Webfic
Open the Webfic App to read more wonderful content

Kabanata 7

Bigla nahimasmasan si Sheila sa boses ni Hector. Naglaho ang galit niya na parang apoy sa tubig at napatigil siya bigla. Kasabay nito, naakit ang atensyon ng mga tao sa loob dahil sa komosyon. Lumabas si Adam at lumapit. “Anong nangyayari dito?” Bilang kasalukuyang presidente ng Jensen Corporation, madalas makita sa dyaryo si Adam at mga magazine. Nakilala siya agad ni Sheila at nakalimutan ang tungkol kay Shannon. Ngumiti siya at humarap kay Adam. “Mr. Jensen, ako si Sheila White. Ang asawa ko ay si Francis Gray, ang presidente ng Gray Corporation. Masaya ako na makita kang nandito; nag-aalala ako na baka wala ka.” Tinignan ni Adam si Shannon at Shiela. Nanatiling walang pagbabago sa ekspresyon niya ng sabihin niya, “Ikinagagalak kitang makilala, Ms. Gray. Naparito ka ba dahil may gusto ka na sabihin?” Gamit ang estado niya, hindi niya kailangan maging magalang kahit na kanino, hindi niya gustong nag-aaksaya ng oras sa mga batian. Pero, kilala niya si Sheila na mula sa pamilya Gray at siya ang nagpalaki kay Shannon, napilitan siya na habaan ang pasensiya niya. Ang akala niya naparito si Sheila para ikuwento ang mga tungkol kay Shannon tulad ng mga ugali at iba pa. Hindi alam ni Sheila kung anong iniisip niya. Ang alam lang niya ay ang ego niya ay masyadong mataas ng tanungin siya ni Adam kung may sasabihin siya. Siya ang presidente ng Jensen Corporation, pero gusto niyang marinig ang gusto niyang sabihin! Malianw kung gaano kahalaga ang Gray Corporation sa kanila. Naglaho ng tuluyan ang galit nila kay Shannon, taas dibdib pa siyang nagsalita. “May mga bagay ako na sasabihin sa totoo lang.” Mayabang niyang tinignan si Shannon at inilapit si Rachel sa kanya. “Mr. Jensen, ito ang anak ko, si Rachel Gray.” Mabilis at magalang na nagsalita si Rachel, “Ikinagagalak ko na makilala ka, Mr. Jensen.” Sinabi ni Sheila, “Heto ang sitwasyon. Alam ko na tapos na ang construction ng landmark ng Seastone City, at plano ng gobyerno na pumili ng walong estudyante mula sa apat na pinakaprestihiyosong unibersidad ng lungsod para maging city image ambassador. “Bilang mga ambassador, kailangan nila ng promotional video ng lungsod. Alam ko din na ang Jensen Corporation ang magsusumite ng huling listahan.” Tumigil siya sandali at sinabi, “Dahil sa ilang mga kadahilanan, ang slot ni Rachel ay kinuha. Kaya ako naparito—sana matulungan ako ng Jensen Corporation na bawiin ang pangalan ng taong iyo at ipalit ang kay Rachel. Simpleng bagay lang ito sa totoo lang.” Sumimangot ng kaunti si Adam. Alam niya ang tungkol dito pero hindi ito inisip nmasyado dahil si Adrian ang umaasikaso nito. Sa totoo lang, hindi niya gusto na gumagamit ang mga tao ng koneksyon para masunod ang gusto nila, pero napagdesisyunan niyang payagan si Sheila dahil mula siya sa pamilya Gray. Ikukunsidera niya itong pagsukli sa pagpapalaki nila kay Shannon. Noong maisip iyon, sinabi niya, “Sino ang kumuha ng slot ng anak mo? Ipapatingin ko sa secretary ko.” “Si Shannon,” agad na sinabi ni Sheila. Tumigil si Adam noong ilalabas na niya ang kanyang