Webfic
Open the Webfic App to read more wonderful content

Kabanata 6

Hindi inaasahan ni Sheila na makikita niya si Shannon sa hardin ng pamilya Jensen, lalo na at kakapalayas lang niya sa kanya at wala pang isang oras. Nagulat siya sandali, pero naintindihan niya bigla ang sitwasyon ng makita si Carla. Nahulaan niya na si Carla ang tunay na ina ni Shannon—isang hamak na katulong. Well, may sense nga naman. Paanong magkakaroon ng karespe-respetong trabaho ang tagabundok? Maikukunsidera na din na karesperespeto na magtrabaho sa ilalim ng pamilya Jensen bilang katulong. Malinaw na hindi pareho ang iniisip ni Rachel at Sheila. Sa loob-loob niya, mayabang siya at natutuwa, pero nagkunwari siyang naaawa at nag-aalala. “Dito ba nagtatrabaho ang pamilya mo, Shannon? Payo ko lang—ito ang tirahan ng pamilya Jensen, kaya hindi ka dapat humahawak sa kung saan-saan. Hindi mo gusto na makalaban sila.” Ang ngiti ni Thomas na magalang ay nalukot sa mga sinabi niya. Lilinawin na niya sana ang sitwasyon ng marinig niyang kalmado na sumagot si Shannon, “Salamat sa payo, pero hindi ko ito kailangan.” Tumigil siya sandali bago tinignan ang likod ni Rachel, kung saan may nakita siyang kulay gray na maputlang bagay na halos nakadikit sa likod niya. Tumaas ang kilay niya at sinabi, “Kung ako sa iyo, sa bahay na lang ako. Hindi ko gusto na magpagala-gala tulad mo ngayon.” Lumikha siya ng protective intruments na iniwan niya sa tahanan ng pamilya Gray, para ang karaniwanng mga masasamang espirito ay hindi makalapit. Mahirap sabihin kung anong mangyayari kay Rachel sa oras na lumayo siya. Nalukot sa galit ang mukha ni Sheila ng makita niya kung gaano kaarogante si Shannon matapos lisanin nag pamilya Gray at sumama sa kanyang katulong na ina. Pero, pinigil pa din niya ang kanyang galit dahil nandito pa din si Thomas. Humarap siya kay Rachel at sinabi, “Gusto mo man maging mabait sa lahat, Rachel, pero dapat tignan mo ng mabuti kung sino ang kinakausap mo. Anong punto na magbigay ng payo sa inggrata na hindi alam kung anong makabubuti sa kanya?” Pagkatapos, humarap siya kay Thomas at ipinaliwanag. “Pasensiya na at nakikita ninyo ito. Dati kong ampon na anak si Shannon pero tinalikuran niya kami matapos malaman kung nasaan ang tunay na magulang niya kahit na ginawa namin ang lahat para palakihin siya. “Hindi naman siya naging mabuti kahit na dati pa at may ugaling kumukuha ng gamit ngi ba. Tinitiis namin siya noong parte siya ng pamilya namin, pero ngayon at hindi na… hindi ko alam kung gaano kalaking gulo ang mapapasok niya.” Umarte si Sheila na nag-aalala siya, pero malinaw sa mga salita niya—na magkakaroon ng problema sa tahanan ng pamilya Jensen kapag namalagi siya dito. Hindi mapigilan ni Thomas na mabigla sa mga salita niya. Hindi ba alam ni Sheila na si Shannon ay anak ng pamilya Jensen? Kung nababastos nila ng ganito si Shannon ng harapan, hindi niya lubos maisip kung gaano kahirap ang buhay niya sa pamilya Gray. Mahalaga ang pagtrato niya kay Sheila at Rachel bilang mahalagang mga bisita dahil dati silang pamilya ni Shannon, pero ngayon, nagbago ang ugali niya. Mali ang intindi ni Sheila sa pagbabago ng ekspresyon ni Thomas na naging malamig, sa tingin niya naniniwala siya sa kanilang kasinungalingan tungkol kay Shannon. Ngumisi siya sarili niya, gusto makita na mapalayas si Shannon mula sa Jensen residence. Gusto niyang makita kung magiging arogante pa din si Shannon sa kanya sa hinaharap! Para naman sa pagpipilit kay Shannon na isuko ang ambassador slot, pakiramdam ni Sheila na hindi na niya kailangan mag-aksaya ng hininga kay Shannon dahil may koneksyon siya sa pamilya Jensen. Slot lang naman ito—kung gusto ito ni Rachel, puwede nila itong kunin mula kay Shannon. Wala pang sinasabi si Carla simula ng dumating si Sheila at Rachel—istrikto ang pamiyla Jensen sa mga staff nito, at ang mga katulong ay hindi dapat