, lalo pa akong napahiya. Sa kabila ng matagal na pagsasama namin ni Chris, wala pa ring nangyayari sa amin. May mga muntikan na, tulad noong nalasing ako at nagkusa akong manguna, pero binuhat niya lang ako at hinatid sa kwarto ko. Noong mga panahong iyon, akala ko nirerespeto ako ni Chris at ayaw akong pagsamantalahan habang wala ako sa muwang. Pero ngayon, napagtanto kong hindi pala siya interesado sa akin. Hindi ba sabi nila na kung talagang mahal ng isang lalaki ang isang babae, tiyak na gugustuhin ng lalaki na makipagtalik sa babae? Pero, hindi kailanman nagpakita si Chris ng ganoong pagnanasa sa akin. “Liz, parang gusto ko nang sumuko.” Bigla akong nagkaroon ng sagot sa dilemma na gumugulo sa akin buong araw. “Mabuti. Sinusuportahan kita.” Tinagay ni Lisa ang baso niya sa baso ko. “Maaaring walang mga palaka na may tatlong paa, pero maraming mga lalaki na may dalawang paa. Sa hitsura mo, pwede mong makuha ang sinumang lalaking gusto mo.” Tama si Lisa. Noong 18 ako, nanalo ako sa beauty pageant. Kung hindi ako pinigilan ni Chris, baka tinahak ko na ang landas ng pag-aartista ngayon. Sa kagandahan ko, nakatanggap ako ng hindi mabilang na mga tagahanga at manliligaw nitong mga nakaraang taon, ngunit wala akong naramdaman para sa kanila. Ang tanging taong gusto ko ay si Chris. Dahil sa realisasyong ito, sumakit ang ilong ko. Dahil sa ayaw kong makita ni Lisa ang kalungkutan ko, mabilis akong tumakbo sa banyo. Sa pagmamadali ko, may nabunggo akong palabas ng banyo, natumba siya sa sahig at pumatong ako sa kanya. Hihingi na sana ako ng tawad nang makarinig ako ng sigaw. Sumigaw tuloy ang tao, “Tulong! May nangmomolestiya sa akin!”

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.