phone. Tumingin siya sa kanya, malinaw na nagulat. “Anong pangalan ang sinabi mo?” “Si Shannon. Shannon Gray,” sagot ni Sheila. Kahit an hindi niya naintindihan kung anong ibig niyang sabihin, itinuro niya si Shannon at sinabi, “Siya ang tinutukoy ko. Dait ko siyang ampon na anak, pero inggrata siya. Mainitin ang ulo at sinungaling. “Hindi ko inaasahan na nakatira ang biological parents niya sa Jensen residence. Hindi sa gusto ko siraan ang bata, pero ang mga tao ay ipinapanganak ng hindi na nagbabago ang ugali. Kahit na gaano ko siyan katinding ilagay sa tuwid na daan, hindi talaga siya nakikinig. Hindi mo talaga mapipilit ang mga bagay…” Patuloy sa paninirang puri si Sheila tungkol kay Shannon. Naging masama ang ekspresyon ni Hector habang nakikinig sa kanya. Ngayon, alam na niya kung anong ibig sabihin ni Shannon ng sinabi niya na sinisiraan siya ni Sheila at Rachel. Natulala si Thomas at Carla. Hindi nila mapigilang isipin kung anong problema kay Sheila para siraan ng ganito si Shannon sa harap ni Adam. Sanay na si Shannon sa paninirang puri ni Sheila. Hindi siya nababagabag habang nagsasalita siya sa harap ni Thomas. Pero ngayon at ginagawa na niya ito sa harap ni Adam, hindi mapigilan ni Shannon na magalit. Pamilya niya ito, at kakatanggap lang nila sa kanya. Umaasa pa din siy na mamahalin siya ng kanyang pamilya, pero sinisira ni Sheila ang lahat. Bakit ba hindi na lang niya hayaan si Shannon na magkaroon ng magandang bagay sa buhay niya? Hindi ba alam ni Sheila kung anong iisipin ng mga tao kay Shannon dahil sa mga pinagsasasabi niya? Siyempre, alam niya, pero wala siyang pakielam. Gusto lang niya na kamuhian ng lahat si Shannon. Ganito na ang lahat simula pa noong bata si Shannon. Kung may teacher na matutuwa sa kanya at pupurihin siya, gagawin ni Sheila ang lahat para siraan si Shannon sa kanya at isipin ng teacher na masamang anak si Shannon. Hindi inaasahan ng mga teacher ang nanay na sisiraan ang anak kaya naisip nila at naniwala kay Shiela na masamang anak nga talaga si Shannon. Bakit ito ginawa ni Sheila? Dahil habang mas kinamumuhian siya ng mga teacher, mas magmumukhang okay si Rachel kapag ikinumpara sa kanya. Kinalaunan, nasanay na si Shannon sa paninirang puri ni Sheila. Sumarado ng mahigpit ang mga kamay niya. Nawalan ng kontrol si Shannon habang nakikinig kay Sheila. “Tumahimik ka!” “Tumahimik ka!” Dalawang boses ang sabay niyang narinig. Humarap si Shannon sa direksyon ng isa pang boses—si Adam. Malamig ang ekspresyon niya. Mukha na nga siyang malamig sa simula pa lang, kaya ang pagiging malamig niya ay dumagdag sa pagiging dominante niya. Natakot ng husto si Sheila at natahimik siya. Tinitigan siya ni Adam at sinabi, “Bilang outsider, wala kang karapatan na magkumento sa anak ng pamilya Jensen. Thomas, palayasin sila!” Natulala si Sheila sa pagbabago ng ugali niya at hindi narinig ang sinabi niya na anak siya ng pamilya Jensen. Gusto niya itanong kung bakit, pero inihahatid na sila palabas ni Thomas. Pinanood sila ni Adam bago humarap kay Shannon. Nagtanong siya, “Ganoon ba ang trato sa iyo ng pamilya Gray buong buhay mo?” Sa oras na nagsalita