nakikipagusap sa mga bisita ng pamilya Jensen. Pero, hindi niya mapigilan isipin na kakaiba ang mga sinabi ni Sheila at Rachel. Mukhang binabastos nila si Shannon, ang anak ng pamilya Jensen. Anong kalokohan ito? Hindi na ito matiis ni Thomas. “Mrs. Gray, Ms. Gray, kayo ay—” May nagsalitang boses bigla. “Anong nangyayari dito?” Si Hector—tapos na ang tawag niya. Noong nakita niya ang mga tao sa harap ni Shannon, nagmadali siyang lumapit. Kuminang ang mga mata ni Rachel ng makita siya. Sinuri siya ni Sheila at inisip kung kaninong anak siya ng pamilya Jensen ng makita ang diamond cufflinks niya at mamahaling relos. Naging malagim ang ekspresyon ni Thomas ng makita si Hector. Sasagot na sana siya ng mapagtanto niya na ang tanong ay para kay Shannon. Kaya, nanatili siyang tahimik at hindi nagsalita. Hindi alam ni Shannon kung dahil ba ito sa pagigin protective ni Hector sa kanya kanina, pero pakiramdam niya gusto niyang isumbong si Sheila at Rachel ng makita niyang nakatingin sila sa kanya. “Oh, pinagmumukha lang nila akong masama.” Simpleng pangungusap lang ito at diretso sa punto, pero nagkaroon ng kakaibang katahimikan. Noong nahimasmasan si Sheila, sumigaw siya, “Anong sinasabi mong bata ka?” Itinaas niya ang kamay niya, gustong sampalin si Shannon. Ineenjoy ni Hector na may nirereklamo sa kanya si Shannon, pero naglaho ang ngiti niya ng makita niyang may gagawin dapat si Sheila. Bago pa siya may magawa, si Shannon, na mukhang nakakaawa, ay itinaas ang kamay niya para saluhin ang kamay ni Sheila. Nagulat si Hector at Sheila sa kilos niya. Malinaw na inaasahan ni Sheila na gaganti si Shannon at agad na hinatak paatras ang kanyang kamay. Pero nabigo siya. Mukhang mahina lang ang kapit ni Shannon, pero mahigpit ang pagkakahawak niya. Malamig siyang tinignan ni Shannon at sinabi, “Huwag mo kalimutan na hindi na ako miyembro ng pamilya Gray. Hindi ko na kayo hahayaan na gawin sa akin ang kahit na anong gusto ninyo.” Binitiwan niya is Sheila. Nahirapan siyang kumala kaya napaatras siya ng makawala sa kamay ni Shannon. “Ma!” nasalo ni Rachel si Sheila at binalanse siya. Hindi makapaniwala ang ekspresyon niya habang nakatingin kay Shannon. “Shannon, kahit na anong nararamdaman mo, hindi mo maitatanggi na pinalaki ka ni ina. Paano mo nagawang saktan siya? Ikaw… sumosobra ka na!” Kahit sa ganitong mga oras, hindi mapigilan ni Rachel na pagmukhaing masama si Shannon. Sino nga naman ang maniniwala na mabuti ang isang tao na nanakit sa sarili nilang ina na umampon sa kanila? Sawang-sawa na si Shannon sa arte ni Rachel. Tinignan niya ito at sinabi, “Nakita mo ba na sinaktan ko siya? Maaaring bulag ka, pero sa tingin ko hindi bulag ang iba.” Makikita ang tuwa sa mga mata ni Hector habang nakikinig sa kanila. Inassume niya na si Shannon ay madlaing apihin dahil mukha siyang masunurin, pero mukhang hindi na siya masama pagdating sa paglaban sa sarili niya. Mabuti ito. Tulad ng inaasahan mula sa anak ng pamilya Jensen! Habang inoobserbahan ang sitwasyon, nagalit si Sheila dahil naglakas loob si Shannon na gumanti. Pinalaki niya si Shannon, kaya dapat tumayo lang siya at tanggapin ang kahit na anong parusa mula sa kanya! Hindi lang lumaban si Shannon, pero ininsulto pa si Rachel. Sa isang iglap, nabaliw si Sheila at nakalimutan na nasa Jensen residence sila. Itinulak niya palayo si Rachel at gustong sugurin si Shannon. “Ikaw na hayop ka!” Pinanood lang siya ni Shannon. Aatras sana siya bago kumilos pero may mas mabilsi kumilos sa kanya. Isang tao ang humarang at pinrotektahan siya mula sa kapahamakan. Malapad ang likod niya at diretso, nagbibigay ito ng impresyon na ligtas ang kahit na sinong nasa likod nito. Wala na ang bakas ng ngiti sa mga mata ni Hector. Dominante at malamig ang dating niya. “Ito ang Jensen residence, hindi lugar para magwala ka at gumawa ng gulo.”

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.