Kabanata 8
Si Sheila at Rachel ay napalayas mula sa Jensen residence bago pa sila makapasok sa foyer, kaya hindi narinig ng iba pang miyembro ng pamilya Jensen ang nangyari.
Samantala, kinaladkad ni Scott palabas si Cecily ng manor, nahihiya sa nangyari kanina. Habang naglalakad sila sa hardin, sinabi ni Scott, “Huwag ka magalit, Lily. Biased si Hector—tignan mo kung anong sinabi niya matapos mo isuko ang dollroom mo! Hindi ko alam kung anong big deal tungkol kay Shannon kung ito at kakabalik lang niya.”
Bumuntong hininga si Cecily at sinabi ng mahinhin, “Alam ko na mabuti ang intensyon mo, Scottie, pero huwag ka dapat magsalita ng ganoon sa hinaharap. Hindi ako miyembro ng pamilya Jensen, kaya ang lahat ng dapat na akin ay mapupunta kay Shannon. Hindi mali si Hector sa sinabi niya.”
“Paano mo iyan nasasabi? Ikaw lang ang pinsan na kinikilala ko. Hindi ko pinsan si Shannon!” galit na sagot ni Scott.
Habang naglalakad sila, bigla nila narinig si Shannon na sinabim “Ang katulong na ito ay may dalang karma. Kung hahayaan natin siya, baka maapektuhan niya ang suwerte ng pamilya Jensen. Ama, kung babayaran mo ako, puwede ako makatulong na ayusin ang problema. Tatlong libong dolyar lang ang tatanggapin ko na bayad.
Si Scott at Cecily ay nakita si Shannon na kaharap si Carla. Habang nagsasalita siya, nagpakita siya ng tatlong daliri. Pinigilan ni Shannon si Carla para asikasuhin ang masamang enerhiya sa kanya. Ngayon at wala na si Sheila at Rachel, kailangan na niyang gawin ang plano niya.
Kahit na bumalik na siya sa pamilya Jensen, hindi niya ugali na humingi ng pera. Perpekto ang pagkakataong ito—maaalis niya ang masamang enerhiya at kikita siya ng pera para sa tuition fee niya para sa unibersidad. Mag-ama sila ni Adam, pero hindi ibig sabihin ay hindi maaaring magkahiwalay ang panggastos nila.
Hindi inaasahan ni Hector at Adam na iibahin niya agad ang topic. Ang geomancy nga naman ay hindi pasok sa kanyang vibe. Naisip nila na ginagamit niya ang geomancy na palusot para humingi ng pera dahil wala siyang pera.
Sumakit ang puso niya ng panandalian para sa kanya. Kailangan pa nangailangan ng pera ang anak ng pamilya Jensen, lalo na kung para lang sa hamak na tatlong libong dolyar?
Inilabas ni Hector ang phone niya para itransfer sa kanya ang pera. “Sapat na ba ang tatlong libong dolyar? Bibigyan kita ng sampung libong dolyar. Puwede ka humingi sa akin lagi kung kulang pa.”
Hindi gusto ni Adam na naunahan siya ni Hector. Malagim niyang inilabas ang phone niya, gusto magtransfer ng tatlumpung libong dolyar. Kailangan niya magbigay ng higit kay Hector. Pero pagkatapos ilabas ang phone, napagtanto niya na wala sa kanya ang numero ni Shannon.
Alam ni Shannon na mali siya ng intindi sa kanya ng marinig niya ito. “Hindi, seryoso ako.”
“Sige.” Nakangiti si Hector sa kanya, ang tono niya ay mapag alaga at malambing.
Nahimasmasan si Carla matapos magulat noong una. Sumangayon siya, “Sinabi mo na may dala akong karma, Ms. Shannon? Ikaw na ang bahala sa akin kung ganoon.”
Walang masabi si Shannon. Puwede ba siya magpakita ng respeto sa trabaho niya? Pero, hindi ito ang unang pagkakataon na ganito ang nangyari. May sasabihin sana siya ng marinig niyang may suminghal.
“Hindi ako makapaniwala na may walang kuwenta kang palusot para makascam ng pera. At tatlong libong dolyar lang!” nakakahiyang taktika ito para kay Scott kaya hindi niya mapigilan na magsalita. Kahit na napagalitan siya kanina lang, hindi niya magawang maupo lang at panoorin si Shannon na gumawa ng nakakahiyang bagay.