siya, isinarado ni Adam ang bibig niya, pakiramdam niya ang tanga niya sa pagtatanong nito. Kung kaya magsalita ng ganito ni Sheila sa harapan niya, anong malay niya sa kung gaano kalala ang pamilya Gray kapag sila-sila na lang! Naisip niya na inalagaan ng mabuti si Shannon ng pamilya Gray, pero nagkataon na basura pala ang pamilyang ito! Habang mas iniisip ito ni Adam, mas lalo siyang nagagalit. Humarap siya kay Hector at sumigaw, “Tawagan mo ang Tito Adrian mo at sabihin na ikanselan ang mga proyekto kasama ang Gray Corporation!” Inutusan lang niya ang mga tauhan niya na ibigay sa Gray Corporation ang deal dahil gusto niyang suklian ang pamilya Gray sa pagpapalaki kay Shannon. Ang kontratang nalikha ay binibigyan ng magandang benepisyo ang Gray Corporation hanggang sa maaari—hindi lang bilyong dolyar ang kikitain nila dahil sa business dlea, pero makakatulong din ito para umangat ang pamilya Gray sa social ladder. Pero ngayon at alam na ni Adam kung paano nakitungo ang pamilya Gray kay Shannon, hinding-hindi siya magbibigay ng preferential treatment sa kanila. Hindi sila nararapat! Dito lang ngumiti muli si Hector. Inilabas niya ang kanyang phone at sinabi, “Naiintindihan ko.” Pinanood ni Shannon si Adam ng tulala habang nagagalit siya. Noong yumuko siya, hindi niya napagtanto na nakangiti siya ng kaunti. Mukhang hindi kapareho ni Adam at Hector ang pamilya Gray. Mabuti… ito. … Si Sheila at Rachel ay napalayas mula sa pamilya Jensen. Hindi pa din nila maintindihan kung bakit nagalit bigla si Adam. At anong ibig niyang sabihin kanina? Anak ng pamilya Jensen? Sino iyon? Napansin ni Thomas na hindi pa nila napoproseso ang impormasyon at napaisip siya kung gaano ba sila katanga. Sa bagay pa lang na sila ang nagpalaki kay Shannon ay sapat na para ituri sila ng mabuti ng pamilya Jensen. Pero wala silang kamalay-malay na ang iniisip nilang inggrata ay miyembro ng pamilya Jensen. Bilang butler, may professionalism siya. Hindi siya magagalit o manlalait ng kahit na sino ng ganoon na lang. Bukod pa doon, napagdesisyunan niyang magalang na magbigay ng payo. Sinabi niya, “Nawala ang anak ni Mr. Jensen labing walong taon na ang nakararaan, at ngayon ang araw ng pagbabalik niya. Kaya natural lang na hindi niya titiisin ang magsalita ng masama tungkol sa kanya. Sa kasamaang palad, ang Jensen residence ay hindi kayo maaaring iwelcome ngayon, kaya pakiusap umalis na kayo.” Matapos iyon, nagsignal siya na isarado na ang mga gate, iniwan si Sheila at Rachel na nakatayo sa kabilang bahagi. Hindi sila makapaniwala. Hinawakan ni Sheila ang braso ni Rachel at tulalang nagtanong, “A-Anong sinabi niya, Rachel? Anak ng pamilya Jensen? Sino?” Hindi rin makapaniwala si Rachel sa mga narinig niya. Ang totoo, ayaw niyang maniwala. “Hindi, hindi maaari. Marahil mali lang tayo ng narinig. Hinding-hindi maaari na anak si Shannon ng pamilya Jensen. Imposible! Hindi maaaring siya! Unti-unting humarap si Sheila kay Rachel. Pagkatapos ng ilang sandali, bumigay ang mga binti niya, halos bumagsak siya sa sahig. “Tapos na tayo. Katapusan na natin!”

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.