Webfic
Open the Webfic App to read more wonderful content

Kabanata 4

Hindi ko akalain na aarestuhin ako dahil sa panghihipo. Ang taong nabangga ay isang 17-taong-gulang na binatilyo. Iginiit niya na may masama akong balak sa kanya. Kahit itanggi ko, pinilit pa rin niyang hinawakan ko raw siya. “Saan ka niya hinawakan?” Maingat na tanong ng pulis. Yerick Massey ang pangalan ng binatilyo. Tumingin siya sa akin, itinuro ang kanyang dibdib, at pagkatapos ay itinuro ang ibaba ng kanyang bewang. “Hinawakan niya ako dito at dito!” Kalokohan! Muntik na akong magmura nang malakas. Kahit nga lalaking kasing gwapo ni Chris ay hindi ko pa nahahawakan. Bakit ko hihipuan ang pilyong hindi pa nga tapos sa pagbibinata? Napatingin ulit sa akin ang mga pulis. “Hindi ko siya hinipuan,” tanggi ko bago pa man niya ako matanong. “Aksidente ko lang siyang nakabangga.” “Nakainom ka ba?” Tiningnan ako nang masinsinan ng mga pulis. Sa lipunang ito, normal lang sa mga lalaki ang malasing. Ang mga babaeng umiinom kahit kaunti ay itinuturing na hindi disente. Tumango ako. “Oo.” “Gaano karami ang nainom mo?” Hindi ko talaga alam kung anong kinalaman ng tanong na iyon sa mga nangyayari. Gayunpaman, masunurin kong sinagot ang tanong. “Isang bote ng beer.” Nang tumingin sa akin ang pulis na parang hindi makapaniwala, naisip ko kaagad si Lisa na maaaring tumestigo para sa akin. Pero nagkataon lang na nag-message si Lisa sa akin kanina na tinawag siya pabalik sa ospital para sagipin ang isang babaeng nagdudugo sa panganganak. Naintindihan ko ang ibig sabihin ng pulis at muli kong ipinaliwanag, “Hindi ako lasing, at hindi ko piangsamatalahan ang binatang ‘yan habang nakainom.” Napansin ng pulis ang sinabi ko at muling tumingin kay Yerick. “Sigurado ka bang hinawakan ka niya? Legal mong pananagutan kapag nagsinungaling ka at manisi ng iba.” “Siyempre sigurado ako.” Ang tigas talaga ng ulo ni Yerick. Sa sobrang galit ko gusto kong bumangon at bugbugin siya. Bago ko pa maisagawa ang ideyang ito, biglang nagningning ang mga mata ni Yerick. “Ate Jewel, nandito ka na pala.” Ang kanyang mga magulang ay naabisuhan dahil siya ay menor de edad. Lumingon ako at gusto kong ipaliwanag sa pamilya niya ang lahat, pero bago pa ako makapagsalita, natigilan ako nang makita ko ang mga taong dumating. May isang lalaki at isang babae. Ang babae ay may mahaba at tuwid na itim na buhok, at nakasuot siya ng puting dress. Siya ang tipo kung anong magiging hitsura ng unang pag-ibig ng isang lalaki. Ang kanyang pangalan ay Jewel Massey. Kilala ko siya. Ang lalaking katabi niya ay si Chris. “Yerick, anong nangyari?” nag-aalalang tanong ni Jewel sa binatilyo. Hindi siya sinagot ni Yerick. Sa halip, tumingin siya kay Chris at sinabing, “Ate Jewel, siya ang bago kong bayaw, ‘di ba?” Nanlamig ang ekspresyon ni Chris, at ang gulat niyang mga mata ay naging yelo nang tumingin siya sa akin. “Madeline, anong nangyayari dito?” hiningi niya. “Uy, bayaw, kilala mo ba ‘tong babaeng ‘to? Sinasabi ko sa’yo, loka-loka siya! Hinipuan niya ako dito at dito...” Kung anu-ano ang pinagsasabi ni Yerick at sabay na nag-iinarte. Sa sandaling ito, wala na akong lakas para magpaliwanag. Nakatingin lang ako kay Chris. Ilang oras lang siyang wala sa tabi ko, pero ngayon ay naging bayaw na siya ng iba. At parang nandito ang sagot kung bakit niya ako iniwan nang nagmamadali kanina. Tumingin din sa akin si Jewel na nasa tabi ng lalaki bago siya nagpakilala na may malumanay na boses, “Madeline, ako si Jewel, kapatid ni Yerick.” Medyo nagulat ako nang makilala niya ako. Ay, tama. Ako ang naging alaga at sunud-sunuran ni Chris. Kahit sinong nakakakilala sa kanya ay makikilala ako. Pero hindi pa kami kailanman nagkrus ng landas ni Jewel. Alam kong abala siya sa loob ng tatlong buong araw dahil namatay ang kanyang asawa sa isang aksidente sa sasakyan kamakailan. Bilang mabuting kaibigan ng kanyang asawa, naging abala si Chris sa libing, at hindi umuuwi ang lalaki sa tatlong araw na iyon. Nilunok ko ang pait sa lalamunan ko. “Hindi ko sinasadyang nakabangga ang kapatid mo at pumatong sa kanya. Hindi ko ginawa ang mga sinabi niya.” “Alam ko.” Ngumiti ng paumanhin si Jewel. “Pilyo talaga ‘yan.” Pagkatapos noon, lumapit si Jewel at sinampal ng dalawang beses ang ulo ni Yerick. Pagkatapos ay nagpaliwanag siya sa pulisya. Kumuha din ng surveillance ang pulis para patunayan na hindi ako nagsisinungaling. “Dahil magkakilala kayo, maaaring kayo-kayo na lang ang mag-areglo ng gagawin ninyo. Ikukulong ang binatang ito at tuturuan ng leksyon sa paggawa ng false police report kung hindi,” sabi ng pulis. Agad namang hinila ni Jewel si Chris. Kahit na maliit na kilos lang ito, nagmukhang sobrang lapit nila sa isa’t-isa. Bilang isang taong nasa mataas na posisyon, may aura si Chris na nagpapalayo sa mga estranghero. Hindi siya hahawakan ng mga normal na tao ng ganito. Hindi rin niya ginusto ang paghawak ng iba sa kanya. Ngunit sa sandaling ito, hindi siya nakaramdam ng hindi komportable sa paghawak ni Jewel. Halatang hindi ito ang unang beses na hinawakan siya nito. May mga bagay na ayaw kong isipin ng malalim. Tungkol naman sa pag-areglo, nag-isip muna ako ng ilang segundo bago ibinuka ang bibig ko. Gayunpaman, nagsalita na si Chris para sa akin. “Hindi lang ‘to pagkakaunawaan. Kalimutan na lang natin ‘to.” Maya-maya ay naramdaman ko ang mahigpit na pagkakahawak sa akin nang hilahin ako ni Chris palabas kasama niya.

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.