Mabilis na hinawakan ni Cecily ang braso niya at nahihiya ang itsura niya. “Hindi ganoon ang intensyon ni Scottie, Shannon. Huwag ka magalit sa kanya.”
Sinulyapan sila ni Shannon, mukhang hindi siya natinag. Pagkatapos, humarap siya kay Carla. “Nakikita ko sa astrological house mo na hindi ka mabuti sa 7th house—namatay siguro ang anak mo noong bata ka pa, pero may anak ka na lalake.
“Mula sa anggulo ng physiognomy mo, mukhang may kinakaharap na kalamidad ang anak mo ngayon. Mukhang may kinalaman ito sa pera.”
Hindi siya magaling sa physiognomy, kaya kaunting paliwanag lang ang maibibigay niya. Pero, sapat na ito para magulat si Carla. Makikita ang panic sa mga mata niya ng marinig ang tungkol sa pinansyal na kalamidad.
Nagpatuloy si Shannon, “Logically speaking, hindi dapat maapektuhan ng karma mo ang pamilya Jensen, pero nakikita ko ang maliit na ugnayan sa pagitan ng suwerte mo at suwerte ng pamilya Jensen. Ninakaw mo ang suwerte ng pamilya Jensen.”
Mukhang positibo siya sa huli niyang sinabi, at nanginig ng kaunti si Carla. Hindi mapigilan ni Carla isipin na puro kalokohan lang ang sinasabi ni Shannon. Paanong malalaman ni Shannon ang ginawa niya?
Nakikinig lang si Adam at Hector kay Shannon na tila biro lang ang sinasabi niya, pero nagsimula sila maging seryoso ng marinig na seryoso siya sa kanyang sinasabi.
Gulat na tinignan ni Cecily ang reaksyon ni Carla. “S-Sinasabi mo ba na nagnakaw si Carla mula sa pamilya Jensen?”
Ang gulat niya ay napalitan ng hindi makapaniwalang ekspresyon. “Hindi, hindi maaari. May hindi pagkakaintindihan dito. Halos isang dekada na si Carla na nagtatrabaho dito—paanong may magagawa siyang ganoon?”
Nagpanic si Carla at nagmukha siyang nasasaktan sa mga salita ni Cecily. Malungkot niyang sinabi, “Hindi ka puwede magsalita ng ganyan ng walang pruweba, Ms. Shannnon. Paano ako magnanakaw sa pmilya Jensen? Alam ng lahat sa pamilya kung anong klaseng tao ako.”
Humarap siya kay Scott. “Kailangan mo maniwala sa akin, Mr. Scott. Hindi ako gagawa ng ganoon. Ano…”
Tinakpan niya ang mukha niya, mukhang gusto na niyang umiyak.
Bata pa si Scott, at inalagaan siya ni Carla mula pa noong sanggol siya. Noong nakita niya na nasasaktan siya, tinitigan niya ng masama si Shannon at sumigaw, “Anong problema mo? Paanong nagnakaw si Carla sa amin?
“Unang araw mo pa lang dito—anong alam mo? Tumigil ka sa pag-aakusa sa mga tao ng mali kung wala kang alam tungkol sa amin! Kailangan mo pa ba lokohin si Tito Adam para lang sa ilang libong dolyar?”
Para kay Scott, estranghero si Shannon na ngayon lang niya nakilala, pero si Carla ay halos isang dekada na niyang kasama. Malinaw na mas naniniwala siya kay Carla. Kasabay nito, lalo niyang kinamuhian si Shannon.
Nagsalita si Cecily, “May hindi pagkakaintindihan siguro dito. May nagawa ba si Carla para magalit ka, Shannon?”
Ipinapahiwatig niya na ginagamit ni Shannon ang palusot na ito para gumanti kay Carla.
Mukhang may pinatunguhan ang sinabi ni Cecily para kay Carla. Agad siyang umiyak at sinabi, “Alam ko na marahil galit ka dahil si Mrs. Gray ay inakala na ina mo ako, Ms. Shannon. Galing ako sa pangkaraniwang pamilya, kaya paano ako magiging nararapat na kapantay ka?
“Okay lang sa akin na magalit ka para sa bagay na iyon, pero hindi mo ako dapat pagbintanggan sa hindi ko ginawa. Ang mawalan ako ng trabaho para sa edad ko ay walang ipinagkaiba sa pagtulak sa akin sa bangin!”